Sa tama lang po!  

Posted by Jay in

Sa tama lang po!

Naalala nyo ba nung nag announce yung babaeng maliit na di sya hahabol nung 2004 elections?, pero binawi din nya ito pagkaaraan lamang ng ilang buwan….
Nung nkaraang linggo naman, sinabi nyang may tamang panahon para sa cha-cha.. at unahin muna dapat ang ibang pangangailangan ng bansa, marahil nasabi nya ito dahil sa dami ng taong bumabatikos at tumututol sa cha-cha.. ngunit ng nakita nyang hindi ganun karami ang dumalo sa prayer rally, biglang binawi nya ito at sinabing, muling bubuhayin ang issue ng cha-cha na isinantabi nya noong nakaraang linggo.. WALANG ISANG SALITA!.
Hindi sapat na husgahan ang daing ng tao dahil lang sa bilang ng dumalo sa prayer rally.. bakit ba kasi di nalang nila pagtuunan ng pansin ang patuloy na paghihirap ng bansa natin, ang mga kabataan na di makapag-aral at nalululong sa bisyo, ang mga tao na walang tirahan, makain. Bakit di nalang ang pag unlad ng bayan ang isipin at isantabi na ang pag unlad ng sariling bulsa!. Sana rin namay wag nyong isisi sa simbahan ang maling gawi ng mga Pilipino. Patuloy sa pangangaral ang Simbahan, ngunit kayo mismo ang di marunong makinig,at sa inyong mga namumuno sa pamahalaan pa namin nakikita ang bulok na ugali at pamamahala ninyo. Paumanhin mga ginagalang naming mga POLITIKO.sa pakiwari lamang ng isang kabataan,..
SA TAMA LANG PO!





jay

Ang Mahalin Ka  

Posted by Jay in ,

Ang Mahalin ka....

Ang mahalin ka ng higit pa sa pagmamahal
Ang ibigin ka, habang buhay ay itataya.
Yan ang tanging alay bawat pasko
At mahalin ka higit pa sa buhay ko.

Ipaglaban ka sa bawat tama at mali.
Ang kampihan ka sa bawat laban at sandali

Yan ang aking sinumpa sa puso mo.
At uuulit ulitin twing pasko.

At sa bawat pagsikat at paglubog ng araw.
Sa bawat saglit na kasama ay tanging ikaw.

Sa bawat pangakong nakalimutan at ninakaw,
Kaya mo bang tumbasan ang aking pagmamahal?

Sabi ni Fr.PSL  

Posted by Jay in

Mt. Samat sa Ikatlong Akyat
02 Disyembre 2006



May Bagyo. Alam nating darating…Himala man o hindi ay natuloy ang akyat sa Mt. Samat! Mula sa banta ng panahon at hamon ng Samat ay muling nagdudumaling nag-akyatan ang 30,000 (tatlumpung libong) humigit kumulang na mga mananampalataya na ang 95% marahil ay mga KABATAAN! Ang dahilan: Bataan: Bayani at Banal: Sama-sama sa Pagbabago ng Lipunan.Ang taong 2006 ang hamon ng Simbahan para sa pagpapanibago ng bayan.

Biglang nawala ang Bagyo. Alam nating umiwas o humina! Ngunit hindi nawala ang ragasa ng loob ng mga taga Bataan sa pag-akyat sa Mt. Samat. Hindi rin umiwas ang lahat na makiisa sa ating Obispo sa mga minimithi ng Sinodo bilang konkretong pagsasabuhay ng Bayani at Banal sa Bataan. Ang pangkalahatang paksa ng Adviento at kapaskuhan sa Diyosesis ay Panunuluyan ng Sinodo, Panunuluyan ni Kristo. Unang Linggo ng Adviento ang akyat sa Samat. Bagyuhin natin ang Bataan, dala-dala sa Puso ang Sinodo. Patuluyin si Kristo sa hamon ng panahon!

May Bagyo.Tago at Delikado! Tapos na ang bagyo ng hangin at ulan. Tapos na ang Akyat sa Samat. Nakababa na tayo sa patag at maaliwalas na mundo. Hindi nagtatagal ay nagulantang tayo sa gulo ng lipunan. Kongreso at Senado. Pamahalaan at Halalan. ConAss, ConCon, ChaCha. Bakit nga ba iba’t iba ang tugtog at sayaw, mga hanging hindi mo maintindihan? Nasaan ang halimuyak ng kalayaan at kapayapaan? O baka naman mas amoy ang malansang kasakiman at mabahong loob? Mga ulan na may bahid ng pawis, ngitngit at luha na nagbabadya sa puso ng Pilipinong masa. Nasaan o nakanino ang maiitim na balak at madidilim na pangarap? Sinu-sino ang may malalagim na budhi?

Kaya’t Mt. Samat sa Ikatlong Akyat! Sinagupa ang bagyong naparam ng panahon! Ngunit hinaharap ang totoong bagyo sa kalooban ng mga Pilipino. Bagyo na hindi maitatago ng ulap at mga kislap ng Pasko. Bagyo na haharapin ng tapang at banal na puso! Bagyo na mahahawi at mapapawi sa Pagsilang ng Bagong Kasarinlan!AMEN!


Nagninilay: Padre Perry