Posted by Jay in

Baka eto ang totoong
State of the Nation...


Pano nga ba mabuhay sa Pilipinas?

Nang mabasa ko ang isang libro ni Bob Ong, bigla akong napaisip.
Nasabi ko na lamang sa aking sarili,
ito nga ata talaga ang totoong kalagayan ng Pilipinas.

Pano nga ba mabuhay sa Pilipinas?

Masuwerte ka kapag mayroong linya ng telepono sa iyong bahay, doble ang swerte kapag may unlimited na tulo ng tubig. Ano pa kaya ang tawag sa atin na nakakabasa ng bawat letra na ito sa aking blog? Ibig sabihin lang may pera ka pang rent ng computer o may sarili kang internet connecton sa bahay. kung meron pang higit sa salitang "swerte", malamang, tayo na yun!

kailangang maging OFW para makatulong sa pamilya. minsan mabibiktima ka pa ng Ilegal recruiter, o pag lalo pang minalas, dadatnan mo ang mahal mo sa buhay na na-pariwara na!

Ang iba nama'y napipilitang ibenta ang sariling anak o kaya nama'y ang kidney nila. Meron namang full-time contestant na ng WOwowee o ng Eat Bulaga. Ang pulis, kailangang mangotong. Ang teacher, kailangang magtinda ng polvoron at ice candy. ANg mga nurse kailangang mag-abroad. May mga doktor din na kinailangang din mag nurse.

May nang-aagaw ng cellphone, may namemeke ng cd. may nagbebenta ng aliw, minsan sa ibang bansa pa. may nagpapakasal sa dayuhan, instant millionaire ka kasi dun. may nagnanakaw ng man hole, ng kable ng koryente, kable ng telepeno at maging metro ng tubig!. may nag aartista, may hmahabol na politiko, may nangungupit din ng pondo!

Nagkalat ang mga bata sa kalye, kung hindi nagbebenta ng sampaguita, sigarilyo naman, kung minsan, nangongolekta na lamang sila ng barya galing sa mga nag papark.
Ang mapangarap ay nandudukot ng pitaka, ang iba naman, solvent nalang ang nilalanghap.

Nakatira tayo sa isang bansang dalawa na ang napapatalsik na presidente. At nagpipilit pa tayo ngayon na maging tatlo ito. Naalala ko tuloy ang paborito kong linya ni PGMA, "The president is as strong as she wants to be." Nasanay na tayo sa bansa na tatlong taon bago ang eleksyon, simula na ng kampanya, kung saan tatlong taon ang halalan. Kung saan ang artista ay politiko, at ang politiko ay sirkero. Kung saan ang kongreso ay pinapasabog.

Ang mga politiko ay masigasig sa kanilang mga proyekto ilang buwan bago ang eleksyon. Natapos man ito, kasalukuyang inuumpisahan o ilusyon pa lamang, ang lahat ng ito'y nakalista na sa mga flyers na kanilang ipinamimigay sa araw ng halalan. kapag magaling kang kumanta, sumayaw, kumain ng naka-kamay at magbuhat ng sipuning bata, aba! sigurado panalo ka.

Ang mga jeep at bus ay humihinto kahit saan, gaano man katagal, tumatawid ang iba sa ilalim ng overpass, ang iba nama'y sa ibabaw ng under pass.

Kinakalbo ang kagubatan, walang gamot ang ospital, walang upuan ang eskwelahan, at walang baril ang sundalo. Maraming walang pakiaalam, walang utak ang politiko. ang iba naman, may utak nga, wala namang puso.

Sa ating bansa, laging may kurakot na presidenteng iniluluklok at pinapatalsik. Laging may bagong batas ngunit hindi naipatutupad. Laging may artistang nahuhulihan ng droga sa ibang bansa. laging may estudyanteng namamatay dahil sa hazing. mahirap magpatupad ng batas, ngunit madaling maghanap ng violations pag oras na ng sisihan. Maraming namatay dahil sa pag guho ng gabundok na basura, nakoryente at nalunod sa
tubig-ulan. Paulit-ulit! walang nadadala. walang nadadala at wala ding nasosolusyunan. Ang tanging napapala lang natin ay ang relief goods na ipinamimigay sa harap ng camera, walang katapusang imbestigasyon sa kamara at senado, walang katapusang diskusyon sa radyo at turuan o sisihan sa dyaryo at siyampere higit sa lahat, ang haloween special na napapanuod natin sa tv kung saan buong sipag na nangongolekta ng mga bangkay sa loob ng lumubog na barko.


Kung totoong ganyan ang Pilipinas, sino pa nga ba ang gustong maging Pilipino?

Hindi ko ito isinulat upang lalong pababain ang pagkatao natin bilang mga Pilipino. Bakit nga ba kasi ayaw nating pinag-uusapan ang mga bagay bagay kahit alam nating tayo na ang apektado?
Subukan mo kayang tanungin si Clare Danes! Baka mas marami pa siyang alam na problema ng Pilipino kaysa satin.

Siguro ayos lang kung isa sa mga street children ang sisigaw ng "PUTANG INANG BUHAY, AYOKO NG MAGING PILIPINO!" , o kaya nama'y taga dump site ang sisigaw ng "TANG INA, INYO NALANG ANG PILIPINAS!" Ngunit ikaw na nakakabasa nito, siguradong may magagawa ka at wala kang karapatang sumigaw ng ganito!

Marami ang nagsasabing "ayoko na sa Pilipinas!" Ngunit natanong na kaya natin sa ating sarili kung gusto ba tayo ng Pilipinas?
Hindi komunismo, kapitalismo o komersyalismo ang problema sa ating bayan,...
kundi TAYO MISMO!...



salamat kay Bob Ong sa kanyang mga nakamamanghang ideya.

 

Posted by Jay in



message daw ito sakin ng isang kaibigang blogger.
kung ano man ang ibig sabihin nito, di ko din alam...

kailangan ko pa atang i-research. hahaha.

baka alam niyo kung ano to?, :)


 

Posted by Jay in

WALONG KASINUNGALINGAN NG ISANG INA
[eight lies of a mother]

isang totoong kalagayan ng karaniwang pamilya.
isang istorya lamang ito, ngunit tiyak na guguhit
sa inyong mga puso.


walong kasinungalingan ng isang ina
Ang istorya ay nagsimula noong ako ay bata pa; ipinanganak akong mahirap. Madalas, wala kaming sapat na makain. At kapag mayroon kaming kaunting makakain, ibinibigay pa ni Inay ang iba niyang kanin para sa akin. Habang isinasalin ito sa aking plato,kanyang sinabi "kainin mo na ito anak! Di ako nagugutom.
Unang kasinungalingan ng isang ina.


Nang ako'y malaki na, ginagamit ni Inay ang libre niyang oras upang mangisda sa ilog malapit sa amin; umaasa siya na sa isda na kanyang mahuhuli, magsisilbi itong masustansiyang pagkain para sa aking paglaki. Habang ako'y kumakain, tumabi si Inay sa akin at kinakain niya ang bawat tira sa tinik ng isda. Nabagbag ang aking puso nang makita ko ito. Nang ibigay ko pa ang isang isda sa kanya, tumanggi siya at sinabi " Kainin mo 'yan anak! Hindi ako mahilig sa isda."
Ikalawang Kasinungalingan ng ina.


Upang ako'y makapag-aral, nagpupunta ang nanay sa pagawaan ng posporo. Nakatulong ito upang kumita siya at nakatulong sa mga pangangailangan namin. Isang gabi, nagising ako at nakita ko si Inay na nag-aayos pa ng mga posporo gamit lamang ang isang kandila. Kaya sinabi ko sa kanya, "Nay, matulog ka na; gabi na: ituloy mo na lamang po iyan bukas." Ngumiti ang nanay at sinabi " Matulog ka na anak, di pa naman ako pagod"
Ikatlong kasiningalingan ng isang Ina.


Noong aking final examination, sinamahan ako ni nanay. Inaantay ako ni nanay ng ilang oras sa ilalim ng init ng araw. Nang uwian na, agad akong tumakbo upang puntahan siya. Inakap ako ni inay at binigyan ng isang basong tsaa. Nakita ko si Inay na basang basa sa pawis; binigyan ko siya ng isang basong tsaa at pinilit ko siya na uminom din. Inumin mo 'yan anak, di ako nauuhaw.
Ika-apat na kasinungalingan ng isang ina.


Nang mamatay ang itay, ginampanan ni nanay ang tungkulin ng isang single parent. Kinailangan niyang magtrabaho mag-isa para sa aming mga pangangailangan. Lalong lumala ang kalagayan ng aming pamilya. Lalo laming naghirap. Tinulungan kami ng aking tiyuhin sa aming mga pangangailangan. Nakita ng aming mga kapit-bahay ang labis naming paghihirap kaya pinayuhan nila ang aking Ina na muling magpakasal, ngunit tumanggi si Inay at sinabing " Hindi ko kailangan ng pag-ibig"
Ika-limang kasinungalingan ng isang ina.


Nang ako'y makatapos ng pag-aaral at nakakuha ng trabaho, oras na ito para sa aking ina para magpahinga na. Ngunit patuloy parin siya sa pagpunta sa palengke upang magtinda ng gulay. Lagi ko siyang pinapadalan ng pera ngunit lagi niya rin itong ibinabalik sa akin. "Mayroon akong pera anak.", sabi niya.
Ika-anim na kasinungalingan ng isang ina.


Nagpatuloy ako sa aking pag-aaral para sa Master's Degree. Pinag-aral ako ng kumpanyang aking pinapasukan. Nakatapos ako at siya ding biglang taas ng aking sahod. Nag desisyon kong dalin ang inay sa Amerika Ngunit ayaw ng nanay na abalahin pa ang kanyang anak. "Di ako sanay sa pamumuhay diyan anak.", sabi niya.
Ika-pitong kasinungalingan ng isang Ina.


Nagkaroon ng cancer ang nanay at kinailangan niyang ma ospital. Mula sa Amerika, kinailangan kong umuwi. Nakita ko siyang nakaratay na. Pinilit ng nanay na ngumiti, ngunit tila dinurog nito ang puso ko. nakita ko siyang napakapayat at nang hihina. Matandang matanda na ang inay. Agad niyang sinabi, " "wag kang umiyak anak! ok lang ang nanay..."
Ika-walong kasinungalingan ng isang Ina.

 

Posted by Jay in

isang sulat para sa isang kapatid na
kabatan sa parokya.
[sana mabasa mo ulit!]


I have read your friendster bulletin last friday. alam kong galit ka sakin. i tried not to text you about this dahil baka makag salita lang ako ng masakit. pero naisip ko it would be unfair kung di kita kakausapin about this.

Eto ang worry ko eh, ang kausapin ka. Alam ko kasing mag reresist ka at magagalit ka pag napagsabihan or napansin ka. Anyway. Mas maganda ng magalit ka, mahalaga, napuna kita sa mali mo.

Mahigpit lang ako, lahat pinapansin ko, lahat gusto kong nasa tama dahil ayokong may masabi ang ibang tao sa inyo. masakit sakin un. pangalawa, concern ako sa inyo. kung ala akong concern sa inyo, di ko kayo papagsabihan. di ko kayo papakialaman. Pangatlo, iniingatan ko ang pangalan ng pym ng balanga. at ayokong isa din satin ang sisira nito.

sa totoo lang kay christian ako galit. at gusto ko syang kausapin. pinuntahan ko sya sa trade last friday pero unfortunately, di kami nag-abot. Hindi rin niya sinasagot ang text at tawag ko. pero i will find a way para lang magkausap kami.

Just want you to know na may mga umamin sakin about sa yakapan. sinabi sakin yun dahil sa concern sayo. at gusto lang nilang mapaayos ka. di na mahalaga sakin kung aminin mo o hindi. baguhin nalang sana ang pagkakamali. at wag ng ulitin pa.

someone told me na ayaw mo daw ng laging napapasin, at buti pa daw sa choir, ok lang kahit anung gawin.

Ok! kung un ang alam mong tama. you are very much free to decide.

Hindi ako yung taong itotolerate ang mga kalokohan ng members.. hindi kahit kailan!

nagpupunta tayo sa simbahan para maglingkod. para maglingkod lang! sana malinaw sa ating lahat un!

 

Posted by Jay in

Lolo Monsi.

Siya pala si Lolo Monsi.
Reb. Monsignor Romeo Banaban.
Larawan ng matandang pastol ng sambayanan.

Kanina dumalaw ako sa kanya. Hinang-hina siya.
pero sa kabila ng hirap na nararamdaman niya,
nakukuha parin niyang magbiro.

Pagpasok ko ng pintuan ng kwarto niya, nadatnan ko siyang nakaratay. Naka face mask. Tila ingat na ingat na mapasukan ng virus ang kanyang pagal na katawan. At nang masilayan na niya ako, isang bonggang bonggang irap ang sumalubong sa akin. Normal un. Sanay na ko. Ganun kasi kung lolokohin niya ko.
Umupo kami sa tabi niya, akosa kanan niya, at si ate analyn sa kaliwa.

Hiinawakan niya ang kamay ko, sabay sabi: "Mahina na ko nak." "Im tired and I want to die now; 68 years is enough" Nkatitig ako sa kanya. Di ko alam ang sasabihin.
Dun kasi ako mahina eh. Hirap sa pag gawa ng reaksyon. Sumagot si ate analyn, "Tatay Monsi nman eh!, Hindi pa po, gagaling po kayo!"
Buntong hininga lang ang kanyang isinagot.

Hawak parin niya ang kamay ko. Hinahaplos.
Muli syang nagsalita, " Jay pray for me." Sabi ko habang nakatitig, "Opo mons."
"What do you tell to a sick man?", sabi niya.
Sumagot ako, " Mons, magpagaling po kayo."
Sabi niya, "Kay haba-haba man ng biyahe, may katapusan din ito at bababa din tayo
sa terminal"
Muling sumagot si ate analyn, "tatay monsi, isipin nyo po kaming mga nagmamahal sa inyo. Gusto nyo po ba kaming masaktan?"
"Hindi na mahalaga ang dami ng nagmamahal, ang mahalaga, ang kalooban ng Diyos." I want to say mass, pero I cant. Di ako makatayo."

Tumingin siya sakin sabay sabi, " Si Jay mahal na mahal ko yan. Kahit na gaganyan ganyan yan, ganyan nalang talaga yan." Muli niyang inulit, "I want to say mass. Paki sabi nalang sa kapatid ko, ipagmisa niya ko"
Nag-isip ako. Pero isa lang ang pumasok sa isipan ko. Si Fr. Robert.

Muli siyang dumaing, "I want to die. Sawa na ko sa medications" Sumagot si ate analyn, " ikakasal nyo pa po si Jay!"
Sabi ko naman, "Di po ako mag-aasawa."
Nagulat ako sa isinagot ni lolo monsi.. " Papasok pa ng seminaryo si Jay eh, aantayin ko pa un."
Nagulat ako. at natuwa na din. tuwing sinasabi ko kasi sa kanya na gusto kong maging pari, di siya naniniwala. tatlo-tatlo daw kasi ang girlpren ko.

Kahit inuubo, nahihirpan sa paghinga, sige lang siya sa pagkwento.
muli niyang sinabi, "Si jay, mahal na mahal ko yan." Dinugtungan ko sa isip ko ung linya na yun. at kasabay naman ng pagdugtong ko, sinabi niya, "Sabi kasi ng mama ko, be kind to animals."
alam ko na na yun ang sasabihin nya. mula kasi ng naging close ako sa kanya, un na ang joke nya.
Pagkatapos nun, sinabi niya, "Yan ang maaalala mo sakin jay pag namatay na ako. joke about life"

sa totoo lang, sa trenta minutos na pagdalaw ko sa kanya, na guilty ako. dati panay kasi siyang nagpapasama sa akin na samahan ko siya sa pagtulog, pero nung mga nakaraan, di nako nagppuunta sa kanya. naging busy din kasi. na guilty ako. bat inantay ko pa na lumala ang kalagayan nya bago ko ulit sya nadalaw. pero sa huli, nasip ko, mswerte pa din ako. sa dami ng naging kaibigan niya, sa dami ng nag-alaga sa kanya, di pa rin niya ko nakakalimutan sa kabila ng bigat ng kanyang karamdaman. ma swerte pa din ako dahil may isang pari na di ko naman kaano-ano, pero hinayaan akong tawagin ko siyang "lolo monsi"

Hindi ako magpapaka plastik, gusto ko syang gumaling. gusto ko syang makitang nagmimisa ulit. pero ayoko na din siyang makitang nahihirapan. I promise to pray for him. pangako un sa kanya. at sa panalangin na ito, ibubulong ko na lamang sa puso ni Jesus na mangyari nawa ang nais Niya para kay lolo monsi.



 

Posted by Jay in

Unang Komunyon, Nuclear power plant, STL atbp.,
[dapat nung Saturday pa 'to. di lang natapos.] xD


ikalawang sabado ng buwan.
araw ng paghuhubog para sa mga kabataan
ng Obispo ng Balanga.

2nd Saturday nanaman, araw na inaabangan ng mga
fans ni Bishop Soc. Araw muli ng paghubog.
Umikot sa tatlong paksa ang dalawang oras na meeting kasama ang Obispo.



joke of the day:

BP. Soc: Minsan may batang lumapit sakin para mangumpisal para sa pagtanggap nya ng first communion. Lumapit sya, nanlalamig at kinakabahan ang bata.
Bata: (lumuhod sa kumpisyonaryo at biglang napaiyak ang bata!)
Bp. Soc: Why?...
Btata: I forgot....
Bp. Soc: You want me to say the first word?
Bata: Yes...
Bp. Soc: ok.. Bless....
Bata: nagliwanag ang mukha ng bata, ngumiti ant biglang sinabi:Bless us, O Lord, and these Thy gifts which we are about to receive from Thy bounty, through Christ our Lord. Amen.

Tungkulin daw nating mga nakatatanda ang paghahanda sa mga bata sa komunyon lalo't higit kung kamag-anak o kapatid natin ito. Wala ng mas sasarap pa sa pandinig kung madidinig daw nating sasabihin ng nakababata nating kapatid na "Si kuya ang naghanda sakin para sa first communion!" Tungkulin daw ng bawat isa sa pamilya ito. wag nating iasa sa katekista o sa school program.



_____________________________


Nagbigay naman ng senaryo ang obispo. isipin daw kung tama ang senaryo na sasabihin nya.

Linggo, tapos na magmisa sa umaga si Fr. 2 misa sa umaga at isang binyag. Tapos na ang misa at binyag. Sarado na ang simbahan. pumasok ka sa loob ng simbahan at nakita mo si Fr. na nagdadasal.

Tama o Mali??

"Mali! Iskandalo para sa simbahan ang makita itong sarado! Linggo?!, Sarado ang simbahan!
Hindi lamang pari ang may tungkulin na pabanalin ang araw ng Linggo. Dapat katulong ang sambayanan. Maaring magpakain ng mga bata sa loob ng simbahan, maaring magturo ng mga bata. "Wag nyo ng asahan si Fr! hindi maasikaso ni Fr mag-isa yan!"


________________________________


Sugal.

May kabatang nagtanong.
"Bishop, legal na po ba ang jueteng sa Bataan?"

Anti Gambling Statement from the Diocese of Balanga

"Ang pasugalang dumadami sa ating lalawigan ay punlaan ng kurakot sa pamahalaan. Ang pasugalang kumakalat sa Bataan ay pinagsisimulan ng pagkasugapa sa bisyo sukdulang mapabayaan ang mga anak dahil sa paglustay ng salaping dapat sana ay para sa pagkain at pagpapaaral ng kabataan. Ang pasugalang dumadami sa Bataan ay nagtuturo ng katamaran sa halip na kasipagan at naghahatid sa pagsisinungaling sa halip na pamumuhay sa katotohanan.

Nakasusuklam na sa lalawigang tinawag na “cradle of heroes”, sinusubukan ng pamahalaan kung magtatagumpay ang small town lottery. At kung ang small town lottery ay magtagumpay nga sa Bataan, papalitan na ba natin ang taguri sa Bataan bilang “cradle of the small town lottery”. Nilalapastangan ng small town lottery ang kabayanihang nais natin para sa Bataan.

Nananawagan ako sa inyong lahat—kaparian, madre at layko—sugpuin natin ang pasugalan sa Bataan. Ang pasugalan ay labag sa utos ng Diyos na mamuhay nang matuwid at tapat. Ang pasugalan ay labag sa pangarap nating maging bayani at banal. Ang pasugalan sa Bataan ay kalapastanganan sa alaala ng mga bayani ng Bataan na nagtiis ng hirap, gutom at uhaw mapanatili lamang ang dangal ng Bataan!

Kung alam ninyo na ang inyong inihalal na pinuno ng pamahalaan ay kasabwat sa paglaganap ng pasugalan, tandaan ninyo ang kanilang pagtataksil pagdating ng susunod na halalan. Hindi sila karapat dapat mamuno sa bayang nagnanais maging bayani. Sila ay kalaban natin."


"Minsan nakipag usap ako sa PCSO. Ano nga ho ba ulit ang meaning ng PCSO? Philippine Charity Sweeptakes Office po. Ano kamo? Paki ulit? Philippine Charity Sweeptakes Office po. Kelan pa naging charitable institution ang pulis?! Pulis ba ang tinatakbuhan ng mga tao pag nangangailangan?!, pag walng makain? pag walang pambili ng gamot?!"

____________________________________

Nuclear Power plant.

May nagtanung muli na kabataan.

"Bishop ano po ang stand ng simbahan sa Bataan tungkol sa Nuclear Power plant?"

"Meron ng statement ang simbahan, babasahin ito bukas ng mga parish priest ninyo sa mga misa"

CHOOSE THE LORD! REJECT EVIL!

Pastoral Statement on the Proposal to Operate the Bataan Nuclear Power Plant

Ang Bataan nuclear power plant ay naideklara ng unsafe sa dalawang kadahilanan.

Ang BNPP ay itinayo sa paanan ng isang dormant na bulkan ang Mt. Natib. Sino ba ang mag-aakala na sasabog ang bulkang Pinatubo pagkatapos ng 200 daang taon? Ano mang pagsabog ng bulkang Natib ay magdudulot ng di maipapaliwanag na pinsala mula Gitnang Luzon hanngang Mayanila! Kaya kung akala ng mga nagpaplano sa Maynila na di sila aabutin kung magkaroon man ng aksidente sa BNPP, nagkakamali sila.

Napakaraming iregularidad habang itinatayo ang BNPP. Walang makapag sabi kung tumupad ito sa International Standards. Minsan sa Morong ay mayroong mangingisda ang nagsabi ng buong pagmamalaki. "Sayang nga ho at di natuloy ang nukleyar na iyan, noong itinatayo ang BNPP, kinuha pa ho kaming WELDERS diyan eh dahil sa hirap ng buhay sa pangingisda. Maningisda?! Ginawang welder ng Nuclear Power Plant?!

"Mag search kayo sa google!" "yung ibang bansa nag-iisip na kung papano isasara ang mga plantang nukleyar nila, tayo namang mga gago, magbubukas pa tayo!"


____________________________________________________________________


Reactions:

Hm. Wala naman gano. Pero meron syempre.

Una.

Sayang wala akong batang kapatid, gusto ko din sana maranasan ang paghahanda sa kanya sa unag komunyon nya. di bale, aantayin ko nalang magkaanak ang mga kapatid ko. xD


Pangalawa.

May tanong ako. Hm. Tama, magpakain tayo ng mga bata, magturo ng katesismo, pabanalin natin ang araw ng Linggo, pero napasaya kaya natin ang pamilya natin? may oras pa kaya tayo para sa pamilya natin kung magkaganoon? Hm..
tanong lang po ito ng litong taong tulad ko.


Pangatlo.

Jueteng and STL ay iisa! sa Jueteng, may lagay ang pulis, mayor, governor atba. para hindi mahuli ang mga kubrador at magtuloy parin ang mga transaksyon.
Pinalitan ng STL (small town lotery) ang Jueteng upang maging legal ito. same mechanics. may kubrador pa din.
at take note!

may lagay pa din si mayor, si gov, at si mamang pulis...
hmm!


Pang-apat.

Mga kabataan ng Bataan, mag-abang lamang tayo ng kahihinatnan ng public hearing sa Lunes (July 14) ano man ang maging resulta nito, magsama sama sana tayo para sa pagtutol dito.


Panglima.

wala na. review lamang ito ng dalawang napakabuluhang oras kasama ang Obispo ng Balanga. nextmonth ulit! :)




 

Posted by Jay in

[isang mabilisang entry bago pumasok] --> pula dahil galit

prelims na! medyo handa narin naman ako..
dalawang subjects pa at makakaraos na.

inspired ako mag-aral, bagong eyeglasses kasi.
haha. connect? ewan ko. gusto ko lang i share.
ang alam ko lang, malaki ulit tinaas ng grado ko.

prelims na! ang dami ko pang iniisip.
pwede ba kasing time out muna sa
problema at exams muna ang isipin!

teka. anu nga bang pinoproblema ko?
ewan. haha. ang alam ko lang, naiinis ako
sa mga taong huli na, itinatanggi pa.

naiinis ako sa mga taong pinagmumuka akong
engots. anyway, bahala sila.
duty ko as youth leader ang ayusin sila.

ayoko din na may masabing hindi maganda ang ibang
tao sa kanila. kailangang maitama ang mali. kailangang
aminin ang kasalanan, at wag ng ulitin pa.

hmmm. enough!

ayoko magalit. wa.
un lang. gusto ko lang mag share ng init ng ulo.

papasok nako. pray for me.



 

Posted by Jay in

PaLit LaMaN
[normal na nga bang bahagi ng buhay ng Pilipino o kailangang labanan ng lipunan?]


naalala ko tuloy ang isang text message:


Pari: Iha, masama yang ginagawa mo! Nagbebenta ka ng laman...
Prosti: Eh sino naman po ang bibilli kung magbebenta ako ng
taba?!


Hmm. tama nga naman.
Pero mali parin! Mapa laman o taba ang ibebenta, kasalanan parin
ito sa mata ng Diyos at ng lipunan. Tatanggapin na lang ba natin na ganitong kababang moral nating mga Pilipino?


Isipin natin an dami ng pamilyang nasisira dahil dito? Isipin din natin ang buhay ng mga kabataang babae o mapa lalaki na nalugmok sa ganitong hanapbuhay. Isipin natin ang sakit na maaring kumalat at maaring makaapekto sa mga isisilang na sanggol. At sa huli, atin din isaalang-alang ang mga mata ng mga musmos na bata, na sa paningin nila'y normal lang ang mga kaganapang ito! Itong mga bagay ba na ito ang ating ipapamulat sa kanila?


Ano ang dapat gawin?


Sa totoo lang, maging ang maga lider ng Simbahan at ng Gobyerno ay wala pang kongkretong paraan upang matigil ito. dagdagan pa ng alinlangan na baka hindi rin ito bigyang pansin ng gobyerno dahil ilan din sa kanila ang mga 'loyal costumers' ng mga prosting ito.


Sana.. Sana, magtulungan ang mga lider ng Gobyerno at Simbahan para masugpo ang pangit na imaheng ito. Iisa lamang ang kanilang pinaglilingkuran- ang taong bayan. at makasisiguro tayo, na kapag sila'y nagsanib pwersa, "BAGONG SIMULA NG ATING BAYAN" ang ating mararating.



 

Posted by Jay in


Paano na kaya ang kinabukasan ng mga batang ito?

nakakalungkot. dahil habang tayo'y pahiga-higa lang,
pakain-kain, pa text-text, pa chat-chat, at kung anu-ano pa;
e meron palang isang bahagi ng Pilipinas, na may mga
batang dumadanas ng ganito..













kelan kaya sila mahahango...

ngunit kung ating iisipin, isa lamang ito sa napakaraming problema
ng kahirapan na dapat harapin ng gobyerno at ng mga nakaaangat sa lipunan...

 

Posted by Jay in



Ang muling Pagbubukas ng Nuclear Power Plant sa Bataan...

Krisis sa presyo ng langis, mataas na bilihin, mataas nat tuition fees, dagdagan pa ng mataas na singil sa kuryente, pano na si Juan?

Ang sabi ng mga kurakot, este, pulitiko, muling buksan nalang daw ang Bataan Nuclear Power Plant. Ito daw kasi ang magiging kasagutan sa krisis sa enerhiya na dinadanas ng bansa. Malaki daw kasi ang matitipid sa kuryente pag muling binuksan ito..

E pano naman ang buhay ng mga taga Bataan? Pano naman ang yamang-dagat ng Bataan na masisira dahil sa init na ilalabas ng Nuclear power plant?

Dagdagan pa ng pangamba dahil sa pagkaluma nito, at ang kalidad ng mga nagsipag trabaho para maitayo ito.. hmm?

tama bang buhayin muli ito?!

kung ang isang simpleng tao na tulad ko na nag-aaral ng Mechanical Engineering, [isa sa subjects namin ang Nuclear Physics] di ako papayag! Lalo pa't kabuhayan at buhay ng mga nakatira sa Bataan ang nakasalalay.

At bilang responsableng kabataan at mamamayan ng Bataan, nawa'y magsama-sama tayo sa pagtutol dito... Hindi tayo aktibista, ngunit ating alalahanin ang kahihinatnan ng Bayan ng Diyos sa Bataan.

-jAy


[ps kung gusto ninyo malaman ang saloobin ng Obispo ng Balanga hinggil sa usaping ito, i-klik lamang ito:Choose the Lord! Reject Evil!



Irony of Love  

Posted by Jay in ,

d irony of love..

Nakakatawa talaga ang love. Isa syang napakalaking oxymoron.
Lahat ng pwede mong masabi sa kanya, baliktarin mo at totoo parin.
Ang labo db?, pero ang linaw.

Masaya magmahal. Malungkot magmahal. Di mo naiintindihan pero naiintindhan mo. Walang rason. Maraming rason. Di mo na kaya, pero kaya mo parin.
Masakit magmahal. Pero ok lang.
Leche! Anu ba tlaga?!

May kaibigan ako, sabi nya dati "Love is only for stupid people." Nakakatawa kc laude ang standing nya, pero dumating ang panahon, na-inlove ang hunghang.
at ayun, tanga na siya ngaun.

Lahat kc ng nahahawakan ng love nagiging oxymoron dn.
O kaya paminsan minsan, nagiging moron lang.
Hindi lang kc basta ang baliktaran ang pag-ibig. Lahat ng bagay nababaligtad din nya.
Lahat ng malakas na tao, humihina.
Ang mayabang, nagpapakumbaba.
Ang mga walang pkialam, nagiging MOther Teresa.
An mga henyo nauubusan ng sagot. Ang malungkot sumasaya.
Ang matitigas, lumalambot.
(at tumitigas din ang mga bagay na madlas nma'y malambot.)

Nakakatawa talaga. Lalo na kapag dumating siya sa taong ayaw na talaga magmahal.
Napansin ko nga eh.. parang kung gs2 mo lang mainlove ulit, ssabihin mo lang ang magic words na "AYOKO NA MA-INLOVE!" biglang WACHA! Ayan na siya..
Nang-aasar. Magpapaasar ka nman.

db nakakatuwa pag dating sa problema ng ibang tao, ang galing-galing mo?
pero kapag problema mo na yung pinag-uusapan parang nawawalan lahat ng saysay lahat ng ipinapayo mo dun sa namomroblemang tao?
Naisip mong wala nmang mali sa cnabi mo.
Pero bakit parang wla ring tama?

Balibaliktad din ang nasasabi ng taong tinatamaan ng madugong pana ng pag-ibig.
"Nayon ko lang nalaman ganito pala. sabi ko na eh"
"Ang sarap mabuhay. Pwede nkong mamatay. now na!"


At hndi lang 'yon. Ang sarap ding pagtawanan ng mga taong alam nman nilang masasaktan lang sila eh magpapatihulog parin sa bangin ng pag-ibig.
Tapos pag luray luray yung puso nla, siyempre hindi sila ung may kasalanan.
Siya! "Bakit nya ko sinaktan?!"
may kasama pang pag suntok sa pader yon, at pagbabagsak ng pinto.
hayop talaga!

Mauubos ang lahat ng oras ko sa kakasabi ng mga bagay na nakakatawa pag pag-ibig ang pnag-uusapan.
ang daming beses ko na kc siya nakasalubong kaya masasabi ko nang eksperto nko.
Pero wla parin akong alam.

Pero ang pinakanakakatawa sa lahat ay ang katotohanang kapag gs2 magpatawa ng pag ibig, ipusta mo na ang lahat ng ari-arian mo dahil siguradong ikaw ang punchline.

Nakakatawa no?

Nakakaiyak. :(