Posted by Jay in

21

Tama. dalawampu't isang taon na nga ako sa mundong ito. at aaminin ko, bagaman kaarawan ko nga ngayon, hindi pa din maganda sa pakiramdam. gayunpaman, pipilitin ko na lamang na gawin itong magandang araw para sa akin.

Pasasalamat sa nagdaang unang dalawampung taon ko sa mundong ito.

una
~salamat sa aking mga magulang. sa kanilang pag aaruga at pagpapalaki sa upang maging maayos na bata. salamat sa mga sakripisyo ninyo para sa akin. hindi na ko bata, matanda na ko. alam kong nalalapit na din ang responsibilidad ko bilang anak na siya namang mag-aaruga sa kanyang mga magulang pagdating ng kanyang katandaan.

pangalawa
~ salamat sa aking mga kapatid. mga kapatid na todo bigay sa akin. nakakalungkot lamang, kung kelan tayo nagsitanda, saka pa tayo naging malapit sa isa't isa. kung kelan na imposible na magkasama sama pa tayo ng matagal, kung kelan panag inip na magkasabay sabay tayo sa hapag kainan. sayang. pero alam kong di pa naman huli ang lahat para makabawi sa isa't isa.

ikatlo
~salamat sayo Jara.

ikaapat
~ salamat sa mga kabataan na naging kalakbay ko sa halos limang taon na din. inspirasyon ko kayo . kayo ang nagpapalakas sa mga kahinaan ko. salamat sa pagtitiwala ninyo sa akin. matagal ko na kayong kapiling, at matagal pa tayong magkakasama. matagal pa tayong maglalakbay.

ikalima
~salamat sa mga kaibigang pari. Di nyo man po ito mabasa, sana'y maramdaman ninyo ang labis kong pagpapasalamat sa inyo. kayo po ang patuloy na nagpapakilala sa akin kung ano ang bokasyon. patuloy ninyo nawa akng akayin sa dapat kong kahinatnan sa mundong ito.

ika anim
~salamat sa Diyos! salamat sa Kanya na nagbigay ng pagkakataon na may maisilang na "JAY" sa mundong ito. salamat po sa lahat ng biyaya na patuloy Ninyong ipinagkakaloob sa akin. Salamat po at kahit hindi po ako karapatdapat sa mga ibinibigay Ninyo, e patuloy Nyo pa din ipinagkakaloob. Hindi po ako karapatdapat sa lahat. wala po ako kundi dahil sa awa Nyo sa akin. maraming salamat po.

pang huli
~no more words. hayaan ninyo lamang na mahalin ko pa kayong lahat sa abot ng aking makakaya upang makabayad man lamang ako kahit konti sa lahat ng inyong kabutihan. :)


matanda na nga ako. bente uno na. para bang sinasabi ng aking edad na kailangan ko ng magseryoso sa buhay. alam ko pong mararating ko ang hangarin ko basta't kapiling ko kayo.
maraming salamat!!


O God, I thank you for giving me
another year of life.
I thank you for all the people
who have remembered me today.
Thank you for everything
that I have been enabled by you to do
and to be in the past years.

I thank you for the experiences
of the past year:
for the times of success,
which will be always be happy memories;
for the times of failure, which will remind me
of my own weaknesses and my need of you;
for the times of joy
when the sun was shining;
and for the times of sorrow
which drove me to you.

Forgive me,
for the hours I have wasted,
for the chances I failed to take,
for the opportunitiess
I missed in the pass year.
Forgive me that I have not made of life
all that I might have made it.
Help me in the days ahead
to make this the best year yet,
and in it to bring credit to myself,
happiness to my love ones,
and joy to you.
This I ask for Jesus sake.
AMEN.
ps. siyempre, nagpapasalamat din ako sa mundo ng mga bloggers. dito ko nailalabas ang mga bagay na hindi ko kayang mailabas na tunay na mundo. salamat sa pagbabasa. salamat sa inyo. salamat.

 

Posted by Jay in


*sigh

Kapag tinawag ka ng Diyos sa pagpapari ay wag ka ng mag-atubili pa! Wag kang matakot o mag-alinlangan sapagkat hindi pinababayaan ng Diyos ang kanyang tinawag. Kung minsan ay pinangungunahan tayo ng ating "kakulangan" at naiisip nating di tayo karapat-dapat sa pagtawag ng Diyos. Ang Diyos na tumatawag sa atin ang magpupuno ng ating kakulangan. Hindi dapat maging hadlang ang anumang bagay upang sumunod sa Kanya! Pamilya, kaibigan, kayamanan, "career", kakayahan... ay di dapat hadlang sa pagpasok sa "Pintuan". Isa lang ang pintuan... si Jesus! At sa Kanya nakasalalay ang ating kaligayahan.
~Father Duds

 

Posted by Jay in

PAUMANHIN..
Magyayabang ako ha, lalo na kay kaibigang bloom.. :)


may bagong mukha na aking blog! hahaha.
nagawa ko din sa wakas!

babalik ako mamaya para tapusin ang design. :)

mag eexam muna ko. .

 

Posted by Jay in

K W A T R O


Hindi yan ang prelim grade ko sa subjects ko ha! At mas lalong hindi ko papangaraping makakuha ng ganyang grade ngayung! :D Eto naman kasing naging kaibigan kong blogger eh, dinamay pa ko! Sabagay, wala naman mangyayari kung hindi ko sagutan to, pero mag-papapauto nalang ako. mukang masaya to. :)

Here’s the rule..

Click copy/paste, type in your answers and tag four people in your lists! Don’t forget to change my answers to the questions with that of yours.

1. Four places I go to, over and over:

* sa simbahan :) kung pwede lang sana akong dito na tumira.
* sa school.. aba! di na kailangan ng eksplanasyon dito!
* sa DYM office! secretary ako ng DYM, muka lang hindi. :D
* sa tindahan, para mag pa load. (anu ba yan, ala ng maisip)


2. Four people who e-mail me regularly:

* si Tita Nonnet.. formator namin siya sa PYM. schedules ng meetings, etc)
* si ate ko.. kung anu anong messages lang :)
* FRIENDSTER email notifications
* Trend Micro PccLin2007. paalala na mag-eexpire na ang antivirus :)


3. Four of my favorite places to eat:
(naku, no choice dito sa Balanga)
* Java Jams. Tamabyan namin ni Jara :)
* Big Papa's place. Paboritong kainan ng PYM.
* Chowking.Dito nagpapa meeting si Bishop Soc eh. :)
* Dulang. dito ako lagi nag la-lunch!

4. Four places i’d rather be:

* Vatican..gusto ko magseminaryo dito! gusto ko din makita ang Pope. haaay
* Africa.. gusto kong maging misyonero. :)
* China.. gusto ko din mag misyon dito..
* Iloilo.. namimiss ko na si baby faith! waaaaaah


5. Four TV shows I could watch over and over:

* TV Patrol. -gusto ko ang current issues eh :D
* The Correspondence
* PDA
* PBB (pinahirapan ako ng tv shows na to! di naman kasi ako nanunuod talaga.)

6. Four people I think will respond:

* si Myk.. gawin mo to brad! para may libangan ka jan sa Singapore. :))
* si pishnge.. para makaranas din siya ng assignment. :)
* si NANNIE. ala lang. gagawin nia to
* si Gem. haha. gagawin nya to. :)

 

Posted by Jay












Draw me close to You
Never let me go
I lay it all down again
To hear You say that I'm Your friend

You are my desire
No one else will do
'Cause no one else can take Your place
To feel the warmth of Your embrace
Help me find a way
Bring me back to You

You're all I want
You're all I've ever needed
You're all I want
Help me know You are near



The Katinas--Draw Me Close.mp3 -





 

Posted by Jay in

YOU Called me by Name...

bago ko ituloy ang naputol kong kwento kahapon, may bago muna akong kwentong sisimulan. Dito ko lang naman kasi naiki-kwento ang mga bagay na hindi ko maibulalas sa iba.

Kakayari ko lamang magsimba. 9:30 AM. lector ako. 1st reader. Na-late ako. Pipila na kasi ang dalawang pari at mga sakristan. (kung bakit dalawang pari? mamaya ko sasabihin.) Nakahabol naman ako. Nang nakapila na kami, biglang naalala ng kasama kong lector na naiwan sa Sacristi ang bubuhatin kong Gospel Book. Dala na rin ng sobrang pagmamadali. Nakakahiya. Na delay din ng dalawang minuto ang misa dahil sakin.

Dalawang pari ang nagmisa. Misa Cantada kasi ng bagong ordinang pari. Si Fr. Ramon. Misang pasasalamat at pagtanggap ng din ng sambayanan ng Balanga. Ang kura paroko ang na bigay ng homiliya. Ang galing! Para na rin siyang isang Obispo na nagbibigay ng homiliya para sa isang bagong pari.

Napaka solemn ng misa. Sobra. At gaya ng mga nararamdaman ko kapag nakakasaksi ako ng oedinasyonng isang pari o diyakono, nandoon ang pangingilabot ng buo kong katawan. Nandoon ang tila bulong na madalas na bumabagababag sa akin.

Ang bulong na ito, ang tinig na ito, ay matagal na din bumabagabag sa akin. Matagal na nga. Nagsimula ito noong ako'y bata pa. Isa akong sakristan. Napalapit sa mga pari. Napalapit din sa ikalawang Obispo ng Balanga. Pansamantalang nawala ang bulong habang ako'y lumalaki.

Dumating ang kasalukuyang Obispo ng Balanga sa Cathedral isang araw bago ang kanyang pagtatalaga. July 2, 2004. Nagkasalubong kami sa kumbento.

Bishop Soc: Anong pangalan mo?
Jay: Jay po.
Bishop Soc: Seminarista ka?
Jay: Hindi po. (sabay tawa)
Bishop Soc: Si Jay, magpapari ha? (sabay akbay)

Sa hindi inaasahang pagkakataon. Biglang nanumbalik. Biglang bumalik ang bulong, biglang bumalik ang tinig. Sa pagkakataong ito, mas tumindi. Mas lumalim. Iba ang pakiramdam ko tuwing nakakakita ako ng damit ng pari. Lalo na pag napakaraming pari ang nagmimisa. Iba ang dating sakin ng sakrispisyo bilang isang pari. Alam kong mahirap. Alam kong komplikado. Ngunit nandoon ang hangarin na balang araw ay makaisa nila ako, makatulong nila sa kanilang misyon. Lalo pang lumalim ito ng italaga ako bilang lider kabataan sa aming parokya. Ang dami kong natutuhan. Ang dami kong nalaman. Ngunit sa kabila ng bulong, nandoon ang takot.


Dala ng takot sa pagsunod, binabaliwala ko. Takot sa sasabihin ng iba. Takot sa maiiwan kong responsibilidad sa pamilya, takot na baka hindi ko mapanindigan ang isang bagay kung sakaling tutugon ako. Takot. Magulo. Gumugulo. Nahihirapan ako.

Madalas kong maalala ang katagang binitawan ng Obispo ng Balanga noong youth camp. "Kapag naramdaman mong tinatawag ka ni Hesus, tumugon ka. Wag mo ng patagalin. Huwag niyong tawanan ang bokasyon! Sapagkat hanggat hindi nasusunod ang kalooban ng Diyos, hindi ka matatahimik."

Marahil ay nauunawaan niyo na ang ibig kong sabihin. Tama ka. May hangarin ako sa pagpapari.

Hindi ako makatugon dahil sa takot. Ngunit hindi ko ito binabaliwala. Katulad ng payo sa akin ng mga kaibigan, ipnagdadasal ko ito. Para turuan ako sa dapat kong gawin. Nararamdaman ko ang pag-aalangan. Takot ako. Tulungan ninyo ako!




 

Posted by Jay in

GRO
part II


Katulad ng sinabi ko kagabi, nagkaron ako ng pagkakataon na mag-interview ng isang G.R.O.
(guest relations officer). Ang ganda sa pandinig diba kapag pinahaba? Pero kung GRO lang ang maririnig mo, sigurado akong unang papasok sa isisp niyo, "MADUMING BABAE". Yun din ang akala ko. At mali pala ako.

Maria. Isang inosenteng pangalan para sa isang inosenteng babae na napapadpad sa isang "HANEP-BUHAY" -ang pagiging GRO.

Tanghali kahapon, bigla kong naisip na umalis ng bahay ng maaga, kahit hapon pa talaga ang klase ko. Naisipan kong pumunta sa hanay ng mga beer house sa aming bayan. At tulad ng inaasahan, wala akong makakausap doon. Oras palang kasi ng gising nila ang katanghaliang tapat. May kumausap naman sakin, kusinera nga lang. Kusinera, ngunit mukang laspag na din ang itsura. Para bang may sideline pa sia bukod sa pagiging kusinera ng beer house. Natapos ang aming pag-uusap. Sandali lang. Di ako interesado. Puro chismis kasi ang bukang bibig niya. Di nagtagal, nagpaalam na din ako na aalis na ko.

Sumakay ako ng tricycle. Nagtanong sa mamang driver kung saan pa mayroong beerhouse. Ngumiti siya. Pero ang pangit ng ngiti niya! Para bang nasa isip niya na: "tanghaling tapat mag bebeerhouse ang batang to." Pero di nko nagpaliwanag sa kanya. inantay ko na lamang na dalin niya ko sa beer house na alam niya. At presto! tatlong hanay ulit ng beer house ang narating ko.


itutuloy....
may meeting kasi ngayon sa Obispo ng Balanga.
mag-aayos muna ko.





 

Posted by Jay in

GRO

Kanina nag interview ako ng GRO..
katulad ng ipinangako, may kwenta na ulit ito sa susunod.
pero bukas na yung kwento. Antok na ko.


 

Posted by Jay in

PAPANSIN LANG

daan lang po.
baka maisip mo na tingnan at saglit na basahin ang nilalaman nito.
hindi naman talaga ito importante. baka nga wala pa itong halaga sa inyo eh. nagustuhan ko lng magtype, lpero ala naman akong masabi.
timang! oo, ako nga ata yun.

sige, wag mo ng basahin.
sa iba na lang.
wag mo ng pagtuunan ng pansin ang pahinang ito. wala naman tlga itong kwenta eh.salamat sa konting oras.
yaan nyo, sa susunod, me kwenta na uli.
haay.,

salamat


 

Posted by Jay

PAUMANHIN


Ako po ay labis na humihingi ng paumanhin sa aking mga mambabasa.
ilang araw narin ang lumipas mula ng huli kong mapasok ang mundo ng mga bloggers!

Sagsag sa dami ng schoolworks, umaga na kung matulog. Paumanhin. ngunit sisikapin kong muling mapadalas ang pag dalaw ko dito.

mula nung dumating ang laptop ko at nabago ang gamit kong computer, wala na kong maisip na entry.

ano kayang connect? naiwan ata ang utak ko sa gamit kong pc dati.