Posted by Jay in

What a great feeling!
di ko maipaliwanag. tama talaga si Bishop Soc.
HIndi natin mauunawaan ang pagmamahal ng Diyos sa atin.
dahil sasabog ang ating isip, sasabog ang ating puso, dahil napakaliit natin para
maiisp kung gaano tayo kamahal ng Diyos.

Sabi ng isang Heswita sa akin kanina, makakatulong ang journal sa nararmdaman ko ngayon. bagay na nagpangiti sa akin. kailangan kongbuhayin ang blog ko, dahil isa pala ito sa mga makakatulong sa akin.

napakasaya ng maghapon. madaming issues ang nasagot at nalinawan. sana maramdaman din ito ng mga katulad kong nag ddiscern din. sa mga katulad kong nalilito, natatakot. hindi pala pagkalito at pagkatakot ang dapat kong maramdaman, dapat ako ay inspirado. tama naman. salamat sa mga kaibigang pari na nagdadasal para sa akin. salamat sa mga kaibigan na nagpapalakas ng loob. salamat sa Diyos dahil biyaya ang nararamdaman kong ito.
sana patuloy pa akong lumago, lumalim ang kagustuhan na ito, at pagdating ng araw, maialay ko ang buong buhay at pagkatao ko sa lahat ng tao.

Nais kong ialay ang buhay ko hindi sa isang tao lamang, hindi sa isang limitadong grupo, kundi sa buong mundo...

 

Posted by Jay

bakit pa ko matatakot?


bakit ba natatakot pa akong sumagot?
nararamdaman ko kasi ang takot. lagi nalang un ang dahilan ko.
tao din naman kasi ako, tao lang. makasalanan. d karapatdapat.
pero, "Lord, Bat ako?!"

pagkatapos ng mahabang pagninilay at pagsasaliksik, ito ang natuklasan ko.

Noah was a drunk
Abraham was too old
Isaac was a daydreamer
Jacob was a liar
Leah was ugly
Joseph was abused
Moses had a stuttering problem
Gideon was afraid
Samson had long hair and was a womanizer
Rahab was a prostitute
Jeremiah and Timothy were too young
David had an affair and was a murderer
Elijah was suicidal
Isaiah preached naked
Jonah ran from God Naomi was a widow
Job went bankrupt
John the Baptist ate bugs
Peter denied Christ
The Disciples fell asleep while praying Martha worried about everything
The Samaritan woman was divorced, more than once
Zaccheus was too small
Paul was too religious
Timothy had an ulcer...
AND Lazarus was dead!

pero lahat sila tinawag pa din ng Diyos!

bakit nga ba ako? hindi lahat nabibigyan ng pagkakataon na matawag.
hindi lahat nabigyan ng pagkakataon na mag apoy ang puso dahil sa Kanyang pagtawag.
pero ako, eto. damang dama ang apoy, nadidinig ang tinig, pero nananatili akong lito, nanatili akong isnabero, pinipilit na maging normal ang bawat sandali, kahit alam kong hindi ako makukupleto hanggat di ako sumasagot.

Nalaman kong habang lumalaki ka, maraming beses kang madadapa. Bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo, at mauubos ang oras.


unang hakbang sa pagtugon  

Posted by Jay

labing tatlong araw na din pala nang muli kong madalaw ang sarili ko mismong blog. patawad mga kaibigan. walang update. maagiw na nga ang blog na ito, mausok, at madumi. baka nga replika na din ito ng pagkatao ko sa ngayon. wag naman sana.

abala rin sa mga gawain sa eskwelahan, patapos na din kasi ang semester. abala rin sa mga gawain sa simbahan. normal talaga na sa maga ganitong panahon, padami ng padami ang mga aktibidad sa simbahan.

may mga bagay bagay din sa aking sarili na gusto ko munang ayusin ngayong buwan na ito. may kailangan akong hanapin. marahil magiging malaking parte ng buhay ko ang nais kong hanapin. kung ano yon? malalaman niyo nalang sa mga darating na panahon. kapag nahanap ko na. kailangan kong gawin ito sa lalong madaling panahon, mabilis ang araw. baka hindi ko mahabol. siguro ay naliito na kayo?sasabihin ko din ito sa tamang panahon, hindi ngayon, pero malapit na.

sa ngayon mga kaibigan sa blogosperyo, at iba pang malalapit na kaibigan, magiging madalang ang pag pasok ko sa sarili kong blog. hindi madali para sa akin ang ilantad ang mga bagay bagay. marahil may mga bagay na dapat itago muna sa sarili at ihayag na lamang sa tamang panahon. kailangan ko munang itago para ako mismo ang tumulong sa sarili ko para hanapin kung ano man yon. ipanalangin niyo po ako.

hindi magsasara ang blog na ito, pangako yon. ngunit kailangan ko lang munang humiwalay pansamantala. katulad ng magkasintahang pansamantalang naghihiwalay upang hanapin ang mga sarili, upang kilalalanin ang mga sarili at upang malaman kung para talaga sila sa isa't isa. kailangan ko din kilalanin ang sarili ko, hanapin ang sarili ko, at alamin kung para saan ba talaga ako sa mundong ito.

asahan niyo na malalaman niyo din kung ano ito. kung pahihintulutan ng pagkakataon, dadalaw parin ako dito, kung pahihitulutan ng aking sarili, magkkwento pa din ako. pero kung tungkol sa kailangan kong hanapin, wag muna. sa tamang panahon na lamang.

maraming salamat kaibigan.

I think I'll follow the voice that calls within.
Dance to the silent song it sings.
hope to find my place.
So my life can fall in place
I know in time I'll find my place
In the greater scheme of things