Posted by Jay

OUTREACH CHRISTMAS PARTY.

ang mga kabataan ng aming parokya ay naglunsad ulit ng outreach christmas party..
taun-taon namin itong ginagawa.
kaya lang. tatlong taon palang namin nasimulan.
salamat sa aming formator!

pero hindi siya basta party na parang nagpa feeding program kami.
syempre, ayaw naman namin na pagkain at regalo lang ang maaalala
ng mga bata sa amin kapag nakita nila kami muli.

summer palang, hinahanda na namin sila.

pagkatapos ng youth camp na inilulunsad naman ng aming obispo,
bumabalik kami sa aming mga parokya ng may bagong sigla at lakas.

at gnagamit namin ang lakas at bagong natutunan para magbigay naman sa mga bata.
PINUNO kami upang kami naman ang MAMUNO (magbigay, mag-handog, mag-alay).

Linggo-linggo namin silang binabalikanupang magturo.
mga simpleng katesismo na makakatulong sa mga bata.
simpleng katuruan ng mga katoliko na maabot ng mura nilang pag-iisip.

magtuturo ng rosaryo, magkkwento ng mga santo, atbp.

pag dating ng panahon ng pagbalik sa eskwela, isang beses nalangnamin sa isang
buwan sila pinupuntahan...

at syempre pagdating ng December, nagdadaos kami ng Christmas party para sa kanila.
pero di pa rin tipikal na Christmas party.

nangumpisal muna sila sa umaga. at may konting katesismo ulit.

at ang games? base na natutunan nila. o diba? hindi lalabas ang mga bata na
pagkain at regalo lang ang natutunan nila..


nakakatuwa. dahil pag nasasalubong mo ang mga bata, sila pa ang magtatanong kung
kailan namin sila babalikan. nakakataba ng puso. ngiti palang nila, sulit na ang lahat.



pero siyempre, hindi magiging posible ang lahat ng ito kundi sa kakaibang tulong ng mga tao.

una. sa aming formator na tatlong taon na din naming kasama. napaka swerte ng aming parokya sa kanya.
pangalawa. sa mga kapatid kong kabataan na nag-alay ng kanilang pagod, puyat, at gutom.
Balanga Youth, YOU ARE GREAT!
pangatlo. salamat din sa mga bata. sa pagbibigay sa amin ng inspirasyon na paglingkuran pa sila. sila ang nagpapalakas sa mga pagod naming katawan. ngiti palang. ayos na.
at Siyempre, kay Lord! salamat po.
kayo po ang lakas namin. kayo po ang bawat hininga namin. at iaalay pa po namin ang bawat hiningang ito para sa iba.

ang ibig sabihin ng pasko ay pagmamahal lamang. dahil pag pinagsama sama natin ang lahat ng ibig sabihin ng pasko, babagsak at babagsak tayo sa iisang bagay. magmahal.

ito ang dahilan kung bakit kami nagdadaos ng mga ganitong programa. hindi para magpakain lang dahil pasko, hindi para makapag party lang. hindi para gayahin ang iba dahil uso ang christmas party.
ulitin ko. pagmamahal ang dahilan.


may dahilan kng bakit ko ibinabahagi ang entry na ito.
hindi para magyabang o magpabida.

ito ay para ipamulat sa bawat kabataan sa blogsperyo na may magagawa tayo!
iba naman talaga ang lakas ng kabatan.
at yun ang kakaiba sa atin.

siguradong tatatak sa bawat puso ng bawat isa ang ating ginagawa kung nagmumula ang lahat sa puso...

 

Posted by Jay in

UNTITLED


This is a story about four people named,
EVERYBODY, SOMEBODY, ANYBODY, NOBODY.

There was an important job to be done and EVERYBODY was asked to do it.
EVERYBODY is sure that SOMEBODY will do it.
ANYBODY could have done it, but NOBODY did it.
SOMEBODY was angry about that because it was EVERYBODY'S job.

EVERYBODY thought ANYBODY could do it, but NOBODY realized that EVERYBODY
wouldn't do it.

It ended up EVERYBODY blamed SOMEBODY when NOBODY did what ANYBODY
could have done....

..... at ang ending ng istorya? SOMEBODY resigned! pero hindi pinayagan....




PS. patawad sa kapatid na blogger na ginantihan ko at sinabihan ng tanga.
di nako magpapaliwanag. naipaliwanag ko na sa kanya.
patawad. mali ako.
pero di lang ako. wink.
biglang kambyo.
pero seryoso.
sorry....

 

Posted by Jay in

Usapang Love.

ikalawang parte.


meron akong gustong i share. nabasa ko ito sa isang blog na first time ko pa lang napuntahan. o wag ka munang umangal! nangopya nga ako, pero pinagpaalam ko naman. bat ba!.

pwede na ding continuation ito ng usapang love...

ewan ba. bat trip ko ang mga ganitong entry ngayun. pero pramis mag eenjoy ka.

may kahabaan nga lang. umupo ka na. tumitig sa iyong monitor at damhin ang bawat eksena.

malay mo. makita mo ang sarili mo. wink.

o sya. eto na sya.



ANG MGA BABAE TALAGA OO
by redrope


*grabe. usapang lalake*

*sindi ng yosi*

*hithit*

*buga*

Musta na, pare? Ako, okay lang. Eto. Nagmumuni-muni. Nag-iisip. Minsan talaga may mga bagay na hindi ko maintindihan. Ewan ko ba.

*hinga ng malalim*

Bakit ba ganun pare, ilang beses ko na pinag-aralan pero lagi na lang lumalabas na parang kahit 'sang anggulo mo tingnan, hindi nagiging patas sa mga lalake ang ilang bagay pagdating sa pagmamahal.

*tingin sa stars*

Minsan naiisip ko,

alam kaya ng mga babae ang hirap ng lalake na gumawa ng first move para magtapat ng pagmamahal?

E yung hirap na dinadaanan sa panliligaw at pagsuyo sa mahal nya?

Ang feeling ng masaktan pag nabasted?

Malamang-lamang siguro, hindi ano. Wala naman yata silang alam sa mga paghihirap naten e. Ang alam lang kasi nila e mamili, manakit, at magsaya. Tingin mo?

*tingin sa malayo*

Lagi naman ganun. Una pa lang,

lalake na ang naghihirap.

Hassle saten ang panliligaw pero bago pa yun, kung ano pang diskarte ang gagawin naten para masabi naten sa kanila na mahal natin sila. Alam kaya nila yun?

Mahirap magsabi na mahal mo na yung babae, diba?

Tapos liligawan pa naten. Patutunayan na mahal nga sila. Susuyuin to-the-max.Maghahatid sa bahay, tutulungan, sasabayan, palalamunin, pagtyatyagaan, lahat na. Kulang na lang e pagsilbihan mo nang walang sahod.

At ano ang kapalit?

Well, depende sa trip nila.

Oo tol, sa trip lang nila. Wala silang pake kesehodang mahal natin talaga sila. Basta ang alam nila, pag di nila tayo trip, isang malaking HINDE ang makukuha naten,kahit umiyak pa tayo ng dugo o lumuhod sa mga asing buu-buo. Para lang silang namimili ng damit na di man lang sinusukat bago ayawan.

Kaya kahit mahal na mahal na mahal na mahal natin, sorry tayo.

Hindi nila alam kung mahal mo sila. Kailangan mong maabot ang kanilang mga standards o uuwi ka lang na bad trip, iiling-iling, at minsan, luhaan.

Wala tayong magagawa, marami silang alibi.

"Hindi pa 'ko ready eh..",


"Sorry pero I think we should just be friends..",


"Ha? Uhhmm..nagpapatawa ka ba? Hahahaha.."

"Better luck next time na lang muna, okay lang?",

"Give me a decade. Pag-iisipan ko muna..",

" Para lang kitang kapatid e..",

yaddah yaddah. Isang malaking pagsasaklob ng langit at lupa 'yon para saten.

*kuha ng bote ng beer*

*lagok*

*lunok*

At hindi lang 'yon tol. Sa pre-relationship stage pa lang yon. Pag sinagot na nila tayo, satin pa rin ang hassle.

Tayo daw ang ang lalake kaya tayo ang hahawak ng relasyon. Tayo ang aayos kung may gulo; tayo ang dapat magpapakabait; tayo ang magtatyaga; tayo ang magiging devoted at faithful; tayo, tayo tayo.

Sila? Ummm? Teka, isipin ko.

Ayun.

Sila ang magsasbi kung anong oras kayo dapat magmeet; sila ang magtetext ng mga mushy at kabalbalang texts; sila ang magdedemand sayo ng kung anu-ano; sila ang magbabawal; sila ang magsasabi kung kelan ka dapat mag-shave, kung kelan ka pwedeng tumawag sa bahay nila, kung kelan sila di dapat bad tripin dahil meron sila, at kung kelan ka korni.

Ewan. Ganun ata talaga.

*kuha ng bote ng beer*

*lagok*

*lunok*

Hindi pa yun tapos pare, dahil dapat tayo ang
bahala kung ano ang magiging takbo ng relasyon. Pag maganda, edi okay, Pag may problema, kasalanan naten. Haay buhay. Minsan talaga kung tutuusin sakit sila ng ulo. Kaya lang mahal naten kaya di na natin iniintindi yun.
*hinga ng malalim*

Pero alam mo tol,

feeling ko mas sincere pa tayo magmahal sa kanila. Alam mo yun, iba tayo magmahal e. Hindi lang parang laru-laro lang. Seryoso. At kung magmahal man tayo, lubus-lubusan. Mas mature. Hindi yung parang pambata lang gaya nila na kesyo magseselos-selos, iiyak-iyak, iina-inarte, dadradrama, at kung anu-ano pa. Hindi lang kababawan. Ka-mushyhan. Kababaihan. Iba tayo pag nagmahal.

*hinga ng malalim* *tingin sa malayo ulit* At ito pa ang pinakamasaklap. *singhot* Ang ending ng relasyon. Sa mga panahong 'to, either

sawa na sila,

hindi na tayo trip,

may nahanap na silang better saten,

o kaya they need f*cking space and time muna.

Bad trip no? Wala na naman tayong choice. Sila ang masusunod.

At ano pa ang kasamang hassle don?Syempre wasak na ang imahe naten. Tayo an= lalabas na may kasalanan.Na playboy.

Na nagpapaiyak.

*iiling*

Tayo siyempre ang mga

antagonist at sila yung mga bidang inaapi at parang mga pusang iiyak-iyak.

Ang ending: mag-ooffer sila ng "friendship" kuno matapos tayong pagsawaan, lahat ng gifts naten nasa kanila, sawi tayo sa pag-ibig, "player" na ang image naten, at higit sa lahat, mag-iisip kung papaano ipagpapatuloy ang buhay. Maiiwan tayong tulala, mag-iisip kung saan nagkamali, mamomroblema sa pag-aadjust sa pagiging single, at di na naman makakatulog.
Haay buhay. Ang hirap maging lalake. Lagi ka na lang naiiwan sa ere. Ano? Hindi ka na nagsalita? In-love ka no? Ako, kamusta? Eto.Yoyosi-yosi. Bubuntong-buntong hininga. Titingin-tingin sa bituin. Mumuni-muni. Lalagok-lagok ng alak.

Ang mga babae talaga, oo.

samantala.

eto naman si babae. may sarilng hinagpis din.

heto:

ANG MGA LALAKE TALAGA, OO
(tugon kay redrope)
by xristel

Ano ba itong si redrope? Kaming mga babae na naman ang nakita. Lalake, agrabyado. Lalake, kinakawawa. Lalake, hindi maintindihan. Hmmp, parang masyado yatang nagisa ang mga kabaro ko. Tungkol sa pagiging patas sa ngalan ng pag-ibig, kami naman ang laging talo a, hindi kayo. Kami ang laging lugi, kami ang lagging nawawalan at iniiwan. Kapag ngumiti ka na ng konti, nag-ayos ng konti pagkakamalan ka nang malandi. Hindi pangseryosohang relasyon. Marinig lang nila na malakas kang magsalita, palengkera ka na. T.O. kagad sa kanila iyon. Mahilig silang tumingin sa mga babaeng sexy manamit, kulang nalang makita na kaluluwa. Pero kapag babaeng seryosohin at gustong ligawan dapat disente, dapat mala-anghel ang mukha, dapat mukhang inosente. Tapos kami pa raw ang mahilig mamili?

Parang baliktad yata?

Ok, ayan nanliligaw na si lalake. Dapat pakipot ka para suyuin ka,para habulin ka pa lalo.

Kapag hindi ka naman nagpakipot "easy to get" naman ang tingin sa iyo.

Hindi ka na seseryosohin. Sino bang may sabing magpaalila kayo, di naman namin hawak ang buhay niyo. Natural lang na magtiis kayo, may gusto kayo sa amin eh. Kapag nakuha niyo na iyon wala na lahat ng mga paghihirap niyo, babaliktad na ang sitwasyon kami naman ang mamromroblema. Para lang kayong may gustong bilhin na bagay. Upang mabili ito kailangan munang magsakripisyo, magtipid, magtiis. Pag nabili na at mapagsawaan wala na, balewala na. Diyan ka na sa tabi-tabi!
..

"Tawagan nalang kita pag trip ko o kaya'y pag may gusto akong ipagawa sa iyo."

Ano pa ba? E di sinagot mo na diba. Utang na loob pa natin yun. Dahil naghirap daw sila sa panliligaw dapat masuklian natin iyon ng higit pa. Sa umpisa kailangan malambing ka, maayos at laging magsisilbi sa kanya. Ayaw daw nilang humawak ng relasyon, pero kapag ikaw naman ang nagmando, aba, masasakal naman. Sasabihin pa sa iyo

"demanding" ka.
Meron ka pang maririnig na "I think we need space"
at kung anu-ano pang ek-ek. Sino rin may sabing dapat kami magpakabait, maging devoted at faithful? Kapag kami ang sumaway niyang mga iyan, iba na ang tingin sa amin.

Malandi na kami, haliparot, pakawala, makikay at kung anu-ano pang mga bansag ang itatawag sa amin.

Kapag kayo gumawa noon, ok lang. Lalake kayo eh, macho kayo pag ginawa niyo yon. Kaya kami, walang magawa. Magpapakaburo at
magpapakamadre nalang. Kapag nagloko na kayo ano pa bang magagawa namin? Eh di iiyak nalang. Wala namang ibang magagawa eh.

Tungkol naman sa tinatawag niyong pagdedemand namin. Hindi kami nagdedemand! Karapatan lang namin iyon. Karapatan namin na lambingin niyo kami, icheck at ipakita! sa amin na mahal niyo kami.

Hindi rin ibig sabihin na mas sincere kayo sa amin. Seryoso rin naman kami ah. At ang maturity wala yan sa edad. Mas maaga nga kaming magmature sa inyo. Ang isang 19 year old na lalake eh, isip 15 pa yun. It follows iyan sa lahat ng age group. Mas mataas pa nga kung minsan ang pagbawas ng level of maturity. Kayo na ang mag-math. Pati yung pag-iyak namin pinupuntirya niyo. Kesyo drama daw. Diba kapag umiyak ka nagbuhos ka ng emosyon diyan. Ano tingin niyo sa amin mga artista?!

Yun bang kulang nalang ay lumuha ka na ng dugo, pero hindi ka pa rin papansinin. Sasabihan ka pang tigilan na ang pagdradrama.


e yung mga halos 10 beses nang pa-ulit ulit at napaka stupid na excuses niyo pag nabibisto kayo sa mga kagaguhan niyo? hindi ba kadramahan yun?

kesyo:

"hindi ko sinasadya.. nadala lang ako"

"si _____ pinag seselosan mo? wala lang yun!"

pero mas naalala mo pa siyang itext kesa sakin...

"hindi na ko uulet. PROMISE"

"mas mahal naman kita kesa sa kanya"

with matching sad face pa! yuck!

Alam niyo iyon?

Hindi niyo kami maiintindihan kapag nagseselos kami.Bakit naman kami magseselos kung wala kaming nakikita? Mas iba kaming magmahal. Mas masarap.

at Kapag natapos na ang lambingan, eh di siyempre iwanan blues na.Kami pa raw ang nagsawa, kami pa raw ang nagtritrip lang. Sino ba ang lumalayas kapag may nakita nang bago, sino ba ang mayabang, sino ba ang nagmamalaki? Kami ba? Kami ang walang choice. Kasi ang babae pag sinabing "break na tayo" lambingin lang iyan ng konti balikan blues na iyan.

Kapag ang lalake ang umayaw, pucha, bahala ka diyan.

Kahit mag-tambling ka pa sa harap niya. Wa-epek. Umiyak ka ng bato.Wa-epek. Tsk, tsk, tsk. Tapos sila pa raw ang kawawa.

Post-break up, mahal pa ng babae si lalaki. Sasamantalahin ni lalaki. Magpapagawa ng kung anu-ano.


Naaalala ka lang kapag may kailangan sa iyo.

Kapag pumangit ka after the break up, magpapasalamat sila na iniwan ka nila. Kapag gumanda ka naman, ipagkakalat nila sa buong sangkatauhan na naging girlfriend ka niya. Sala sa init sala sa lamig talaga.

Ano ba namang buhay to? Ang hirap ding maging babae ano. Kala nila laging sila nalang. Lagi rin kaming naiiwan sa ere. In-love din kami.

Ang mga lalake talaga, oo.






oha.oha.

naguluhan ka noh?

magulo talaga magmahal.

sinasabi ko nga ba e,

di ako mag-aasawa.


ILOVE YOU LORD!


*wink

 

Posted by Jay in

usapang love...


may mahigit anim na bilyong tao sa ating mundo,
ang ilan dito ay maaringnakita mo na sa araw-araw...
nakabangga mo na, nakausap, o maaaring di mo napansin..

kilala mo man o hindi, bawat isa sa mga taong yan ay may kanya-kanyang
kwento, may kanya-kanyang kasiyahan, at hinanakit.
ngunit iisa lamang ang tangi nilang hangad, ang magmahal, ang mapamahal,
at higit sa lahat, angmahalin...

ang matagpuan ang kaisa-isang nilalang na kayang magbigay ng kahulugan sa buhay mo..
ang inaasam na makapiling sa hirap o ligaya.. lahat ay gagawin, matagpuan lamang ang iisang tao na nilaang makasama. at kahit saan, ay hahanapin, makita lang ang nakatakdang mahalin.

ito ay isa lamang sa napakaraming kwento ng paghahanapan ng kaligayahan at pagmamahalan...

wala naman nag sabi na kapag ang dalawang tao ay piniling magkasama, na ang bawat sandali ay puno lamang ng ligaya...

kasi nga, walang dalawang tao ang magkaparehong magkapareho.
at dahil na rin sa pagkakaiba ng dalawang tao, kaya ang pagmamahalan ay
umuusbong..
... at ang lamat ng di pagkakaintindihan ay nagsisimula.

ganyan talaga ang relasyon, magkapareho, magkaiba, magkasama!
wala naman taong wang taglay na kapintasan, at ang pagkukulang na ito
ang nagbibigay lalim sa pagsasamahan..

o maari ring maging dahilan kung bakit napakaraming damdamin ay kaydaling magwakas...

..... 48 years ka ng nagtatanong kung bakit mahal-na mahal mo sya, pero ang layo naman ng ugali nyo sa isa't isa!
domenante, nagger, selosa (seloso),
ma late lang ng konti sa pagtext, away na..
may malimutan lang na okasyon, gera na!
yung bang alam na nilang wala ka sa mood dahil sa pagod,
nag eexpect pa din ng sobra.
.... paulit-ulit naman kung magkwento, at dapat nakikinig ka.
kung hindi, kukulitin ka, dededmahin ka ng isang linggo.
tapos magtatampo, dahil taken for granted sya,

NGUNIT PAG WALA NAMAN ANG LAHAT NG ITO,
parang di ka naman kuntento, parang kulang, di maingay, sobrang tahimik,
di ka mapakali, gusto mo ng manuntok, kasi....
miss na miss mo!

O ANUNG PROBLEMA? wala naman diba?
....mahal mo ba?
e pano kung mang-iwan sya tulad ng iba?
... baket? pareho ba sila ng pangalan?
kahit pareho pa sila ng pangalan, magkaiba pa din sila!

hindi ka naman kasi talaga makaasiguro, di mo masasabing di ka na masasaktan ulit,
hindi mo masasabi na hindi kayo magkakaroon ng problema, pero...
di rin natin alam na hindi kayo magiging maligaya! oha. oha.
e parte lahat yan ng pagmamahal e..

not knowing, is the sweetest mystery in loving another person, and how much you can love,
is the greatest discovery you can have of your self!

yan naman kasing ideal-ideal na yan, iba ang ibig sabihin pag bata ka at inlove...
yung tinginmo sa mahal mo, walang mali, perpekto, at mananatili syang ganun.
pero habang tumatagal, mas nakikita mo ang totoo sa kanya... na hindi sya perpekto katulad mo, katulad ng kahit sino..

kung talagang mahal mo sya, matutunan mo ring tanggapin ang hindi perpekto sa kanya,, at ganun din sya sayo... at ang pinakamaling bagay na dapat matanggap sa isa't isa, ay yung magkaiba kayo. at patuloy kayong magbabago. mahirap. pero ganun talaga.
nagmamahal tayo eh!

script from a tagalog movie...
pag nag-away kayo, try mo kaya ito?

makulit ka...
pakialamera ka...
walang preno yung dila mo...
mainitin ang ulo mo...
minsan nakaka bwisit na.
at dahil ganyan ka, may narealize ako...

mahal na mahal kita...

magtatnung sya: anu ulit ang sinabi mo?
sasagot ka: narinig mo na e, ipapaulit mo pa..

magwawalk-out sya.
sisigaw ka pa din, "mahal na mahal kita!"

walk-out pa din.
hahabulin mo.
at matitisod ka.
at titilapon sa kanya ang petals ng rose.

oha.oha.
carry mo kaya yun?

anyway. balik tayo.

yan lang naman ang tanging hangad ng bawat tao, ang makapiling ang kaisa-isang nilalang na itinalaga ng kapalaran na makapiling sa bawat saglit ng nalalabing buhay..
at malay mo, nandyan lang siya... malay mo, nasa tabi mo lang...

[tingin ka nga sa katabi mo... pls. one time lang.] wink. :D

How To COntrol Emotions...  

Posted by Jay in

how to controL Emotions (RE POSTED)

Naisip ko kasi na sakto sa akin ang post na ito.
sakto sa maraming bagay.
kung bakit ko nasabi? ikaw ng mag-isip! showbiz kayo
masyado. gusto nyo lahat naka broadcast! hahaha.


This would give you guides on how to control your emotions towards your friends and all the people around you. The rules of practicing "ugaling langit" .

#1. Ang naunang magalit ang may karapatan lang na magalit. Pag naunahan ka ng galit nya, tumahimik ka nalang muna!

#2. Walang tao ang nag-aaway mag-isa. Pag hindi kayo sumagot o pumatol, titigil din daw ang taong nakikipag-away sayo.. hm...

#3. Ang taong galit, "bingi." if someone is angry, wala raw pinapakinggan, so, don't try to explain and fight back. Hindi ka nya iintindihin dahil wala syang ibang naririnig kundi sarili lang nya.

#4. Ang taong galit ay "abnoy." Ayon sa isang pari, Biblical daw ito? because the Lord said when He was crucified. "Father, patawarin mo sila sapagkat di nla nalalaman ang kanilang ginagawa." Modern term for these kinds of people are abnoys, so you better not get angry para wag kang matawag na abnoy. dba?!,

You should also realize that the persons who make your day bad are jewel, because you need them for you to mature.
Hanggat andyan sila at kinaiinisan mo naman, ibig sabihin, IMMATURE ka pa!. God will not take away those people; it's for you to take away your bad feelings towards them. You'll know na mature ka na pag dumating yung time na hindi ka na naiinis sa mga taong ito. because you have learned to accept them and to have patience with them.

#5. Finally, the best part of this is to tell yourself na, because of this person, "i will grow mature," and that dahil sa contribution nya sa maturity mo.



 

Posted by Jay

site under construction.....

nagulat ka?
Di ka nagkakamali!
tama. nandito ka sa aking pahina.

magulo nga lang.
inaayos pa...

 

Posted by Jay in

cha-cha..
sayawin mo na!
[edited]


nagulat ka ba? parang dati kasi isa akong anti-administration
pero ngayon, sasayaw na ko sa cha-cha?

tama ka! PRO CHA-CHA nako!
at sana ikaw din, tayong lahat, PRO Cha-CHa na din.

pero ang cha-cha ko ay hindi ang itinutulak ng mga sirkerong
kongresista natin.

ang nais kong cha-cha ay ang tulad ng sinabi ni Fr. Duds. at ng aming Obispo sa isa nyang homiliya.

at ito ay CHAracter-CHAnge!

hindi ko maintindihan.
bakit ba gigil na gigil silang mag charter change?
ilang beses na nilang sinusubukan.

hindi ko maintindihan, bakit ba may mga
taong ganid sa kapangyarihan at pera?

hindi ko maintindihan, nakakatulog pa kaya sila
sa gabi dahil sa gulo na idinudulot nila sa Pilipinas?


para sa akin, may tamang panahon para sa Charter Change.
at hindi pa ngayon iyon.
mahirap ipagkatiwala ang ganitong bagay sa mga taong
nanalo lamang sa eleksyon dahil sa dayaan.
mahirap ipagkatiwala ang bagay na ito sa mga taong walang
kredelibilad.
mahirap ipagkatiwala ang bagay na ito sa mga taong ganid sa kapangyarihan
at pera!

may tamang panahon at kanya kanyang kalagayan para sa bagay-bagay.

hindi itutulot ng Diyos kailanman na manaig ang interes ng mga
makasarili.

Ang problema sa Pilipinas ay ang ugali ng bawat Pilipino.
at hindi ang batas ng Pilipinas ang dapat sisihin at dapat baguhin.
kailangan munang mabago ang kalooban natin!

di kaya tayo nagtataka? kahit kailan, walang pag-unlad ng Pilipinas na
mangyayri hanggat hindi nababago ang kalooban ng bawat isa.
walang biyaya na darating sa ating bansa na manggagaling sa kalokohan at kasamaan.

kalooban ng tao ang dapat munang baguhin! walang kasalanan ang batas. walang kinalaman ang batas. maling pagpapatakbo at pag gamit dito ang problema.
maling pag-uugali ang nagpapangit sa batas.

kaya kung ako sayo, mag CHA-CHA ka na din!
character change!

charater change muna. bago pa man ang iba.
makakamit ang bagong Pilipinas kung may bagong kalooban ang
lahat.

masyado bang ma emosyon?

kanta muna tayo...

[tono ng "we wish you a merry Christmas"] (note: cha-cha here means charter change)
we wish you wala ng cha-cha,
we wish you wala ng cha-cha,
we wish you wala ng cha-cha,
at wala ng Gloria!


oha. oha. :)

 

Posted by Jay in

DYM, Paalam!

ang tagal kong pinag-isipan ito.
baka ito na rin siguro ang makakapag pagaan ng loob ko.

alam nyo ang nangyari sa mt.samat (kung binasa nyo ang previous posts ko)
at hindi talaga yun naging maganda. siguro yun na rin ang kumalabit
ng gatilyo kaya nakaisip ako ng ganito.

sampung buwan na rin ang nakaraan ng nag election ang youth leaders
para sa posisyon ng Diocesan Youth Secretary. magpapahangin ako ng kaunti,
ito na din ang pang-apat sa pinakamataas na pwesto sa youth ministry ng diocese.
hindi kasi pwedeng ielect ang Diocesan Youth Coordinator at Leader dahil
appointed lamang ang posisyon na ito ng Obispo.

(mayroon akong ibubunyag sa pahinang ito.)
naalala ko nun. sinabi ng direktor namin, ako nalang ang kukunin nyang leader. pero hindi ito pumasa sa obispo. masyado pa daw akong bata at nag-aaral pa.

ayos din naman dahil tama naman ang obispo. di ko talaga kakayanin. alam ko sa sarili ko yun. pero na elect pa din ako sa pagiging secretary.

ano ba ang naging trabaho ko?
mag gawa ng minutes of the meeting, mag gawa ng sulat sa mga pari, youth leaders, pulitiko, pulis, etc. kapag may activities. ok ang trabaho. sakto sakin. kaya ko.
napag sasabay ko pa ito sa pagiging lider kabataan ko sa aming parokya. (Cathedral)

pero nitong mga nakakaraang buwan, di na ayos. madalas nasa akin na lang ang burden. di ko naman inaako ang trabaho, di lang din naman naasign sakin ang isang misyon, pero madalas, kaunti nalang kaming naiiwan sa ere kapag sagsag na sa trabaho.

labing syam kami sa grupo. binubuo ng direktor, coordinator, secretary, formator, at council of 3 sa apat bikarya. pero kapag sagsag na sa trabaho, minsan, hindi pala minsan. MADALAS, 3, 4, o lima nalang kaming naiiwan.

hindi biro ang trabaho sa council. activities, formation at information dissemination sa youth ministry ng buong bataan ang dapat asikasuhin.

napaka taas ng expectation ko sa grupo. pero hindi na meet. ang huling alam kong pinagtrabahuhan talaga namin ay nung nag rally kaming mga kabataan ng bataan nung pumutok ang NBN ZTE deal. siguro nadala kami ng emosyon, kaya nagawa yun. proud naman ako dahil buong tapang na lumabas kami sa kalye, nag release ng aming statement, humarap sa media, na dyaryo, etc. di pa naman kami binomba ng tubig.

pagkatapos nun, wala na.

isa sa pinakamatinding rason ko sa pagbibittiw, wala kasi akong makitang essence ng service. sagsag kami sa trabaho. trabaho nalang palagi. pero ang baba ng spirituality namin. wala man lang inooffer ang mga nasa higher positions tulad ng recollections, retreat, etc. wala.

nakatatak kasi sa isip ko ang natutunan ko sa parokya namin. [ang paglilingkod na walang kalakip na paghuhubog ay mananatiling walang laman!] wala. wala yun.
mag-iisang taon na kaming magkakasama pero wala.

ang tanging naaalala ko ay ang youth camp. pero kami parin ang sagsag sa trabaho. meron pa palang isa. ang National Conference for Youth Ministers sa Iloilo. mapalad ako at kasama ako sa lima na ipapadala ng aming Diyosesis. pero para sa aming grupo, wala.

di ko rin makita ang committment ng mga kasama ko. kung talagang paglilingkod ito, hindi na kailangan ng utos o paghingi ng tulong para tumulong sila. ministry ito at hindi kami nagttrabaho sa kumpanya. pero wala din.

at ito ang kinalabasan ko. burn out.

di ko inakalang aabot sa ganito. di ko inakalang iiyakan ko ang grupong minsan ay ipinagmalaki ko, ang grupo na ipinagpalit ko sa maraming pagkakataon sa buhay ko.

ilang buwan na ang nakakaraan at napapabayaan ko na ang kabataan namin sa parokya dahil mas kinailangan kong mag full time sa diocese. salamat sa mga kapatid kong kabataan sa parokya na naging responsable.


hindi ko alam. pakiramdam ko naging mayabang ako sa entry ko na ito.
masyadong naka sentro sa akin.

pero di ko din masisi ang sarili ko.

uulitin ko. mataas ang naging expectation ko sa grupo, at sa sobrang taas, madami akong pinagpalit. pero gumuho. sayang. di ko nakita ang bunga.

ayokong maging mayabang. ayoko talaga. ang sakit lang kasi talaga.
kakailanganin ko munang magbitiw.

ayoko kasing maglingkod ng wala naman sa puso ko ang ginagawa ko. ayokong maglingkod pero may hinanakit ako sa mga kasama ko.

nagpayo si revsiopao sa akin (Rev. Jhoen) i-address itong issues na ito formally. pero pano? walang meeting na pinapatawag.

sa January 15 - 18, magaganap sa bataan ang Central Luzon Regional Youth Ministry Conference, isang buwan nalang mahigit. sinubukan kong tanungin ang coordinator, ano pong gagawin natin? walang sagot. tinanong ko ang direktor kahapon dahil nagkita kami ng di sinasadya, ngumiti lang. at kagabi, tumawag ang leader. nagtatanong, anong gagawin natin?

haay! palaging ganito. tuwing may activity, palaging tutukan. at dahil tutukan, tambak ang trabaho. at tulad ng dati, pag tambak na ang trabaho, kaunti nalang kaming naiiwan.


sa lahat ng ito, wala naman akong dapat sisihin. alam kong may kanya kanyang gampanin din ang bawat isa sa amin, mayroong teacher, may nagttrabaho, may nag-aaral, may nag-aalaga ng bata, ng may sakit, etc. alam kong abala din sila. at ako, ganun din naman. pero pano na?

at huling dahilan. ayokong magpaka plastik. aaminin ko. asar ako sa mga kasamahan ko na ang gusto lang na trabaho ay yung ma eexpose ang mukha nila sa harap. pero ayaw gumalaw pag wala ng nakakakita. at mga taong magagaling magsalita. magaling mag bigay ng suhestiyon, pero wala naman sa gawa.

ang talim ng salita ko? sorry.


enough. nailabas ko na.
final na ang desisyon ko. pero susubukan ko pa din makipag-usap sa isang kaibigang pari tungkol dito.



patawad po sa inyo mga kasama ko sa council. mahirap ito para sakin. mahirap. tila iikot ang buong pagkatao ko at maraming mababago.
may nagtanung sa akin? kaya mo bang iwan? mahirap sagutin. pero baka kayanin naman. kung ito lang ang paraan para may matira pa para sa sarili ko, kung ito lang ang paraan para ma recharge muli ako. kakayanin ko.

patawad. di ko kayo malilimutan.
minsang tinawag nyo akong david, dahil sa kabila ng pagiging maliit ko, may good heart daw ako. sorry. mabibigo ko kayo.

sabi nyo, kung sa pag lelead lang at sincerity sa trabaho ang titignan, wala na kayong masasabi sa akin. pero patawad. sa gagawin kong ito, hindi ako yun.

hindi ko malilimutan ang lahat ng itinuro at natutunan ko sa inyo.


hindi ko malilimutan ang happy moments. hindi pwedeng masira ang friendship dahil sa gagawin ko. pangako yun.
mahal ko kayo. talaga! mahigit limang taon na ko sa service, pero ngayun lang ako mag dedesisyon ng ganito.

patawad. at kung sakaling makaramdam kayo ng galit sa gagawin ko. sana sapat na ang salitang mahal ko kayo para patawarin ninyo ako.


:(

 

Posted by Jay in

Immaculate Conception

maaga akong nagising ngayon. at dahil holiday of obligation today. nagsimba na ko.
para di naman masayang ang gising ng maaga.

ano nga ba ang Immaculate Conception? at bakit DAPAT magsimba ang mga katoliko?

bilang katoliko. naniniwala tayo na si Maria ay ipinaglihing walang sala. at hindi lang yan. ayon sa pari kanina, mayroong apat na DOGMA na dapat nating paniwalaan bilang katoliko. at kapag tayo'y hindi naniwala dito, tayo'y nagkakasala.

una nga ang Immaculate Conception
ikalawa: Maria bilang ina ng Diyos,
ikatlo: ang pag-akyat ni Maria sa langit [body and soul]
ikaapat: teka. hindi ko maalala.
ahaha.

anyway. apat yun.

at bakit tayo dapat maniwala na si Maria ay ipinaglihi na walang kasalanan?
simple lang ang sagot.

lahat tayo ay ipinanganak na may manang kasalanan. [original sin]

at dahil si Maria ay pinili ng Diyos upang maging Ina ni Hesus, ipinaglihi din si Maria na walang bahid kasalanan. dahil kung si Maria ay nagmana din ng kasalanan mula sa kanyang mga magulang, si Hesus din ay magmamana nito sa kanya. at pano tayo iliigtas ni Hesus kung sya mismo ay may kasalanang mana.

simple diba? pero kumplikado. pero ang lahat ay nakapailalim sa misteryo ng pag-ibig ng Diyos para sa atin.

marahil may mga hindi katoliko ang makakabasa nito. sigurado ako dun. may mga kaibigan na din akong bloggers na hindi katoliko. at nag iisip siguro sila kung bakit ganun nalang ang pagbibigay pugay natin kay Maria. gayong tao lang din naman sya.

hindi naman sinasamba ng mga katoliko si Maria. nagbibigay parangal lang ang mga katoliko sa kanya bilang Ina ng Diyos. at naniniwala kami na sa pagiging Ina ni Maria ng Diyos, isa sya sa malalapit na kay Hesus na maaring maging tulay o tagapamagitan sa aming mga panalangin.

at ako mismo, naniniwala ako na si Maria ay tunay na Ina ng mga bokasyon. sapagkat sya mismo, inalay ya ang kanyang anak para sa sanlibutan. ako man ay dumudulog sa kanyang pag gabay para sa aking bokasyon.


awat naming sambitin
Bawat naming awitin
Ay papuri't parangal sa 'yo
Pakinggan mo, Inang mahal
Ang awit ng pagsuyo

O mahal naming Ina
Aming galak at saya
Kandungin, aliwin
Kami sa oras ng pighati

Kalangita'y nagdiriwang
Sa karangalang nakamtan
Puso mo'ng kay wagas
Kandungan ng Tagapagligtas...


Maria, aming Ina, kami po ay inyong-inyo. angkinin po ninyo ng buong buo. kami po'y inyo.
___________________________________________________________________

at dahil may pagka relgious ang aking post ngayun, sasamntalahin ko na. nag gawa na din ako ng panalangin para sa 2010 elections.

at heto sya:





I,Jay Quicho support the cause of the Blog Prayer Brigade for the election of the Future President of the Republic of the Philippines and I do solemnly promise to recite the prayer, which I wrote, in my own convenient time and regularly as possible until the 2010 Presidential Election commences. Let it be written, let it be done.

[di nako mag tag ng kahit sino. mag rerequest nalang ako. sana kung sino man ang makabasa nito, mag-offer nalang din kayo ng inyong prayer katulad ng ginawa ko. kahit sino. basta pinoy. :) ]



nawa'y sa tulong, gabay at panalangin sa atin ni Maria, makamit natin ang desire ng ating mga puso na patuloy na makapaglingkod sa bayan at sa mundo. Amen.


___________________________________________________________________

waah. practice na ba ito sa pag gagawa ng homily?
hehe. hindi. gusto ko lang i share. at dapat naman talagang i share ang Good News sa lahat.

Happy Feast day!


[ps. nagbukas na pala kanina ang tinadahan ng siopao sa blogosphere! tara at bisitahin sya. Sya si revsiopao.. mas higit na may malalaman na kwento sya. kasing laman ng kanyang mga siopao..]