Posted by Jay in

ATE...
para sa'yo to..

nangako ako dati. may entry ako para sa'yo...
pero sabi ko sa sarili ko nun sa sarili ko, ayokong maging emosyonal.
baka may tamang panahon para dun.
eto na siguro yun..

naalala mo to? 



sobrang na mimiss ko yan.
sana palagi nalang tayong bata. para wala nalang tayong iniisip 
na problema. sana palagi nalang ganun. 
away lang nila ang problema natin.
pero kinabukasan ayos na.

di ko inakala na sa pagtanda natin, kasabay din nun yung bugso
ng problemang dumadating na palala ng palala.

sa totoo lang, napapagod na kong mag-isip.
ayoko na. pero kelangan lumaban..
kailangan lakasan ang loob para makaahon sa problema.

ngayon, eto nanaman. 
huwag mo sanang isipin ate na galit ako sayo...
hindi. siguro nabigla lang.

ate, wag mong isipin na nagagalit kami sayo...
mahal na mahal ka namin.
kami ni kuya, ni mama at ni papa.

alagaan mo yung sarili mo ngayon.
ngayon mo mas kelangan alagaan ang sarili mo...
ngayon mo kami mas kailangan.
para na din sa sitwasyon mo ngayun..

at sana ipangako din nya na aalagaan ka nya.
ibigay nya sayo yung pagmamahal na 
di mo naranasan habang magkakasama tayo...

nalulungkot ako.
sa totoo lang, naiiyak ako ngayon.
kung kelan tumanda tayo, saka tayo naging
ganto kalapit sa isa't isa...
kung kelan magkakalayo na tayo...
kung kelan magkakaroon ka na din ng sarili mong pamilya...

ate, pangako.
tatapusin ko tong pag-aaral ko. 
tulungan tayo nila kuya..
di pa huli ang lahat.

pakinggan lang natin ng pakinggan ang gusto nilang
sabihin.. masaktan man tayo, ayos lang..
naniniwala ako na yung sakit na yun ang
mas magpapatatag satin,
para maabot natin ang mga pangarap natin...

ate, lakasan mo ang loob mo...
nasa likod mo kami.