hindi ko alam kung anong anghel ang kumakalabit kay Jara. na tuwing kailangan ko yung advices niya, bigla nalang siyang nandyan ng di ko inaaashan.
this letter was sent thru email again.
and you know what? this letter was sent last July 16, 2009 pa pala.
at hindi ko alam kung anong nangyari. bakit hindi ko nabasa to.
at hindi ko rin alam kung anong anghel ang kumalabit sakin
para mab browse muli ng emails ko.
ngayun pa.
ngayon pa na sobrang kailangan ko yung mga salita na binitawan nya sa sulat na to.
01:42,150709
What gets you out of bed in the morning? Ü
“What are you in love with, what seizes your imagination, will affect everything. It will decide what will get you out of bed in the morning, what you will do with your evenings, how you will spend your weekends, what you read, who you know, what breaks your heart, and what amazes you with joy and gratitude.”
…
I know it will be a narrow road, and it won’t be easy.
…
I didn’t know what to expect.
I read again the message of Bro. Utoy from your blog, “I understand your apprehension basta tungkol sa vocation. Tama ka, hindi mo ito basta-basta madi-discuss kahit kanino nang di sila maiilang, maguguluhan, magdududa o mawawalan ng interest. At ang hirap ngang humanap ng taong makakausap tungkol dito, yung tipong sisiryoso at mag-eencourage sayo. And to think, this is the time when you needed all the the support and prayers you can get.”
Haauy. Immediately, I sensed a boo-boo moment. Was it inner peace? I later learned why.
Love kept us going.
Haauy.
Remember, how God fixed and prepared everything in fine, appreciating life as we see it through our eyes. Then suddenly, God surprises us, share that corner until it became our world. Pym was shared and became our second family.
Our four years being together went by smoothly. We were best friends. We could cry and laugh together. ü
…
It was battle inside- to let go or hold on. It was a total wreck.
Paulit ulit akong kinukulit ng isip kong balikan ung mga panahong nakaupo lang tayo nagkwekwentuhan, nagtatawanan, nagkukulitan, ung kapeng pinagsaluhan natin nung kahapong Masaya tayo, ung mga istorya mo, pati mga luhang, ewan ko ba, bigla nalang pumapatak.
Tapos Isang araw…….
haay..
… parang ang layo na.
Literal malayo nga, nasa Baguio ako, nasa Bataan ka. Ilang milya rin yun. Pero hindi lang pala sa milya masusukat ang distansya… pagkagising ko kahapon, eto na :’(
I had tears in my eyes reading your blog how people loved you at your hour of need.At paulit ulit kong naririnig ung bokasyon, bokasyon.
……..haay. BOKASYON.
Natawa nalng ako bigla, bakit kasi iniiwasan kong pakinggan e assigned tone ko nga pala yun para sayo.
Oo, at Pinagdarasal kita.
Ako na ata yung pinakamadalas mong paglabasan niyan. Ako na ata ang pinakamadalas makarinig niyan. Ako na ata ung madalas mong iyakan sa nararamdaman mo.. Ako na yata ang laging magsasabi, “mahal na mahal ka ng Diyos at maswerte ka dahil mas mahal na mahal ka pa Niya ngayon.”Hindi to ordinary sa isang girlfriend, ang weird. Oo ang weird talaga, kahit ako nawiwirduhan talaga. Pero pinakamasarap na paguusap natin, tuwing umiiyak ka sa harap ko, nahihirapan, naguguluhan, natatakot. Kasi naman mas nakikita kong, bukas, Magpapari ka.
Lord said, “…Look, I am going to seduce him, lead him into desert and speak to his heart…”
I whispered: You have seduced him, Lord, and he let himself be seduced, so be it!”
Totoo, naniniwala rin ako na may bokasyon ka. Sa mahabang panahong pagkakakilala ko sayo hindi ka sumusuko sa nararamdaman mo. Hindi mo titiisin yung galit ng magulang mo tuwing uuwi ka galing sa simbahan, *pagod, gutom, masama na yung pakiramdam kung walang nagtutulak sayo. Hindi ka makakaramdam ng kagaanan sa paglilingkod at hindi ka magkakaganyan kung walang napakalaking nagtitiwalang Diyos sayo.
May halong lungkot at pagtatanong sa puso ko nung binabasa ko yung blog mo.
“Di mo magagawang pumunta ng lihim sa Manila for a vocsem kung walang grasya ng Diyos na nagpalakas ng loob mong gawin yun.”
Oo nga. Hindi mo magagwa yun kung hindi ka nagaalab sa tawag Niya. Oo nga hindi mo magawa yun dahil nanghihina ka nga eh pero dahil sa grasya ng Diyos, nagkaroon ka ng liwanag, nagkaroon ka ng lakas ng loob.
Jay. There is “one person out there just for you”- His name is Jesus, and He wants the best for you.
Discover in prayer how God wishes you to act.
Discern more.[it’s the feeling that we discern, not just the ideas.]
DECIDE.
[[ don’t discern forever sabi nga ni Bro Utoy “there is never really the right time. We can always say, di pa ako ready kasi kailangan ko pang mag-grow up, kailangan kong tulungan ang family ko, kasi nandyan pa si Sugar, kasi ganito, kasi ganyan. Kapag ganun ang mindedness, tatanda ka na lang eh hindi ka pa rin makakapasok.” Ang galing. Fall in love, stay in love and it will decide everything. ]]
About the signs thingy,
I agree again with Bro. Utoy, look at the signs, moreover, signs are to be tested. Don’t just decide based only on signs because devil can also produce all those signs. -Fr. Green
I’m happy nilalabas mo tong nararamdaman mo sa mga kaibigan, perhaps thru blogging, para hindi lang ikaw yung nagdadala. Continue seeking spiritual direction from somebody more experienced. Ang dami ko ring natutunan sa sinabi ni Bro. Thank you sa mga katulad Niya, he spoken like Erps. :))
I know it will be a narrow road, and it won’t be easy.
Jay, sa huli kalooban pa rin ng Diyos, wag kang magalala, wag kang matakot, wag kang malungkot. Anu pa man, palagi lang kaming nandito, palagi lang rin akong nandito. Pamilya tayo di ba. Makakaasa ka sa mga panalangin ko. Hindi man madalas ako ung nahihingan mo ng lakas ng loob at sinu nga ba naman ako sa lakas na maibibigay Niya, makakasiguro kang kasama mo ko sa paglalakbay. Hindi nga lang tayo nakaksiguro kung hanggang saan, hanggang kailan. Maraming nagdadasal para sayo. You’re very much loved Kuya, Jay.
Till here..
For the one called, it is being loved by Christ that moves us to get out of bed in the morning.
Fall in love, stay in love and it will decide everything.
P.S.
hindi ko magawang magkomento sa mga sulat mo. hindi rin kasi ako magaling dito. never rin atang lumabas sa bibig ko ang mga to. Masaya lang ako ngayon. Basta.. lucky day today. Ok tayo. :’)
Lord said, “…Look, I am going to seduce him, lead him into desert and speak to his heart…” I whispered: You have seduced him, Lord, and he let himself be seduced, so be it!”
Lucky day today and I know you know what I mean. ü
I believe that there’s much more into you na hindi ko pa nakita sa loob ng apat na taon at siyang manghihingi ng atensyon mo ngayon.
*nga pala, hindi ka expressive eh pero this time you expressed more than enough.
Magpapaka-fan na ko. ang galing ng mga sulat. Ang galing mo magsalita. God is in you. ü
May potential ka!. :))
You are The Best.ü
jara.. ü
thank you so much jara.
thank you for always being there.
please keep on praying for me.
hindi biro yung pinagdadaaanan ko ngayon.
kakaiba mag iwan ng test si Lord.
at palagay ko bumagsak ako. :(
akala ko decided nako. then suddenly.
di ko alam ang nangyari.
mukang kailangan ko pa ng mahabang panahon to decide, to discern.
i hope to find my place, so my life can fall in place.
i know in time i'll find place, in the greater scheme of things!
Ako si Jay,pwede din Joseph, ayoko un. Masyadong pormal. puede din namang Jose. 'wag pala! pang matanda.
Ipinanganak sa Lungsod ng Mandaluyong, lumaki at tumanda sa Lungsod ng Balanga.
bente anyos. walang asawa. pero may iniibig.
nag-aaral ako sa paaaralan ng mga Bayani. at gusto ko din namang maging bayani.
Bayani sa puso ng pamilya ko, at bayani sa puso ninyo. [kung paano?, di ko din alam]
Isa akong lider kabataan sa aming parokya. pero hindi 'kilusan' ang aming samahan. Isa kaming grupo ng kabataan ng parokya na nakatutok sa paghubog sa aming sarili upang maging kapaki- pakinabang pa sa aming parokya at lipunan.
madami akong problema. natural sa akin yun.pati kasi problema ng iba, pinoproblema ko na din. Problema ko din ang patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo, problema ko din ang kahirapan ng Pilipinas, problema ko din ang muling pagbagsak ng ekonomiya ng Pilipinas. Problema ko yun, dahil apektado ako nito!
mahilig akong kumain. [tumataba na daw ako!] syempre, merong aangal! mahilig sa kape. Adik sa tsokolate. sipuning bata. [kinalakihan ko na 'to eh.]
marami akong gustong maging. gusto kong maging inhinyero, ngunit may hangarin din sa pagpapari. tanong nyo kung bakit di pa ko pumasok ng seminaryo? Ang sagot: Gusto ko munang maniguro. nakakahiya atang mapalabas ng seminaryo!
Gusto ko din baguhin ang takbo ng buhay ng pamilya ko. sympre, katulong ko dito ang mga kapatid ko. teka. di lang pala pamilya ko, buong angkan namin... at kung gagawing akong instrumento ng Diyos ng pagbabago, aba, gusto ko din baguhin ang mukha ng mundo. kahit kapalit pa nito'y ang buhay ko...
Panginoong Hesus ako ay nakikiisa sa 'Yong walang hanggan at walang katapusang 'sangkatauhang pag-aalay.
Iniaalay ko ang aking sarili sa bawat araw ng aking buhay At sa bawat sandali ng bawat araw ayon sa 'Yong pinaka banal at kagalang-galang na kalooban.
Ikaw ang naging alay para sa 'king kaligtasan. Nais kong ako'y maging alay mg 'yong pag-ibig.
Tanggapin Mo ang aking ninanasa Kunin Mo ang aking handog. Malugod Mong pakinggan ang aking hinaing.
Itulot Mong sa 'Yong pag-ibig ako mamatay, Itulot Mong sa 'Yong pag-ibig ako mabuhay. Itulot Mong ang huling pintig ng aking puso ay maging tanda ng isang wagas na pag-ibig ng isang wagas na pag-ibig.