Posted by Jay


LOVE WHAT IS IN PAIN...


isang buwan ang nakalipas, nang sabihan ako ng parish priest ko ng isang sekreto.
ang paring matagal na nawala, na itinuring na kapatid ng tatay ko, ay bumalik na.
kaya lang, may malubhang sakit sa puso.

sa loob ng isang buwan, ako ang nagbantay sa kanya sa ospital kapag walang klase. ako ang tinatawagan nya kapag may kailangan sya, o kaya naman ay walang makausap.

pare-pareho ang text messages nya sa akin, "anong oras ka pupunta dito?"

nung isang linggo, ay lumala ang sakit nya. hirap sa paghinga. pero hindi ko inisip na ito na ang huling Linggo na sasamahan ko sya sa kanyang paghihirap.

sabado ng umaga, kahapon, pinalabas nya ang kasama kong bantay.
kahit hirap sa paghinga, inalis nya ang oxygen, para makausap ako ng maayos.
"Hindi na ko magtatagal, malapit na kong mamatay. masaya naman ako dahil nakapaglingkod ako sa Diyos at sa tao. ito ang kapalaran ko, hindi na ko magtatagal. I am ready to face the Lord. handa na ako. wag kayong malungkot sa pag alis ko. nakahanda na akong humarap sa kanya. pinauwi ko na rin ang mga kapatid ko sa Quezon, ayokong makita nila akong nahihirapan."

parang sasabog ang puso ko sa sakit. hindi ko alam na masasaktan ako ng sobra sa pamamalaam nya saken. ang alam ko lang na kuneksyon naming dalawa, malapit sya sa tatay ko. bukod dun wala na. pero sa pagkakataong iyon, parang mas naging malapit pa ko sa knya kesa sa lahat ng tao. nabigyan ako ng pagkakataon na magpaalam nsya saken.

mabigat ang maghapon. pero pilit pinagaan. nakuha pa namin mag picture-picture. pero alam ko, anu mang oras, maaaring bigla nalang tumigil ang puso nya sa pagtibok. maaring bigla nalang nya kong iwan mag isa sa kwarto.

kinabukasan, maaga ko syang pinuntahan sa ospital. alas-sais ng umaga. para bang may kung anong tumulak sa akin para puntahan sya agad. parang namiss ko na din sya. nakita ko sa pinto, "NO VISITORS ALLLOWED."

pinalabas ulit nya ang kasama kong bantay, at muli. nag paalam sya. yun na ang huli nyang pamamaalam sakin. sinabi nya lang ulit na malapit na syang mamatay. inutusan nya kong tawagan ang mga pamangkin nya at sabihin na umuwi na din sila ng Quezon. sumunod ako. pero hindi naman sumunod ang mga pamangkin.
pagkatapos kong tawagan ang mga pamangkin nya, hinananap nya sakin si Papa.

"nasan ang papa mo? hindi ba pupunta? sabihin mo pumunta dito."

alam ko na na magpapaalam na din sya. pagpasok ni papa, nagsalita si father alfred.
"jay, sabihin mo na."
..."ano pong sasabihin ko?"
"sabihin mo, nanghihina na ko, malapit nakong mamatay."

tumulo ang luha ni papa pagkarinig nun. mawawala ang pari na itinuring nyang kapatid.
matagal na panahon na hindi nagsisimba ang tatay ko, puro bisyo.
pero si father alfred ang nagpabalik sa kanya sa simbahan.

nagpipigil ako ng luha ng mga oras na yun. kitang kita ko kay papa na nasaktan sya. kitang kita ko kay fr.alfred na hindi nya kayang magpaalam kay papa. ipinadaan pa nya sakin.
si papa ang huling request ni fr.alfred na tao na gusto nyang makausap.

alas-nuebe ng umaga, dinala sa icu si father. ang alam ko lang, hirap sya sa paghinga. pero nakakatayo sya. nakakalakad. nakakahiga mag isa sa kama sa ICU.

alas-dose ng tanghali, sinamantala ko ang pagkakataon na makatabi sya sa loob ng ICU. nag mano ako sa kanya.
sabay sabi " father, pagdasal nyo din po ako. gusto ko ding maging pari tulad nyo."
tumango siya. hindi ko na napigil.
lumabas ako at lumayo sa mga kamag anak nya. at nag iiyak na parang bata.
sinundan ako ng pamangkin nya at tinulungan lang akong umiyak!

ang sakit sakit. di ko namalayang napamahal din ako sa kanya.
alas dos ng hapon, may paring dumalaw na may malubhang sakit din. isang matandang pari na malapit din sa akin.
LOLO MONSI kung tawagin ko sa kanya.

lumabas ako ng ICU para bigyan ng privacy ang pag uusap nila.
pero ipinatawag ako ni father alfred. dun lang daw ako sa tabi nya at hawakan ko ng oxygen nya.
sabi ko kay father, "dito lang ako sa tabi nyo. di ko kayo iiwan. lakasan nyo ang loob father. "

di napigilan ang tulo ng luha ko ng pagmasdan ko ang pangyayari.
isang matandang at malubhang pari, binibigyan na ng lakas ng loob ang isang
pari na nag-aagaw buhay.

maya-maya, nagdatingan ang iba pang kamag-anak at kapatid ni father alfred.
pinalabas ako ni father alfred para sabihin na papasukin isa isa ang kamag anak,
sisilipin lang sya. at lalabas na.

pinapirma na din ang mga kapatid na hindi na kakabitan ng tube si father, anu man ang mangyari.
si father alfred mismo ay ayaw ng magkapakabit ng life support. kung hindi naman sya gagaling sa life support, wag nalang daw.

mga alas tres at kalahati ng hapon, ayw nya ng magpaoxygen. inaalis nya na ang kamay ko. iniiwas na din nya ang muka ko. ayaw na nyang mag oxygen. nagsumbong ako sa nurse na ayaw nyang mag oxygen, pero walang magawa ang mga nurses.
nagsalita si father alfred. "tama na please. nahihirapan nako. gusto ko ng magpahinga. lalo lang ako nahihirapan sa oxygen."

"JAY, LUMABAS KA NA. "

wala akong nagawa. kundi magsumbong sa mga kapatid at kamag anak. pero wala na. desisyon na iyon ni father alfred.
15 mins later, nakita kong nagkakagulo na sa loob.
pumasok ako.
na cardiac arrest na si father.

tinawagan ko si bishop at ang parish priest para sa instructions.
Isang CPR lang ang gagawin. pag hindi na revive, tama na.

wala na kong mailabas na luha. ang bilis ng pangyayari.
dumating si bishop at inutusan akong ihanda ang mga isusuot ni father alfred.
at dalin sa funenaria. doon na kami nagkita ulit ni father alfred. maputla at malamig na sya.

wala na talaga sya.

nahihirapan ang kalooban ko ngayun sa nangyari.
nasasaktan ako dahil namimis ko sya.
nasasaktan ako dahil nasanay akong kasama ko sya araw araw.

pero masaya na din ako. dahil alam kong payapa na sya. hindi na sya hirap sa kanyang karamdaman.
nakapag picture pa kami ni father alfred bago sya dalin sa ICU.

 

Posted by Jay

A letter from Bro. Utoy

this letter was sent thru email last march pa.
and i decided to post it here.
binasa ko ulit yung letter, at sobrang gumaan talaga ang pakiramdam ko..

to bro.utoy, kung mababasa mo po ito., sorry..
di ko na napagpaalam po sayo..
pero gusto ko lang po i share yung letter nyo.
i believe meron din po kahit papanong reader na napapadpad
dito na naghahanap din ng answer about their vocation..
baka makatulong po..
at sobrang happy talaga ko everytime i read this letter.
[hindi po bola yun ha?]


so heres the letter..
__________________________________________________________________


Dear Jay,

Peace!
I decided to answer your comment through e-mail kasi baka magtanong ang iba, bakit yung comment mo lang ang sinagot ko. mahirap na't baka mabawasan ang aking lilimang readers.ü


I understand your apprehension basta tungkol sa vocation. Tama ka, hindi mo ito basta-basta madi-discuss kahit kanino nang di sila maiilang, maguguluhan, magdududa o mawawalan ng interest. At ang hirap ngang humanap ng taong makakausap tungkol dito, yung tipong sisiryoso at mag-eencourage sayo. And to think, this is the time when you needed all the the support and prayers you can get.


I went to your blog and read your lenten reflection on wine. ang galing ah. that piece shows that you're wise and mature beyond your years. Dahil dun, alam ko na hindi mo kailangan ng payo. Just like everyone else, just like me, just like Matthew at the tax collector's table, kailangan mo lang ng affirmation. Still, let me say my piece about your vocation. I do not know you personally, but I do believe you have a call. Totoo, naniniwala ako na may bokasyon ka. Isipin mo na lang, Jay, you won't have this much interest on becoming a priest kung walang nagtutulak sayo. You won't be so fired up about the Church kung walang nag-inspire sayo. Di mo magagawang pumunta ng lihim sa Manila for a vocsem kung walang grasya ng Diyos na nagpalakas ng loob mong gawin yun. You really are being lead to this call, you are being guided to something greater than what you imagine. Di ko sasabihin kung mali yung Jesuit o si Bishop about signs. Ito lang ang sasabihin ko. Don't look for signs. Look AT the signs. You don't have to ask God for signs. God has already given you them to you, you'll only have to be sensitive enough to see them.


As for the big decision, there is never really the right time. We can always say, di pa ako ready kasi kailangan ko pang mag-grow up, kailangan kong tulungan ang family ko, kasi nandyan pa si Sugar, kasi ganito, kasi ganyan. Kapag ganun ang mindedness, tatanda ka na lang eh hindi ka pa rin makakapasok. Don't wait for all things to get resolved, kasi walang katapusan yan. Go kung go! Things will take care of itself along the way. Let the dead bury the dead, sabi nga ni Kuya Jesus. Anytime that you choose, basta pinagdasalan at pinag-discernan at hindi isang decision made during turbulent times, right time iyan, Jay.


Jay, I don't promise na magiging pari ka nga in the end. Di kita ganung kakilala para masabi ko yun. Ikaw pa rin ang makakasagot nyan.. But I can assure you, I'll pray for you along the way. If you feel you're being called sa Jesuits then be with the Jesuits. While they have the most difficult formation, theirs also is the most wholistic and most effective. You may want to try diocesan priesthood too, like Jhoen AND study at the Jesuits, kasi posible rin yun, medyo magastos nga lang.ü Or you may visit other religious congregation, Bahala ka. Basta give your all. Yang igive-up ang girlfriend, trabaho at pamilya, maliit na bagay lang yan kumpara sa mga biyayang ibibigay sayo ng Diyos.


I don't know why am I writing you eh di naman kita kilala. Pangalawa eh sobrang busy ko nga. I just felt I need to affirm you. Probably because when I was at that stage too, I felt alone, misunderstood, pressured. Kaya naman, be assured of my prayers for you. Di ako kagalingan magdasal pero wala naman yan sa galing. God will hear my prayers for you just the same. And pray for me too. Kailangang kailangan ko rin ang mga dasal mo.


God bless and have a blessed journey!
Your Kuya Utoy at the Table of the Lord,
Vergel Dalangin, SSS

 

Posted by Jay in



Para sa mga Pinaka-mamahal kong Kabataan ng Balanga...


5 taon na pala akong kasama nyo sa paglalakbay.
ang dami ng nangyari.
ang dami kong natutunan.
ang dami ko ng nakasama.
at ang dami na ring umalis.
pero iba ang pagkakataon na to.
sa loob ng limang taon, ngayon lang ako nakaramdam ng
sobrang lungkot!

madalas, nagsusulat ako dito kapag gusto kong sumigaw ng malakas para lang mailabas yung nararamdaman ko. Baka makagaan naman kasi ng pakiramdam kung sisigaw ako.

pakiramdam ko ngayon hindi magiging sapat yung literal na sigaw lang para mailabas yung lungkot, yung bigat ng puso.

daig ko pa yung iniwan ng girlfriend.

dahil apat sa inyo ang aalis.
at ewan ko ba. nananadya ata ang tadhana.
akalain ko ba naman na mga importanteng tao pa sa ministry ang aalis.

para kay Karen:
mag-aral kang mabuti ha.
wag sanang maging hadlang yung dami ng problema
sa pag-aaral..
mag-iingat ka.
alam kong ang dami mong dinadala ngayon.
nasabay pa na kailangan mong umalis ng bataan.
kung kelan kailangan mo sana ang mga kaibigan mo dito..
kapag may kailangan ka, wag kang mahiyang magsabi samin.

Para kay Mart:
sayang. sandali palang tayong nagkasama.
pero sobrang bilib ako sayo.
ang tagal mo ding pinag isipan ang pagpasok
sa seminaryo, at ngayon matutupad na ang pangarap mo..
tatagan mo ang loob mo..

para kay khen:
brad. lakasan mo ang loob mo.. alam kong hindi madali ang
pinagdaanan mo bago ka tuluyan makapagdesisyon na pumasok ng
seminaryo..
sobrang pinagmamalaki kita.
at sobrang masaya ako para sayo.
salamat sa pagtitiwala. salamat at ako ang napili mong takbuhan
nung mga panahong gulong gulo ka sa pag dedisisyon.
salamat.
at kung dumating ang panahon na kelangan mong
magpalit ng desisyon, lagi mong tatandaan ang sinabi ko..
wag mong isipin ang sasabihin ng ibang tao..
ang mahalaga, ang laman ng puso mo ang masunod.
ang tapang mo!
dahil yung ilang taon ng gumugulo sa utak ko, isang taon mo lang sinagot.
ako kaya?
ipagdasal mo ako palagi ha.

at para kay divine:
ikaw yung pinaka malalayo samin.
salamat sa sobrang pagtitiwala divine.
may mga bagay na tayong tatlo lang ng Obispo
ang nakakaalam.
lagi kong ipagdadasal yun divine!
at sobrang proud ako sayo..
salamat sa lahat ng naitulong mo saken.
salamat.


ako pa rin si kuya jay. wag nyo kong kakalimutan lalo na pag nanghihina na kayo..
nakahanda akong palakasin ang loob nyo kahit wala ng matira sakin.

at para sa mga maiiwang kabataan na kasama ko...
ganun talaga.
"Kapag may kailangang idagdag ang Diyos, may kailangang ibawas."
lagi nalang natin silang ipagdasal.
salamat! salamat sa masayang may 29 at 30.
di ko yun makakalimutan sa buong buhay ko...
hindi ko malilimutan yung mga salita na sinabi nyo nung gabing yun.
salamat.
salamat sa pagtitiwala, sa respeto, sa lahat ng suporta at pagpapalakas ng
loob. salamat dahil hinayaan ninyong maglakbay kayo na kasama ako.
pero ano mang magagandang bagay ang sabihin nyo sakin,
isa lang ang dahilan nun kaya ko nagawa lahat ng yun.
yun ay dahil mahal na mahal ko kayong lahat!

puno ng lungkot ang dibdib ko,
hindi ko kasi maimagine na papasok ako
ng opisina na hindi ko na kayo makikitang lahat.
may kulang na.
di ko maisip na yung lagi kong nakakasama sa hapon pagkatapos ng
klase, hindi ko na makakasama.
di ko maisip na yung nakakasama kong magserve sa youth mass, di ko na makakasabay sa pagseserve...

isipin nalang natin na may mga magagandang plano pa ang Diyos para satin.
hindi pa huli ang lahat para magsaya sa kabila ng may aalis.
dahil malay natin, sa mga aalis nating kasama,
may magmamadre pala, at may mga pari na!

mga kabataan ng balanga,
sobrang mahal na mahal ko kayo!

may kakaiba sa inyo, na di ko maipaliwanag kung ano..
kaya labis labis nalang kung ipagmalaki ko kayo
sa mga kasama kong lider-kabataan..

ang daming bagay na ang pinagpalit ko para sa inyo..
at hinding hindi ko pagsisihan yun.
ano man ang kahinatnan ng buhay ko,
matuloy man ang hangarin ng puso ko sa pagpapari,
isa kayo sa bumuo ng desisyon ko.

lagi natin ipagdasal ang isa't isa...
ano mang oras na kailangan nyo ng makakausap,
i will always be here for you...
always remember:
My heart belongs to you!


I Promise to Love You More,
Serve You More, and to Make You
Happy
Everyday for the
Rest of Your life!