LENTEN REALIZATION.  

Posted by Jay in

LENTEN REALIZATION.
sa totoo lang, ang daming pumapasok sa utak ko araw-araw, kaso pag naiisip ko ng
isulat, inaantok na ko.
nawala na ata ang passion ko dito.
pero hindi maaari.
dito ko nga lang naisusulat ang mga bagay na di ko kayang sabihin ng harapan.pipilitin kong bumalik ang zeal, ang fire sa pag blog.
i need wine!
PERO, hindi lang ako sa blogging nangangailangan ng wine sa mga oras na ito.
dahil ang mismong buhay ko ngayon, pakiramdam ko, NAUUBUSAN NA NG ALAK.
anung connect ng wine?
yun ang fuel ng buhay natin. "wine"
remember when Mary said to Jesus, "They have no wine!"
ang alak daw sa scriptures ay tanda ng JOY.
tanda ng buhay..
pero hindi gin. hindi vodka. hindi fundador.
wine. yung tipong pa zip zip lang.
ang alak ay sign of joy, ang alak ay sign of excitement..

kaya kapag bored ka na sa buhay mo, kapag gusto mo ng sumuko, kapag burnout ka na sa buhay mo, ay ibig sabihin.
WALA KANG WINE. ibig sabihin, parang walang joy, parang walang direksyon ang buhay..
parang walang bubbles parang walang saya ang buhay!

fortunateley gusto ng Diyos, may wine ang buhay natin.. unfortunately kapag nauubos na ang wine natin, nasasanay tayo na tubig nalang ang iniinom.
ibig sabihin, God wants us to enjoy life, ang gusto Niya for us exciting life!
pero pag naubos na ang wine natin, madalas sa hindi, hindi naman tayo naghahanap ng bagong wine...
ang ginagawa natin, we just drink tasteless bland water!
pero hindi naman yata kalooban ng Diyos na tubig lang ang iniinom natin, tubig na walang lasa.
sapagkat ang gusto Niya para sa atin, matamis na alak ang palagi nating iniinom.

ano ang madalas na substitute sa mga nawawalang alak sa ating buhay?
-pinagkikwentuhan ang ibang tao.. substitute yan. sumasaya tayo e! kasi pinagkkwentuhan natin yung wala. na-eexcite tayo e. kasi anung epekto nun?
kaya natin pinagkkwentuhan ang wala, kasi dito natin nakukumbinse ang sarili natin na "mas magaling talaga ako sa kanya!" we have no wine.

we substitute it by talking about other people.

-bumago ka ng bumago ang desisyon, bumago ka ng bumago ng relationship, bumago ka ng bumago ng plano sa buhay. we have no wine. we are just drinking tastless water.

-pwedeng drugs, alcohol, yosi, unlimited text, unlimited internet.di na tayo makatulog. chat ng chat. plurk ng plurk.

lahat ito ay substitute. hindi naman kasi talaga natin binabalikan yung nawalang tamis sa buhay natin. puro nalang substitute kung kani-kanino, kung saan-saan.
and yet, at the end of it, kapag wala na tayong makuhang substitute, babalik din tayo sa sarili natin at marerecognize natin na WALA PARIN TAYONG LAMAN.
ito yung mga bagay na para lang PANSAMANTALANG MAKALIMOT LANG TAYO...
pero hindi ko sinabing lahat ito ay substitute ko. yung ilan lang. :D

PANGHULING PUNTO.
sa scriptures di ba si Mary ang nakapansin na wala ng wine sa wedding in Cana?

ito ay proven sa akin.
naalala ko, kabilin bilinan ng aming Obispo sa amin.
wag na wag lalabas ng bahay na walang dalang rosaryo sa bulsa.
dahil kapag kasama si Maria sa lahat ng gagawin sa araw-araw,
before we ran out of wine, Mary will be bringing back the wine in our life..

hindi napansin ng mga ikinasal na naubusan na sila ng alak, pero dahil imimbita nila si Maria sa kasalang yon, si Maria ang nagligtas sa kanila na huwag maubusan ng alak.
ibig sabihin, mayroong pagkakataon sa ating buhay that we will ran out of wine,
but before we even notice that we are ranning put of wine, Mary will tell Jesus, "wala na siyang alak, balik mo yung excitement, balik mo yung enthusiasm, balik mo yung zeal, balik mo yung fire."
at nakasisiguro ako dito. dahil napatunayan ko na ito.

ito ang panalangin ko ngayung lenten season.
yung aminin ko sa aking sarili na nauubusan na talaga ko ng alak.
yung tanggapin ko sa aking sarili na burned out ako sa maraming bagay.
pero tatanggapin ko sa aking sarili na nandyan si Mama Mary, nandyan ang
kapatid kong si Hesus, merong Diyos na magbabalik ng alak, ng tamis, ng init sa aking buhay.

at sana, kayo rin.

isa yata sa mga paraan ng Diyos para magbalik ang alak sa aking buhay, ay yung email ng isang Jesuit brother sa akin. na mag stay sa kanilang seminaryo sa mahal na araw. 1 week.
kailangan ko ulit ang inyong panalangin.
kailangan ko nga yata ito para magbalik ako sa dating ako.

nawawalan ako ng alak.
pero sabi nga ng isang kanta ng mga heswita.
One day we'll find our place.
For all things fall in place.
For all things have a place.
In the greater scheme of things."




pahabol:

wala sigurong koneksyon ito sa nasulat ko sa taas. pero malaki ang koneksyon nito sa buhay ko.

naalala ko ulit yung sinabi sakin ang isang heswita na kaibigan ko, sabi niya
"do not ask for signs, ask for wisdom."
sumunod naman ako. pero may kasama akong kabataan sa parokya na papasok na ng seminaryo ngayung June.
una naguguluhan siya. may girlfriend din kasi siya.
pero sabi daw sa kanya ni Bishop, ask for signs. hindi isa, dalawa, o tatlong signs.
ask for multiple signs.
at sabi ng kapatid kong kabataan, he ask for 20 signs, at consistent ang sagot.

hihingi ako ng panalangin. kailangan ko din ng signs.
naalala ko dati nanghingi ako ng isang sign lang. at yung sign na yun
ang sasagot kung makikipag kita ba ko sa mga Heswita.
at sa ika siyam na araw ng pagdadasal ko.
lumitaw ang eksaktong sign na hinihingi ko.
maaaring nagkataon.
pero this time hihingi ako muli.




This entry was posted on March 10, 2009 at Tuesday, March 10, 2009 and is filed under . You can follow any responses to this entry through the comments feed .

17 kumento

This is one hearty post kapatid.
Salamat sa pagbabahagi.

Go wherever your heart leads you.
It is through the heart where God powerfully speaks.

May God grant you wisdom, prudence, patience, trust, and perseverance as you continue to discern His most holy will.

Carry my prayers with you wherever you go. Have a truly spiritually-nourishing lenten season.

5:49 AM

salamat po rev.
salamat po sa mga panalangin.. :)

10:47 AM

salamat sa pagdaan.ü pasensya na't di na rin ako nakakadaan sa bahay mo. as I was reading your post, humanga ako sa imagery mo ng wine as the source of joy. pasok na pasok! you'd be a great speaker, i can see that, just hold on to your faith well as you do now. let's drink to that! GOd bless!

4:05 PM

Nice one Jay...


Buti na lang naligaw ako dito, at nalaman ko na wala na rin pala akong alak...

GODSPEED!

4:19 PM

@BRO. UTOY:
wala pong anuman bro.utoy.
ako man po madalang din makapag blog hop.
salamat po bro. ;)

@j0y0:
salamat j0yo.
pero hindi ko binanggit na lahat ng nasa plurkville walang alak ha?
nagkataon lang.
nagkataon lang na pareho tayong tambay sa plurkville at parehong walang alak. hahaha.

see you on plurkville later. :D

4:23 PM

Kakaiba ang post na ito baby bro. Ang lalim. Pwedeng pwede ka na!! Este hidni ko akalain na masa marami ka pang alam na kaalaman bukod sa sobrang kakulitan at ka-pelosopohan. Wahaha.

Inspiring. At may papayo-payo effect ka pa. I'm proud of you bro..basta whatever makes you happy..Go for it!

~love you!

11:51 PM

@ate heleyna,

aba. alam nyo po bang taga payo din ako minsan sa mga broken hearted kong members sa youth minstry sa parish?
hahahaha.
akalain nyo yun.

teka. tama ka jan ate. dapat wala nalang plurk. para may time ako sa bloghopping. hahahaha.

kanina ko pa pinagmamasdan yung traffic feed ko e. ikaw pala yung manila na yun? tama po ba? hahaha.

wag ng sad ate.
baka may something na ibibigay si GOD sayo.
baka mas okay kesa sa dati. mas mamahalin mo. at mas mamahalin ka.
at baka ang tanging way ni GOD para ibigay ang something na yun, e magbawas muna. para mailagay ang bago.. :)


stay safe ate.

11:59 PM

i like this post.
inspiring.

i´ll pray for you.
may God give you the wisdom you need.

2:43 AM

@roland,
salamat po ng mdami. :)

9:47 AM

As promised, andito na lil sis mo.

Applause to you, my brother, for this post. I can feel na you're having confusion now, pero God will surely guide you to His path.

Do not let go of His hand 'cause I know for sure He has something good for you.

God bless you Kuya!

10:06 AM

@joycee,
ou tama ka.
sobrang confusion nga.
pero dahil sa prayers nyo,
nalalagpasan ko.. salamat ng marami. :)

tumutupad ako sa pangako ha. mag bbloghop nako lagi. pero remind me din lagi ha? para di ko nakakalimutan. haha.

ingats!

11:12 PM

syempre ngayon lng ako magco-comment... ngayon ko lng kase nabasa ng buo at naintindihan ang mga sinabi mo.

masyado akong busy sa madaming bagay. kaya ang mahahabang posts eh hindi ko muna pinapansin. ngayon lng nagkaron ng time. sensya na little bro!

follow your path... listen to ur heart. whatever ur decision will be, dito lang kami to support u.

miss na kita aba! i sitll dont know kung kelan ko kayo ulit makikita pero u are all in my prayers syempre lalo na si ate mo...

regards to the family...

3:16 PM

@ ate azel:

at syempre natuwa naman ako! napadalaw ka ate! hehe.

salamat po ate azel. miss ka na din namin. sana makauwi ka sa kasal ni ate..

3:45 PM

Nice naman.. :)
Nice post and nice theme huh. ^__^

5:10 PM

wow..kakadalaw ko lang pasensya na..hehe.nice post ah..naaaliw ako sa mga sinabi mo..naku wine ba eh joy? patay tayo dyan bro..hehehe..

basta kung anu ang malapit at nasa puso mo sundin mo...ok? para sa huli walang pagsisisihan ok?

Keep on writing jay...
GODBLESS

5:18 PM

ate joy!

tama ka dun.
ang wine ay joy.
therefore. wine ka.
hahahaha.

salamat ate..
:)

4:39 PM

trinaa:

wow. nice name. hahahaha.

salamat sa pagdalaw.. :)

4:41 PM

Post a Comment