Posted by Jay in


signs? o blessing?

something which we have known
something we've touched
what we have seen wid our eyes
these we have heard,life giving word.



wala talaga akong sasabihin ngayun e. 
pero dahil nakaramdam ako ng kakaiba today,
naisipan kong ishare kahit maikli dito..

dumating ang Apostolic NUncio to the Philippines kanina
sa aming Simbahan.

ayon kay MR. GOOGLE:
Papal Nuncio (officially known as an Apostolic Nuncio) is a permanent diplomatic representative (head of diplomatic mission) of the Holy See to a state or international organization.

sa madaling sabi, siya ang representative ng Pope sa Pilipinas.
dumating sya para makiisa sa pagdiriwang ng aming Parokya/Diyosesis sa
pista ng aming patron. si St. Joseph.
tama. kapangalan ko sya.

sobrang naramdaman ko ang biyaya ng Diyos ngayon.
sobra.
di ko maipaliwanag.

una. kasi nga kaarawan ng IDOL saint ko.
Si Joseph ay man of few words.
o dba? parang ako lang. haha.
kidding asside.
IDOL ko sya sa maraming bagay talaga.
sabi nga ng Nuncio sa kanyang homiliya,
hindi matatawaran ang HONESTY, INTEGRITY at Righteousness 
ni St. Joseph.
Idol.
inspirasyon.

pangalawa. 
dahil nga dinalaw kami ng Nuncio.
imagine. pag nahalikan mo ang kamay ng nuncio,
parang humalik ka na rin sa kamay ng SANTO PAPA!

pangatlo.
dahil isa ako sa napili sa pilng piling tao
na humarap sa Nuncio para sa isang lunch
na dadaluhan ng mga pari, mga matataas na tao sa bataan,
mga, politiko, mga church leaders ng bataan.
hindi birong okasyon. hindi birong pagkakataon..

naalala ko ulit ang sabi ng isang kaibigang blogger.
"Don't look for signs.  Look AT the signs.  You don't have to ask God for signs.  God has already given you them to you, you'll only have to be sensitive enough to see them."

medyo napaisip ako kahapon sa sinabi ni kuya allen(diocesan youth coordinator)
"JAY! sign na yan na pumasok ka sa seminaryo. isa ka sa napiling haharap sa Papal Nuncio. hindi birong pagkakataon yun."

aba. teka. muli, di ko nanaman nakita, pero ibang tao ang nagpakita sakin.

salamat LORD..



This entry was posted on March 19, 2009 at Thursday, March 19, 2009 and is filed under . You can follow any responses to this entry through the comments feed .

8 kumento

melvin  

nde ko alam yan ah.. napakablessed mo nman.. I am so happy for you!!! kung ako tatanungin ok sa akin na magtuloy ka na sa seminary.. ituloy mo yung sinimulan ko.. hehehe congrats bro.. il see you soon

11:26 PM

wow!! ang saya nman. nde ko pa ata malalaman ito kung nde ko pa mababasa blog mo. Im so proud of you. about you entering the seminary, wla kang problem sa akin dun. Go for it. im glad someone would continue what i started. at sana matapos mo. God bless bro.. see you soon

11:32 PM

huwaw! one moment in tym yan ah(grin)
swerte ka, ang daming naghahangad non at isa ka sa pinalad. ;)

pero sino kaya ang nakita mo?

ano kaya ang magiging desisyon mo?

Abangan!

1:50 AM

Wow you're so blessed!

Ipagpray mo bro. Listen fully to God's voice. At kung ano ang sabihinnya, yun ang sabihin mo.

*hugshugs*

7:19 AM

*serious mode*

gusto ko tong post mo jay. speaking of blessings, i can relate sobra lalo na ngayon lam mo na. tama ung sinabi nung blogger na yon, minsan nakalatag na yung mga signs na yon ndi lang natin nakikita.

naniniwala din ako na napunta sayo kasi deep, yan talaga ang gusto mo.;)

12:25 PM
Heleyna  

oist teka lang! mejo mahirap ata paniwalaan itong sinasabi mong katulad ka ng idol mong si St. Joseph ba kamo? A man of few words? Putek! Ikaw, manong Jay!?

wahaha...seriously wala ako masaydo masabi sa binalita mo sa kin kanina. Syempre nabigla ako... nalungkot... and naisip ko rin na baka ito nga ang sign na...para tayo sa isat isa wahaha. Jowk lang! Sana okay ka na ngayon. Masama talaga pakiramdam ko today pero di ko napigilan mag-onlayn para dalawin ka. Andito lang ako mat problema man ako o wala...text ka lang.

God Bless You.

Hintayin mo pa rin ang ibang signs kahit pa sinabi na "nyang"..ito na yun!

11:56 PM

jay, pag nndito ako ewan ko ibang pkiramdam ung background music mo feeling ko maiiyak ko..bsta iba. anyway, lagi kong sinsabi sayo, n khit anong maging desisyon mo masaya kami dun, sundin mo lang jay, malinaw ang daan, tingnan mo lang mabuti. mpapagod ka kung minsan pero naniniwala ako na magpapatuloy ka pa rin.

12:00 AM
Anonymous  

hi! im the anonymous who commented sa isang bashing blog site on Bishop Soc... and Im sorry... but I cant help but to comment...

I know its so scary, but you should not wait for a sign like an angel gabriel going down asking you to go to the seminary. Vocation is really generosity.. especially in your case... its generoso totale. and its like jumping on something. because u dont know what will happen in the future. Pray to our Lord more... in front of the tabernacle and ask Him... Domino, ut sit! Will pray for you too. our church needs more priest. :)

10:47 PM

Post a Comment