Posted by Jay

mt. samat
part 2.


haaayy. itutuloy ko na. kahit mahirap.

teka. di ko alam kung pano.

unang mt.samat pilgrimage. nov. 27, 2004. simpleng pym member lamang ako. pero dahil kararating pa lamang ni bishop soc sa aming diyosesis, may kaguluhan pa ang komisyon ng kabataan noon. at nasimulan lamang itong ayusin mula nung dumating si bishop soc. at dahil may kaguluhan pa ang komisyon ng kabatan, kaming mga kabataan ng parokya ng Katedral ang abala at nag-aasikaso sa nasabing malaking pagtitipon. nasa 15,000 katao ang umakyat sa mt.samat. dahil first time itong magaganap sa bataan, hisyory ito. damang dama ko ang bawat oras. ang sarap sa pakiramdam. hanggang dumating ang pag sisindi ng kandila at fireworks sa samat habang kumakanta ng: "Bataan, Bataan, Penisulang MInamahal. " at take note. kumakanta ng buong feelings at halos maiyak kami dahil damang dama namin ang presensya ng Diyos sa Bataan. ito ang pinaka memorableng Mt.samat para sa akin. pagkatapos ng event, dahil may pag ka V.I. P. ata kami that time, may nakahanda ng saskyan para sa amin. hindi na namin kinailangang maglakad pababa ng samat ng halos dalawang oras. sa kalagitnaan ng daan pababa, nakita ko ang mga kapwa ko kabataan na pagod, alang masakyan. kaya ang sabi ng konsensya ko, "jay, bumaba ka ng van. hayaan mo munang makauwi ang halos lahat ng tao na walang sasakyan bago ka umuwi." sumunod ako. pumara ako. tumulong ako na humanap ng sasakyan para sa mga taong walang sasakyan. at pagdating ng alas dos ng madaling araw, ako naman ang humanap ng ssakyan. swerte at may mga taga katedral pa pala sa taas ng bundok. at may nakasabay ako. alas tres na ng nauwi ako.

ikalawang mt. samat. Nov. 26. lider kabataan na ko sa aming parokya nito. at kasama ko ng naglalakad paakyat ng samat ang halos limang daang kabatan ng balanga. di baleng pagod, basta para sa paglilingkod. ito ang unang mt.samat na nanalit ang katawan ko. dahil naglakad kami ng paakyat at pababa ng bundok. na kung susumahin ang layo e abot ng 4 na oras na lakaran.

ikatlong mt.samat. dec.2. ang tanda ko nito, nov.30 palang, may super bagyo na. dec.1, expected daw na tatama ang bagyo sa bataan. kabado ang buong bataan dahil mauudlod ang akyat sa mt. samat. nagpakalat agad ng text ang obispo sa buong bataan, na magdasal. at himala! lumiko ang bagyo. dec.1, biyernes, umaraw! at nagdiwang ang buong bataan! sabi nasa 35,000 kabataan ang umakyat ng samat. dalawa na rin ang tungkulin ko sa mt.samat. ako ang naging in charge sa animators [taga sayaw sa mt.samat] halos 150 kabataan ang nagsanay sa loob ng isang buwan bago ang pilgrimage. at bukod sa paghawak ko samga taga sayaw, ako parinangmay hawak sa halos limang daan na taga balangang aakyat ng bundok. o diba? pano ko nagawa? naawa ang Diyos sa akin.

ikaapat ng mt.samat. same as ikatlong mt.samat.

sa apat na mt.samatpilgrimage na ito, di ako nakaramdam ng burn out. service kasi talaga para sa bayan at kabataan ito. napapagod ako, nagaglit pa din sa matitigas ang ulo. dahil tao lang naman ako. pero di ako nagsawa. alam kong sa susunod na taon, mas kakayanin ko pa.

at dumating na nga ang susnod na taon. at kahapon yun. hindi na biro ang posisyon. diocesan youth secretary na ko at at the same time, lider kabataan parin sa katedral. akala ko magiging ok. pero hindi.

isang buwan bago ang mt. samat, nagpatawag ng meeting ang aming direktor sa isang coffee shop sa balanga. at kahit gabi yun at isang buwan na ang nakalipas, tandang tanda ko ang bawat kataga. first time ever. walang assignment na ibinigay sa youth. kaya ang sabi ng director, mag fund raising nalang tayo. [maganda ang term na fund raising, pero ang totoong term na ginamit nya: "maghanap nalang tayo ng pagkakakitaan." at nauwi ang usapan sa badge.

na excite ang lahat. at aaminin ko. pati ako naexcite. sa laki kasi ng profit. at alam kong makakatulong ito sa activities at youth camp. at dahil diocesan secretary ako. sakin naka assign ang accounts. lahat ng may kinalaman sa badge. akala ko magiging madali. pero hindi.
5000pcs badge ang pinagawa. nadispose ang 3500. at ang nakalungkot. 1500 badges ang kinailangang itinda sa taas ng samat.

umaga palang parang dinudurog na ang puso ko. hindi ito ang nakilala kong service. hindi negosyo. no choice kami. lalo ako kundi ang piliting maubos ang badges.

todo benta. todo alok. hanggang dumating ang oras ng misa. 5pm, di pa din ubos. wala na kaming magawa kundi sabayan ng pag-aalok ng badges ang misa. parang dinudurog ang puso ko. ang sakit sakit. dumating ang oras na kakantahin na ulit ang "bataan, bataan....." naalala ko ang unang mt. samat na nagkakakanda iyak kami dahil sa tuwa. ngayun di ko mapigilang mapaupo at mapaiyak ng malakas. salamat nalang sa sigawan ng mga tao at hindi ako nadidinig. ang sakit sakit sa loob. hindi ito ang service na nakilala ko. hinding hindi. ang layo. ang labo. 10 minuto ang fireworks. at o.a man. sampung minuto din akong umiiyak sa sama ng loob. nakuha ko pang ilabas ang cellphone ko para ma videohan ang fireworks. pero maniwala ka man o hindi. hawak ko ang cellphone ko pero umiiyak ako.

naipon ang lahat ng sakit, pagod, etc. at bigla nalang napabulalas sa pamamagitan ng iyak. ang daming nasacrifice dahil sa badge, ang pag-aaral ko, ang members ko. nahihiya ako sa members ko sa balanga dahil first time na di ko sila nasamahan paakyat. kapalit ng kikitain sa badges.

halos isang libo pa din ang badges na natira. pipilitin kong maubos pa rin ito. ipinagkatiwala sa akin ang trabaho, at kahit masama ang loob ko, responsibilidad ko pa din na tapusin yun. pangako. mauubos yun!
pero ang di ko maipapangako,
kung kaya ko pang manatili sa sa posisyon ko sa diocese .
hindi ko na yata kaya. tatapusin ko na lang yata ang pinagkatiwala
sa akin, at bahala na.

napakataas ng expectations ko sa grupo namin. at hindi ito na meet.
hindi ito ang nakilala kong uwi ng paglilingkod sa loob ng limang taonng mahigit na paglilingkod ko.

:(

 

Posted by Jay

Mt. Samat.
part 1.

ito na ang pinakamalungkot at pinaka-nakakakonsensyang Mt. Samat pilgrimage
para sa akin. mula ng naumpisahan ang mt.samat pilgrimage limang taon na ang nakakaraan, ito na ang pinaka-malala para sa akin.
walang kinalaman ang programa, walang kinalaman ang mga nag-ayos.
ang problema, na sa akin yata mismo.

saka ko nalang itutuloy. masama ang loob. hindi kayang ikwento ng mga letra sa aking keyboard.
[isang malalim na haaay.]

 

Posted by Jay

UPDATE
hala!

kamusta na ba ang blog ko? kamusta na ang mga kaibigan kong bloggers?
wala ng update.

mula ng nabaril ang aming bahay, hindi na rin ako masyadong nakadalaw dito.

marahil ang iba sa mga taga basa sa pahinang ito ay nagtatanong kung ano ng
nangyayari sa akin.

masaya ko pong ibabalita sa inyo na medyo ok na. wala ng nang gugulo. medyo naka
recover na din kami sa takot. muli, maraming salamat po sa inyong mga panalangin.
naniniwala po ako na Diyos ang nagtanggol sa mga pinaka-madidilim na oras ng aming
pamilya. at dahil din yun sa inyong panalangin para sa aming pamilya. salamat sa
mga naging kaibigan ko sa mundo ng mga blogger na kahit hindi naman ako kilala
talaga ay naghatid pa din ng panalangin at pagpapalakas ng loob sa amin.
salamat! at tatanawawin ko pong malaking utang na loob ang lahat ng ito sa inyo.

ano ba ang pinagkakaabalahan ko mahigit isang buwan?

una, ang St. Paul Pilgrimage na dumalaw sa aming parokya.
pangalawa, super full load ako ngayun sa school. 29 units! grabe ang stress. pero
naeejoy ko naman. :)
pangatlo, ang Mt. Samat Pilgrimage sa Nov. 29 (sabado), na kung saan sinasabing 30,000
na mga taga bataan na halos lahat ay kabataan ang umaakyat sa tuktok ng Samat na kung saan, mahigit sampung bus ang nakaregister mula sa aming parokya para ipakita ang pagiging Bayan't Banal ng mga Bataenos.

summary lamang ito ng mga pinagkaabalahan ko sa loob ng 1 buwan. dahil kung ipapaliwanag ko ang bawat detalye, baka bukas pa ko matapos mag type.
____________________________________________

may kwento nga pala ako.

From: 0918***45*5
Sent: 22-Nov-2008
8:53PM

- Will you take the seminary entrance test on Dec6?
____________________________________________

susmaryosep. biglang bimilis ang tibok ng dibdib ko! ewan ko ba. O.A. lang siguro
ako. pero suggestive kasi ang dating sakin, hindi patanong.

marahil nagtataka kayo sa reaction ko? nasanay kasi kayo na ang binabasa sa pahina
ko ay palaging lito kung sasagot na ba ko kay Lord.

ang sagot: sa ilang oras, araw, linggo, at buwan na pag-iisip. nakakuha ako ng sagot na
sobrang nagpabuti sa pakiramdam ko. tila ba settled na ko sa desisyon ko.
anong desisyon?
naisip ko kasi na tapusin muna ang college. graduating na din kasi ako next year. [salamat sa Diyos!] at paghuhubog din para sa akin ang tapusin ang college. alam kong makakakatulong ito para lalo pang pag-isipan ang bagay na nais kong pasukin. isang bagay na magmamarka buong buhay ko hanggang kamatayan. wala naman masama. hindi ko naman dinededma ang tawag Nya. sumagot naman ako. hindi ko ipinagpapaliban. alam kong ang lahat ng bagay ay may kanya-kanyang kakalagyan. sa tamang oras, sa tamang panahon, at sa tamang pagkakataon. ito rin naman ang hiling sa akin ng mga magulang ko. para sa akin, wala naman talagang "late vocation". dahil sa bawat oras at sa bawat araw na ika'y nagigising at inaalay mo ang buhay mo sa mga tao kahit sa pinaka simpleng paraan na kaya mo, bokasyon na yun. hindi pa nga lang sakto.
mahirap ipaliwanag. pero alam kong may nakaka-intindi sa akin.

masaya ako ngayun. hindi katulad dati na parating bothered, lito at ewan. masasabi kong hindi na ako ganun ngayun. tama sila. dapat nga inspired pa ko!

tuloy pa din ako sa pagahahanap ng sarili. paglilinaw kung para saan ako. sabi nga ng isang Jesuit brother sa akin, wala naman seminaristang pumasok ng seminaryo na super sure na siya sa papasukin niya. dahil sa oras ng pagpasok nya, sa bawat araw na pamamalagi nya sa loob, hanggang pagsapit ng kanyang ordinasyon, darating ang oras na magtatanong ka sa sarili mo kung sigurado ka na ba talaga. maaring sigurado ka nga. pero wala naman taong sigurado sa mangyayari sa kanyang buhay.

patuloy nyo na lamang po akong ipanalangin. inimbitahan po ako ng isang Jesuit brother sa christmas vacation to stay at their seminary for 5 days. baka sakaling sumagot ako sa kanila.
makakatulong iyon sa patuloy kong paghahanap.
______________________________________________________

teka. maiba tayo. kamusta na ang mga kaibigan kong blogger?
myk: kamusta ang kalsenar (call center)
bloom: good luck sa exam. i know you can do it! God bless.
yeine: musta na? wala na din akong balita.
teka. sinu pa ba?
basta lahat kayo, kamusta!
na miss ko ito. na miss ko kayong lahat!