Posted by Jay

mt. samat
part 2.


haaayy. itutuloy ko na. kahit mahirap.

teka. di ko alam kung pano.

unang mt.samat pilgrimage. nov. 27, 2004. simpleng pym member lamang ako. pero dahil kararating pa lamang ni bishop soc sa aming diyosesis, may kaguluhan pa ang komisyon ng kabataan noon. at nasimulan lamang itong ayusin mula nung dumating si bishop soc. at dahil may kaguluhan pa ang komisyon ng kabatan, kaming mga kabataan ng parokya ng Katedral ang abala at nag-aasikaso sa nasabing malaking pagtitipon. nasa 15,000 katao ang umakyat sa mt.samat. dahil first time itong magaganap sa bataan, hisyory ito. damang dama ko ang bawat oras. ang sarap sa pakiramdam. hanggang dumating ang pag sisindi ng kandila at fireworks sa samat habang kumakanta ng: "Bataan, Bataan, Penisulang MInamahal. " at take note. kumakanta ng buong feelings at halos maiyak kami dahil damang dama namin ang presensya ng Diyos sa Bataan. ito ang pinaka memorableng Mt.samat para sa akin. pagkatapos ng event, dahil may pag ka V.I. P. ata kami that time, may nakahanda ng saskyan para sa amin. hindi na namin kinailangang maglakad pababa ng samat ng halos dalawang oras. sa kalagitnaan ng daan pababa, nakita ko ang mga kapwa ko kabataan na pagod, alang masakyan. kaya ang sabi ng konsensya ko, "jay, bumaba ka ng van. hayaan mo munang makauwi ang halos lahat ng tao na walang sasakyan bago ka umuwi." sumunod ako. pumara ako. tumulong ako na humanap ng sasakyan para sa mga taong walang sasakyan. at pagdating ng alas dos ng madaling araw, ako naman ang humanap ng ssakyan. swerte at may mga taga katedral pa pala sa taas ng bundok. at may nakasabay ako. alas tres na ng nauwi ako.

ikalawang mt. samat. Nov. 26. lider kabataan na ko sa aming parokya nito. at kasama ko ng naglalakad paakyat ng samat ang halos limang daang kabatan ng balanga. di baleng pagod, basta para sa paglilingkod. ito ang unang mt.samat na nanalit ang katawan ko. dahil naglakad kami ng paakyat at pababa ng bundok. na kung susumahin ang layo e abot ng 4 na oras na lakaran.

ikatlong mt.samat. dec.2. ang tanda ko nito, nov.30 palang, may super bagyo na. dec.1, expected daw na tatama ang bagyo sa bataan. kabado ang buong bataan dahil mauudlod ang akyat sa mt. samat. nagpakalat agad ng text ang obispo sa buong bataan, na magdasal. at himala! lumiko ang bagyo. dec.1, biyernes, umaraw! at nagdiwang ang buong bataan! sabi nasa 35,000 kabataan ang umakyat ng samat. dalawa na rin ang tungkulin ko sa mt.samat. ako ang naging in charge sa animators [taga sayaw sa mt.samat] halos 150 kabataan ang nagsanay sa loob ng isang buwan bago ang pilgrimage. at bukod sa paghawak ko samga taga sayaw, ako parinangmay hawak sa halos limang daan na taga balangang aakyat ng bundok. o diba? pano ko nagawa? naawa ang Diyos sa akin.

ikaapat ng mt.samat. same as ikatlong mt.samat.

sa apat na mt.samatpilgrimage na ito, di ako nakaramdam ng burn out. service kasi talaga para sa bayan at kabataan ito. napapagod ako, nagaglit pa din sa matitigas ang ulo. dahil tao lang naman ako. pero di ako nagsawa. alam kong sa susunod na taon, mas kakayanin ko pa.

at dumating na nga ang susnod na taon. at kahapon yun. hindi na biro ang posisyon. diocesan youth secretary na ko at at the same time, lider kabataan parin sa katedral. akala ko magiging ok. pero hindi.

isang buwan bago ang mt. samat, nagpatawag ng meeting ang aming direktor sa isang coffee shop sa balanga. at kahit gabi yun at isang buwan na ang nakalipas, tandang tanda ko ang bawat kataga. first time ever. walang assignment na ibinigay sa youth. kaya ang sabi ng director, mag fund raising nalang tayo. [maganda ang term na fund raising, pero ang totoong term na ginamit nya: "maghanap nalang tayo ng pagkakakitaan." at nauwi ang usapan sa badge.

na excite ang lahat. at aaminin ko. pati ako naexcite. sa laki kasi ng profit. at alam kong makakatulong ito sa activities at youth camp. at dahil diocesan secretary ako. sakin naka assign ang accounts. lahat ng may kinalaman sa badge. akala ko magiging madali. pero hindi.
5000pcs badge ang pinagawa. nadispose ang 3500. at ang nakalungkot. 1500 badges ang kinailangang itinda sa taas ng samat.

umaga palang parang dinudurog na ang puso ko. hindi ito ang nakilala kong service. hindi negosyo. no choice kami. lalo ako kundi ang piliting maubos ang badges.

todo benta. todo alok. hanggang dumating ang oras ng misa. 5pm, di pa din ubos. wala na kaming magawa kundi sabayan ng pag-aalok ng badges ang misa. parang dinudurog ang puso ko. ang sakit sakit. dumating ang oras na kakantahin na ulit ang "bataan, bataan....." naalala ko ang unang mt. samat na nagkakakanda iyak kami dahil sa tuwa. ngayun di ko mapigilang mapaupo at mapaiyak ng malakas. salamat nalang sa sigawan ng mga tao at hindi ako nadidinig. ang sakit sakit sa loob. hindi ito ang service na nakilala ko. hinding hindi. ang layo. ang labo. 10 minuto ang fireworks. at o.a man. sampung minuto din akong umiiyak sa sama ng loob. nakuha ko pang ilabas ang cellphone ko para ma videohan ang fireworks. pero maniwala ka man o hindi. hawak ko ang cellphone ko pero umiiyak ako.

naipon ang lahat ng sakit, pagod, etc. at bigla nalang napabulalas sa pamamagitan ng iyak. ang daming nasacrifice dahil sa badge, ang pag-aaral ko, ang members ko. nahihiya ako sa members ko sa balanga dahil first time na di ko sila nasamahan paakyat. kapalit ng kikitain sa badges.

halos isang libo pa din ang badges na natira. pipilitin kong maubos pa rin ito. ipinagkatiwala sa akin ang trabaho, at kahit masama ang loob ko, responsibilidad ko pa din na tapusin yun. pangako. mauubos yun!
pero ang di ko maipapangako,
kung kaya ko pang manatili sa sa posisyon ko sa diocese .
hindi ko na yata kaya. tatapusin ko na lang yata ang pinagkatiwala
sa akin, at bahala na.

napakataas ng expectations ko sa grupo namin. at hindi ito na meet.
hindi ito ang nakilala kong uwi ng paglilingkod sa loob ng limang taonng mahigit na paglilingkod ko.

:(

This entry was posted on November 30, 2008 at Sunday, November 30, 2008 . You can follow any responses to this entry through the comments feed .

4 kumento

jobert  

nag enjoy ako sa last pilgrimage na un... actually inalok mo pa ako ng badge na un but nakabili na ako nun...

baka mas masaya at mabobogbug ka sa trabaho this coming summer youth camp... so god want to reserved your energy for other activity... bawi ka na lang sa mga next activity nyo... hehehe...

3:10 PM

@jobert:

amputek! OU TAMA! ikaw nga yng inalok ko.

hanep. kung youth camp and other activities, walang problema. siguruhin lang na hindi na negosyo. haha.

ayoko ng ganun. ayoko talga. salamat ha. galing naman. narating mo yung blog ko. :)

ingat. Godbless.

4:47 PM

Kapatid,
Inhale... exhale....

Nagawa niyo na ba 'yung suggestion ko to give a formal feedback about this? So they will become aware of your sentiments at maiwasan na sa susunod.

Keep the fight pa rin.
Isa ka sa hinahangaan kong lider kabataan sa Diyosesis.

God bless!

(Rev.) Jhoen

P.S.
Punta ka sa "pasinaya" ng aking baging blog sa lunes (Dec.8). He he! Yup, I am called revsiopao there. Naka-block pa now. Kitakitz. Best regards!

6:33 PM

@ revsiopao:

rev. jhoen! nagulat po ako! akala ko kung sinong revsiopao yun. bakit po revsiopao?

anyway. hindi pa po. di pa po nagpapatawag ng meeting si fr.felix. baka next week pa daw po.

grabe po. exam week ko po ngayun. prelims. pero badge pa din po ang nasa utak ko. haha. [may pagka bitter]

pero pag nag meeting po kami, sasabihin ko po talaga.

salamat po rev. ingat po!


PS:

asahan nyo po ako sa dec. 8. :)

8:41 PM

Post a Comment