UPDATE
hala!
kamusta na ba ang blog ko? kamusta na ang mga kaibigan kong bloggers?
wala ng update.
mula ng nabaril ang aming bahay, hindi na rin ako masyadong nakadalaw dito.
marahil ang iba sa mga taga basa sa pahinang ito ay nagtatanong kung ano ng
nangyayari sa akin.
masaya ko pong ibabalita sa inyo na medyo ok na. wala ng nang gugulo. medyo naka
recover na din kami sa takot. muli, maraming salamat po sa inyong mga panalangin.
naniniwala po ako na Diyos ang nagtanggol sa mga pinaka-madidilim na oras ng aming
pamilya. at dahil din yun sa inyong panalangin para sa aming pamilya. salamat sa
mga naging kaibigan ko sa mundo ng mga blogger na kahit hindi naman ako kilala
talaga ay naghatid pa din ng panalangin at pagpapalakas ng loob sa amin.
salamat! at tatanawawin ko pong malaking utang na loob ang lahat ng ito sa inyo.
ano ba ang pinagkakaabalahan ko mahigit isang buwan?
una, ang St. Paul Pilgrimage na dumalaw sa aming parokya.
pangalawa, super full load ako ngayun sa school. 29 units! grabe ang stress. pero
naeejoy ko naman. :)
pangatlo, ang Mt. Samat Pilgrimage sa Nov. 29 (sabado), na kung saan sinasabing 30,000
na mga taga bataan na halos lahat ay kabataan ang umaakyat sa tuktok ng Samat na kung saan, mahigit sampung bus ang nakaregister mula sa aming parokya para ipakita ang pagiging Bayan't Banal ng mga Bataenos.
summary lamang ito ng mga pinagkaabalahan ko sa loob ng 1 buwan. dahil kung ipapaliwanag ko ang bawat detalye, baka bukas pa ko matapos mag type.
____________________________________________
may kwento nga pala ako.
From: 0918***45*5
Sent: 22-Nov-2008
8:53PM
- Will you take the seminary entrance test on Dec6?
____________________________________________
susmaryosep. biglang bimilis ang tibok ng dibdib ko! ewan ko ba. O.A. lang siguro
ako. pero suggestive kasi ang dating sakin, hindi patanong.
marahil nagtataka kayo sa reaction ko? nasanay kasi kayo na ang binabasa sa pahina
ko ay palaging lito kung sasagot na ba ko kay Lord.
ang sagot: sa ilang oras, araw, linggo, at buwan na pag-iisip. nakakuha ako ng sagot na
sobrang nagpabuti sa pakiramdam ko. tila ba settled na ko sa desisyon ko.
anong desisyon?
naisip ko kasi na tapusin muna ang college. graduating na din kasi ako next year. [salamat sa Diyos!] at paghuhubog din para sa akin ang tapusin ang college. alam kong makakakatulong ito para lalo pang pag-isipan ang bagay na nais kong pasukin. isang bagay na magmamarka buong buhay ko hanggang kamatayan. wala naman masama. hindi ko naman dinededma ang tawag Nya. sumagot naman ako. hindi ko ipinagpapaliban. alam kong ang lahat ng bagay ay may kanya-kanyang kakalagyan. sa tamang oras, sa tamang panahon, at sa tamang pagkakataon. ito rin naman ang hiling sa akin ng mga magulang ko. para sa akin, wala naman talagang "late vocation". dahil sa bawat oras at sa bawat araw na ika'y nagigising at inaalay mo ang buhay mo sa mga tao kahit sa pinaka simpleng paraan na kaya mo, bokasyon na yun. hindi pa nga lang sakto.
mahirap ipaliwanag. pero alam kong may nakaka-intindi sa akin.
masaya ako ngayun. hindi katulad dati na parating bothered, lito at ewan. masasabi kong hindi na ako ganun ngayun. tama sila. dapat nga inspired pa ko!
tuloy pa din ako sa pagahahanap ng sarili. paglilinaw kung para saan ako. sabi nga ng isang Jesuit brother sa akin, wala naman seminaristang pumasok ng seminaryo na super sure na siya sa papasukin niya. dahil sa oras ng pagpasok nya, sa bawat araw na pamamalagi nya sa loob, hanggang pagsapit ng kanyang ordinasyon, darating ang oras na magtatanong ka sa sarili mo kung sigurado ka na ba talaga. maaring sigurado ka nga. pero wala naman taong sigurado sa mangyayari sa kanyang buhay.
patuloy nyo na lamang po akong ipanalangin. inimbitahan po ako ng isang Jesuit brother sa christmas vacation to stay at their seminary for 5 days. baka sakaling sumagot ako sa kanila.
makakatulong iyon sa patuloy kong paghahanap.
______________________________________________________
teka. maiba tayo. kamusta na ang mga kaibigan kong blogger?
myk: kamusta ang kalsenar (call center)
bloom: good luck sa exam. i know you can do it! God bless.
yeine: musta na? wala na din akong balita.
teka. sinu pa ba?
basta lahat kayo, kamusta!
na miss ko ito. na miss ko kayong lahat!
This entry was posted
on November 25, 2008
at Tuesday, November 25, 2008
. You can follow any responses to this entry through the
comments feed
.
2 kumento
yeine.. thank you! :)
halaa. tagal na natin di nagkakausap nila myk at bloom.. hehe.
stay safe.
God be with us always. :)
1:20 PM
Post a Comment
Facebook Badge
Profile
Nagpapakilala...
Ako si Jay,pwede din Joseph,
ayoko un. Masyadong pormal.
puede din namang Jose. 'wag pala!
pang matanda.
Ipinanganak sa Lungsod ng
Mandaluyong, lumaki at tumanda sa
Lungsod ng Balanga.
bente anyos. walang asawa.
pero may iniibig.
nag-aaral ako sa paaaralan ng
mga Bayani. at gusto ko din namang
maging bayani.
Bayani sa puso ng pamilya ko,
at bayani sa puso ninyo.
[kung paano?, di ko din alam]
Isa akong lider kabataan sa aming
parokya. pero hindi 'kilusan' ang aming
samahan. Isa kaming grupo ng kabataan
ng parokya na nakatutok sa paghubog
sa aming sarili upang maging kapaki-
pakinabang pa sa aming parokya at lipunan.
madami akong problema. natural sa akin
yun.pati kasi problema ng iba, pinoproblema ko na din. Problema ko din
ang patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo, problema ko din ang kahirapan ng Pilipinas, problema ko din ang muling pagbagsak ng ekonomiya
ng Pilipinas. Problema ko yun, dahil apektado ako nito!
mahilig akong kumain. [tumataba na daw ako!] syempre, merong aangal! mahilig sa kape. Adik sa tsokolate. sipuning bata. [kinalakihan ko na 'to eh.]
marami akong gustong maging.
gusto kong maging inhinyero,
ngunit may hangarin din sa pagpapari.
tanong nyo kung bakit di pa ko pumasok ng seminaryo?
Ang sagot: Gusto ko munang maniguro.
nakakahiya atang mapalabas ng seminaryo!
Gusto ko din baguhin ang takbo ng buhay ng pamilya ko. sympre, katulong ko dito ang mga kapatid ko.
teka. di lang pala pamilya ko, buong angkan namin...
at kung gagawing akong instrumento ng Diyos ng pagbabago, aba, gusto ko din baguhin ang mukha ng mundo.
kahit kapalit pa nito'y ang buhay ko...
ayoko un. Masyadong pormal.
puede din namang Jose. 'wag pala!
pang matanda.
Ipinanganak sa Lungsod ng
Mandaluyong, lumaki at tumanda sa
Lungsod ng Balanga.
bente anyos. walang asawa.
pero may iniibig.
nag-aaral ako sa paaaralan ng
mga Bayani. at gusto ko din namang
maging bayani.
Bayani sa puso ng pamilya ko,
at bayani sa puso ninyo.
[kung paano?, di ko din alam]
Isa akong lider kabataan sa aming
parokya. pero hindi 'kilusan' ang aming
samahan. Isa kaming grupo ng kabataan
ng parokya na nakatutok sa paghubog
sa aming sarili upang maging kapaki-
pakinabang pa sa aming parokya at lipunan.
madami akong problema. natural sa akin
yun.pati kasi problema ng iba, pinoproblema ko na din. Problema ko din
ang patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo, problema ko din ang kahirapan ng Pilipinas, problema ko din ang muling pagbagsak ng ekonomiya
ng Pilipinas. Problema ko yun, dahil apektado ako nito!
mahilig akong kumain. [tumataba na daw ako!] syempre, merong aangal! mahilig sa kape. Adik sa tsokolate. sipuning bata. [kinalakihan ko na 'to eh.]
marami akong gustong maging.
gusto kong maging inhinyero,
ngunit may hangarin din sa pagpapari.
tanong nyo kung bakit di pa ko pumasok ng seminaryo?
Ang sagot: Gusto ko munang maniguro.
nakakahiya atang mapalabas ng seminaryo!
Gusto ko din baguhin ang takbo ng buhay ng pamilya ko. sympre, katulong ko dito ang mga kapatid ko.
teka. di lang pala pamilya ko, buong angkan namin...
at kung gagawing akong instrumento ng Diyos ng pagbabago, aba, gusto ko din baguhin ang mukha ng mundo.
kahit kapalit pa nito'y ang buhay ko...
pangarap, kailan ba kita maabot?
kausapin mo ko...

sa inyo natutunan ang tunay na ibig sabihin ng paglilingkod...
puntahan mo kaya sila....
- Ang mga lihim ni Hudas
- anghel na walang langit
- ayaw ko ng mag blog
- Beyond Borders
- Blissful Bobby-Soxer
- bojoy's portal
- bro.utoy
- canky is me
- Dedpish
- ginger bread
- hUrtfuL.pRey
- inday, ang sosyal na maid
- Insignia
- isang kilong bigas
- j0yo
- khzr4u is twisted
- kliti ng diyos
- kwento ni enday
- magpasawalanghanggan
- mapanuring panitik
- moving along
- mundong parisukat
- prinsesa
- promdiwood
- revsiopao
- romancinghelena
- thought-pollution
- utak munggo
- webmistress
- yeinechan
Facebook Badge
Followers
TAMA NA ANG PULITIKA. KAMI MUNA!

NO to BNPP!

NETWORK OPPOSED TO BNPP

Blog Prayer Brigade

CURRENTLY READING
Labels
- be loved (4)
- love... by Joseph (4)
- Mga kwento at damdamin ni Mang Jose (39)
- pala-palagay ni Jay (10)
mahal ko yan...
Blog Archive

pero mas mahal ko Siya...
Panginoong Hesus ako ay nakikiisa
sa 'Yong walang hanggan at walang katapusang
'sangkatauhang pag-aalay.
Iniaalay ko ang aking sarili sa bawat araw ng aking buhay
At sa bawat sandali ng bawat araw ayon
sa 'Yong pinaka banal at kagalang-galang na kalooban.
Ikaw ang naging alay para sa 'king kaligtasan.
Nais kong ako'y maging alay mg 'yong pag-ibig.
Tanggapin Mo ang aking ninanasa
Kunin Mo ang aking handog.
Malugod Mong pakinggan ang aking hinaing.
Itulot Mong sa 'Yong pag-ibig ako mamatay,
Itulot Mong sa 'Yong pag-ibig ako mabuhay.
Itulot Mong ang huling pintig ng aking puso ay
maging tanda ng isang wagas na
pag-ibig ng isang wagas na pag-ibig.