Posted by Jay in

Arms of Love

Hindi ko kakayanin kung meron isa sa amin na mag buwis ng buhay dahil sa kagagawan ng mga walang pusong tao. kung sakaling may mangyaring masama siguro sa pamilya ko, itutuloy ko ang laban. ako mismo. pero ayoko ng umabot sa ganon. ayokong may mawala sa amin. ayoko. di ko kaya.

tanggap ko na hindi kami malapit sa isa't-isa. buong pamilya. hindi kami katulad ng ibang pamilya na may pagkakataong makapag-kwentuhan, mag-biruan, o kahit ano. hondi naging ganun. siguro ngayon palang kami nagsisimula na baguhin yun sa aming pamilya. pero bakit ganito? kung kailan namin nais ayusin, saka may papatong nanaman na pag subok sa amin.

ito na ang pinaka-malalang pangyayari sa buhay namin. walang kaso sakin kung magkanda-hirap kami, pero kung buhay ang nakasalalay sa amin, di ko kakayanin. mas gugustuhin kong naghihirap kami, kahit dumating sa puntong wala na kaming makain, basta sama-sama kami.

madaling sabihin na bumitaw kami, at ibigay nalang kng ano ang nais ng mga taong yun. pero hindi, siguro kung kayo ang nasa kalagayan namin, maiintindihan nyo.

mas mahalaga ba ang tama kaysa ang mga mahal mo sa buhay?
mas mahalaga bang magawa mo ang tama, kesa mawala ang pamilya mo?

may paraan pa naman sana. kung papayag lang sila. pwede namang magbigayan e. parehong may makikinabang sa magkabilang kampo. parehong makakapamuhay ng maayos, ng walang kinakatakot, ng walang inaalala.

pero wag nyo sanang isipin na baka ang sasama naming tao kaya ginaganito kami. hindi. makaka-away nyo ko. dumaan sa legal na proseso ang lahat. wala kaming inapakang tao. nanalo naman kami sa kaso. hindi lang isang beses. legal lahat. hindi ko din maintindihan kung ano pa ang ipinaglalaban nila.
hindi ko maintindihan kung bakit kailangang buhay namin ang maitaya.

nalulungkot ako. natatakot. hindi na kasi normal ang lahat. hindi na normal ang buhay para sa amin. para kaming cancer patient na tinaningan ng doktor. ang kaibahan lang, may panahon na ibinibigay ang doktor para mapag-handaan, para matanggap kung ano man ang mangyayari. sa amin, wala. hindi namin alam kung kelan, saan, at sino sa amin. punung-puno ng takot ang bawat oras.

salamat sa inyo mga kaibigan. alam nyo kung sino kayo na patuloy na nagdadasal at nagpapa-lakas sa amin. kayo po ang napaghuhugutan namin ng lakas sa mga oras na ito. kahit papano, nararamdaman naming secured kami dahil sa mga panalangin ninyo para sa amin. alam ko pong nakikita ng Diyos ang kabutihang loob ninyo.

kung pwede lang, ako nalang ang saktan nila, ako nalang ang kunin, ako nalang ang gawan ng masama. wag na ang pamilya ko, wag na ang magulang ko. sapat na ang ilang taon pagpapakihirap nila para sa amin para mabuhay kami ng maayos. wag sila. ako nalang. ako nalang po!

sa kabila ng lahat ng takot, lungkot at kaba, alam kong may Diyos na hinding-hindi kami pababayaan. alam Niya ang paghihirap na pinagdaraanan ng pamilya namin, alam Niya ang lahat, at alam kong iingatan Niya kami. Siya lang ang nakaka-alam ng kalooban ng lahat ng tao, Siya lang ang nakaka-alam ng mga iniisip ng mga taong gumagawa ng hindi maganda sa amin. Bahala na Siya sa amin.


Lord I'm really glad you're here.

I hope you feel the same when you see all my fear,
And how I fail,
I fall sometimes.
Its hard to walk on shifting sand.
I miss the rock, and find nowhere left to stand;
I start to cry.
Lord, please help me raise my hands so you can lift me up.
Hold me close,
Hold me tighter.

I have found a place where I can hide.
Its safe inside
Your arms of love.
Like a child whose helped throughout a storm,
You keep me warm
In your arms of love.

Storms may come and storms may go.
I Wonder just how many storms it takes until
I finally know
You are here always.
Even when my skies are far from gray,
I can stay;
Teach me to stay there,

In the place Ive found where I can hide.
Its safe inside
Your arms of love.
Like a child who's helped throughout a storm,
You keep me warm
In your arms of love.

This entry was posted on October 21, 2008 at Tuesday, October 21, 2008 and is filed under . You can follow any responses to this entry through the comments feed .

6 kumento

huwag kang matakot. . maraming mas higit na nanganganib. . mas maraming buhay ang hindi normal. . mas maraming buhay ang apektado dahil sa mga taong walang puso. minsan natatakot din aco. . pero mas makamundo ang pananaw co. . mas mabuti ka na may diyos na nakaalalay sa'yo. . pero kahit di co sya lapitan alam cong andyan lang sya para sakin at sa pamilya co. . ano ka pa kaya na handang maglingkod sa kanya?

walang sino man ang handa sa maaring dumating sa buhay nila. . ipasa dyos mo lang at wag ka bibitaw. .

5:04 AM
Anonymous  

"mas mahalaga ba ang tama kaysa ang mga mahal mo sa buhay?
mas mahalaga bang magawa mo ang tama, kesa mawala ang pamilya mo?"

Nurse ako. At minsan napagaralan namin sa school ang iba't ibang ethical dilemma, napansin ko na hindi sa lahat ng oras kailangan mong magsakripisyo. Pwede mo namang iwasan na asuot sa sitwasyong kelangan mong magdesisyon.

Kung buhay na ng pammilya mo ang nakasalalay sa tingin ko yung buhay nila ang unahin mo. andaan si Abraham at ilan pang mga tapat na tagasunod ng biblya ay humantong din sa mga pagkakataon na kailangan nilang magsinungaling upsang iligtas ang buhay nila. :)

12:16 PM

paper doll.. thank you ha..
nakakapag palakas ng loob namin ang mga ganyang payo.

salamat. God knows your good heart. alam kong di ka din Nya papabayaan. salamat talaga..

2:41 PM

muffin man:

hmm. naging interesado ako sayo. san ka sa bataan? bagac? morong? mariveles? andun ang dalampasigan eh. hehe.

salamat ha. pagdasal nyo kami lagi. and be proud. pag napatay kasi ako, pwede mong ipagmalaki na blog- friend mo yung napatay. hehe. biro lang. :]

2:47 PM
Anonymous  

I-reready ko na yung requiem. hehe joke lang. Ingat!

12:06 PM

hmm.. bakit? anong nangyayari? senxa perstaym ko lang rito tsk tsk..

kaya niyo yan.. dasal lang... mabait ang Diyos, di niya kayo pababayaan..

http://fjordz-hiraya.blogspot.com

4:47 PM

Post a Comment