kumusta ka?
anong mas mahalaga?
tanga mong puso o
bayan mong sawi?
anong mas nakakaawa?
pagkabigo sa pag-ibig o
mga batang walang makain?
ano ang kailangang hanapin?
damdaming tila naglaho o
mga taong dinukot nalang bigla?
ano ang nakakatakot?
i break ng boy friend o girl friend o
pagtangkaan ang buhay?
alam mo, ang daming problema ng lipunan!
magda-drama ka pa ba sa mga pansarili mong
kalungkutan??
___________________________
kanina....
bago pa mag simula ang misa sa Katedral,
bigla akong hinatak ni Bishop.
Akala ko, nagbibiro lang. pero hindi pala.
pinaupo nya ko, sabay sabi, "kamusta ka?"
ako: ok lang po Bishop
Bp: Ano nang nangyayari sayo?
ako: saan po, tungkol po sa nangyari sa bahay?
Bp: sa lahat...
kinabahan ako talaga. pero nasabi ko naman ang mga dapat kong sabihin.
Kinamusta din nya ang search-in sa Jesuits. kaya lang, sa kasamaang palad,
di ako naka-attend. finals week kasi, at di ko pa maiwan ang parents ko.
hindi siguro sa pagkakataong ito. natatakot kasi ako.
nakaka-paranoid. kung pwede nga lang na wag na kong umalis ng bahay..
pero hindi pwede. naisip ko, dadating ang panahon, kailangan ko din silang
iwan para ibigay naman ang sarili ko sa mas maraming tao.
kelan yun? sana, sana... pag ka- graduate ko..
then he asked again, ayaw mo ba sa San Carlos o sa Immaculate Conception
Seminary?
mabilis akong sumagot, "pinag-iisipan ko din po."
sana ang lahat ng ito ay hindi lang mauwi sa pag-iisip.
sana, dumating din ang katuparan ng lahat ng ito.
kailangan kong gumawa ng ng unang hakbang,
dahil di naman ako makakausad kung hindi ako
gagalaw.
naisip ko nga, ano kaya kung mag pulis nalang ako? para ako na mismo ang
huhuli sa mga nagtangka sa buhay namin?
pero hindi, hindi naman makakatulong. umaasa pa din ako na magbabago sila.
at mas nais kong maging instrumento ng pagbabago ng mga tao para sa Diyos.
hindi ko sila matutulungan kapag nakulong sila, maari lang silang malugmok lalo
sa kahirapan. pero kung magbabago sila, baka umunlad pa ang buhay nila.
tama? kung mali, wag ka ng kumontra.
pananaw ko ito.
13 kumento
onga onga pray paren kami. sana ayos na ang lahat. wag ka papadestruct sa kalaban. kapit lang.
father? :-o. . pari ka nga? hehe. . pwede ba co mag madre? :D
naisip co rin yang dramahan sa puso na yan. . tsktsk. .
sa tingin co naman kasi wala acong maitutulong sa mga nangyayari sa paligid co kaya puso co nalang ang pinagtutuunan co ng pansin:D
paki kamusta nga pala aco kay papa God. . tagal co na sya di nakakausap ng masinsinan eh:D
hello, if you want to give the svd a try para mas marami kang pagpilian, check our vocation website http://svdvocations.tripod.com/
if you want to avail of our search-in seminars, just contact me...
hi yeine! akala ko kung sinung shobe.. hehe.
di na talaga ako updated..
thank you yeine.. am so blessed din to have you as my friend. salamat sa prayers. we feel secured na dahil sa patuloy nyong pagdadasal for us..
ingat. goodluck yeine.. :]
salamat myk..
swerte ko dahil may friends ako ng tulad nyosa blog.. miss ko na kayu nila yeine at bloom..
no im not. nangangarap palang. hehe. :]
pwede ka naman mag madre.. nasa puso yun. lahat po tayo may kanya-kanyang magagawa para sa pagbabago ng bayan natin. :)
felmar fiel, svd
borther po ba kayo or priest na?
thank you po.
sige po brother/father. i will. pag dasal nyo din po ang pag ddiscern ko.. salamat po :)
dapat kasi may ID kayo.. hekhek
ililink nga kita sa bago kong blog. Natawa ako sobra.
isa kang mannisid.
sa dinami-dami ng pwedeng puntahan, nakarating ka sa mga itim kong pahina.
tae, nahihiya tuloy ako.
eun, isa din ako sa mga lagalag..naghahanap.
malayo ka sa akin, ngunit alam ko na kung bakit ka nakarating sa akin at kung paano ako nakakaunawa ng kalagayan mo.
may mga bagay na nakita ako sa blog mo na parang nasa pahina ko din.
ayos lang...galing nga eh. aprub!
ngunit kung sino ako at anong balak ko sa buhay ko, isang malaking tanong.
*woot, nasa blogroll na din ako at si dedpish? ahaha c0ol.
dumaan ka ulit, magdala ka na din ng popcorn.
[yas]
mag-SSS ka, kapatid! Congregation of the Blessed Sacrament, sa may Sta. Cruz, Manila. Approach mo lang kahit sinong pari or ang vocation director, si Fr. Froilan Briones. O kaya, visit our Philippine website, http://blessedsacramentph.org.
pero kung di ka pa naman decided, pwede ring sumali ka sa vocation club namin. nasa Sta.Cruz din yun.
Seminarista ako ng SSS, nag-aaral sa San Carlos Seminary pero nasa France ngayon for my pastoral exposure.
Teka, Diocese of Balanga ka ba? kilala ni Bp.Soc ang congregation namin.ü at kaibigan ko si Rev. Jhoen, yung bagong ordained na deacon.
Try mo lang sa amin. malay mo.üüü
yas, pramis. dadaaan ulit ako. :)
bro. utoy, thanks po for the info. sa ngayun po naghahanap pa din po ako ng sarili kung para saang congregation po ako, kasabay ng paghahanap, pinagbubuti po ang pag-aaral para matapos ko na din po ang college, at kung loloobin po ng Diyos, sana makapasok na din po ng seminaryo. advice din po kasi ng mga pari samin at ni Bishop, tapusin ko muna po ang college. graduating na din po kasi ako next year.
ipagdasal nyo po ako.
yes. kilala ko po si Rev. Jhoen. naasign po sya sa parish namin. (sa Katedral) napakabait po at malapit po sa youth.
mula po ngayun, kasama na din po kayo sa prayers ko. ingat bro.
Post a Comment
Facebook Badge
Profile
Nagpapakilala...
ayoko un. Masyadong pormal.
puede din namang Jose. 'wag pala!
pang matanda.
Ipinanganak sa Lungsod ng
Mandaluyong, lumaki at tumanda sa
Lungsod ng Balanga.
bente anyos. walang asawa.
pero may iniibig.
nag-aaral ako sa paaaralan ng
mga Bayani. at gusto ko din namang
maging bayani.
Bayani sa puso ng pamilya ko,
at bayani sa puso ninyo.
[kung paano?, di ko din alam]
Isa akong lider kabataan sa aming
parokya. pero hindi 'kilusan' ang aming
samahan. Isa kaming grupo ng kabataan
ng parokya na nakatutok sa paghubog
sa aming sarili upang maging kapaki-
pakinabang pa sa aming parokya at lipunan.
madami akong problema. natural sa akin
yun.pati kasi problema ng iba, pinoproblema ko na din. Problema ko din
ang patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo, problema ko din ang kahirapan ng Pilipinas, problema ko din ang muling pagbagsak ng ekonomiya
ng Pilipinas. Problema ko yun, dahil apektado ako nito!
mahilig akong kumain. [tumataba na daw ako!] syempre, merong aangal! mahilig sa kape. Adik sa tsokolate. sipuning bata. [kinalakihan ko na 'to eh.]
marami akong gustong maging.
gusto kong maging inhinyero,
ngunit may hangarin din sa pagpapari.
tanong nyo kung bakit di pa ko pumasok ng seminaryo?
Ang sagot: Gusto ko munang maniguro.
nakakahiya atang mapalabas ng seminaryo!
Gusto ko din baguhin ang takbo ng buhay ng pamilya ko. sympre, katulong ko dito ang mga kapatid ko.
teka. di lang pala pamilya ko, buong angkan namin...
at kung gagawing akong instrumento ng Diyos ng pagbabago, aba, gusto ko din baguhin ang mukha ng mundo.
kahit kapalit pa nito'y ang buhay ko...
pangarap, kailan ba kita maabot?
kausapin mo ko...

sa inyo natutunan ang tunay na ibig sabihin ng paglilingkod...
puntahan mo kaya sila....
- Ang mga lihim ni Hudas
- anghel na walang langit
- ayaw ko ng mag blog
- Beyond Borders
- Blissful Bobby-Soxer
- bojoy's portal
- bro.utoy
- canky is me
- Dedpish
- ginger bread
- hUrtfuL.pRey
- inday, ang sosyal na maid
- Insignia
- isang kilong bigas
- j0yo
- khzr4u is twisted
- kliti ng diyos
- kwento ni enday
- magpasawalanghanggan
- mapanuring panitik
- moving along
- mundong parisukat
- prinsesa
- promdiwood
- revsiopao
- romancinghelena
- thought-pollution
- utak munggo
- webmistress
- yeinechan
Facebook Badge
Followers
TAMA NA ANG PULITIKA. KAMI MUNA!

NO to BNPP!

NETWORK OPPOSED TO BNPP

Blog Prayer Brigade

CURRENTLY READING
Labels
- be loved (4)
- love... by Joseph (4)
- Mga kwento at damdamin ni Mang Jose (39)
- pala-palagay ni Jay (10)
mahal ko yan...
Blog Archive

pero mas mahal ko Siya...
Panginoong Hesus ako ay nakikiisa
sa 'Yong walang hanggan at walang katapusang
'sangkatauhang pag-aalay.
Iniaalay ko ang aking sarili sa bawat araw ng aking buhay
At sa bawat sandali ng bawat araw ayon
sa 'Yong pinaka banal at kagalang-galang na kalooban.
Ikaw ang naging alay para sa 'king kaligtasan.
Nais kong ako'y maging alay mg 'yong pag-ibig.
Tanggapin Mo ang aking ninanasa
Kunin Mo ang aking handog.
Malugod Mong pakinggan ang aking hinaing.
Itulot Mong sa 'Yong pag-ibig ako mamatay,
Itulot Mong sa 'Yong pag-ibig ako mabuhay.
Itulot Mong ang huling pintig ng aking puso ay
maging tanda ng isang wagas na
pag-ibig ng isang wagas na pag-ibig.