salamat po...
salamat po sa biyaya ng pagkakaibigan.
salamat po sa panalangin.
kakayanin namin ang pagsubok na ito, dahil alam namin na nandyan po kayo.
ito na ang pinakamabigat na pagsubok na dumating sa amin.
ok lang sa akin na maghirap kami, ayoko ng ganito. buhay na kasi ng pamilya ko ang nakasalalay.
nagpapasalamat po ako sa Diyos dahil nanjan kayo.
damang dama ng pamilya namin ang presensya ng Diyos dahil sa mga panalangin at pagpapalakas ng loob ninyo..
salamat po...
Nakikita po ng Diyos ang kabutihang loob ninyo, at ang lahat ng ito ay may kapalit.
sa mga kapatid ko sa diocese. salamat. salamat sa pagpaparamdam ng pagmamahal ninyo. damang dama ko na bunso ako. at napaka swerte kong nakilala ko po kayo. matagal pa tayong magsasama. :)
sa mga kapatid kong kabataan sa parokya, mga pinakamamahal ko. salamat. kasama kayo ng pamilya ko nung pinakamadilim na oras ng buhay namin. salamat sa lahat ng tulong. kuya jay loves you all.
sa mga kapatid sa blogosphere. thank you. di nyo man po ako kilala personaly pero nakakataba ng puso ang pagpaparamdam ng concern nyo sa akin at sa family ko. esp.kay myk, yeine at bloom...[ ayyiie, special mention.] kayo kasi ang regular readers ko eh.
sa pamilya ko, pakatatag lang po tayo. wala po tayong ibang kakapitan kundi ang Diyos lamang din. may purpose ang bawat pangayayari. at naisip ko, baka daan ito para mas lalo patayong mapalapit sa isa't isa. mahal ko po kayo.
at sa Kuya kong si Jesus. salamat. ang pangyayaring ito ay hindi nagpahina ng pananampalataya ko sa iyo. lalo pang lumakas ito. at kakapit po ako sa inyo hanggang sa huling hininga ko. sorry kuya kung natatagalan ang "matamis kong oo" para sa iyo. pero nakahanda na po akong sumagot. sa tamang panahon, sa tamang pagkakataon.
at sa ibang hindi nabanggit.
salamat.
at sa iba pa. salamat. mahal na mahal ko po kayo.
ang buhay ko ay hindi para sa iilan lamang, iaalay ko ito sa lahat, para sa lahat..
kapalit man nito'y ang buhay ko din, walang anuman. walang silbi ang buhay ko kung ito'y hindi ko ibabahagi. ito lamang ang maigaganti ko sa lahat ng kabutihang loob ninyo sa akin at sa pamilya ko...
This entry was posted
on October 12, 2008
at Sunday, October 12, 2008
and is filed under
Mga kwento at damdamin ni Mang Jose
. You can follow any responses to this entry through the
comments feed
.
Facebook Badge
Profile
Nagpapakilala...
Ako si Jay,pwede din Joseph,
ayoko un. Masyadong pormal.
puede din namang Jose. 'wag pala!
pang matanda.
Ipinanganak sa Lungsod ng
Mandaluyong, lumaki at tumanda sa
Lungsod ng Balanga.
bente anyos. walang asawa.
pero may iniibig.
nag-aaral ako sa paaaralan ng
mga Bayani. at gusto ko din namang
maging bayani.
Bayani sa puso ng pamilya ko,
at bayani sa puso ninyo.
[kung paano?, di ko din alam]
Isa akong lider kabataan sa aming
parokya. pero hindi 'kilusan' ang aming
samahan. Isa kaming grupo ng kabataan
ng parokya na nakatutok sa paghubog
sa aming sarili upang maging kapaki-
pakinabang pa sa aming parokya at lipunan.
madami akong problema. natural sa akin
yun.pati kasi problema ng iba, pinoproblema ko na din. Problema ko din
ang patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo, problema ko din ang kahirapan ng Pilipinas, problema ko din ang muling pagbagsak ng ekonomiya
ng Pilipinas. Problema ko yun, dahil apektado ako nito!
mahilig akong kumain. [tumataba na daw ako!] syempre, merong aangal! mahilig sa kape. Adik sa tsokolate. sipuning bata. [kinalakihan ko na 'to eh.]
marami akong gustong maging.
gusto kong maging inhinyero,
ngunit may hangarin din sa pagpapari.
tanong nyo kung bakit di pa ko pumasok ng seminaryo?
Ang sagot: Gusto ko munang maniguro.
nakakahiya atang mapalabas ng seminaryo!
Gusto ko din baguhin ang takbo ng buhay ng pamilya ko. sympre, katulong ko dito ang mga kapatid ko.
teka. di lang pala pamilya ko, buong angkan namin...
at kung gagawing akong instrumento ng Diyos ng pagbabago, aba, gusto ko din baguhin ang mukha ng mundo.
kahit kapalit pa nito'y ang buhay ko...
ayoko un. Masyadong pormal.
puede din namang Jose. 'wag pala!
pang matanda.
Ipinanganak sa Lungsod ng
Mandaluyong, lumaki at tumanda sa
Lungsod ng Balanga.
bente anyos. walang asawa.
pero may iniibig.
nag-aaral ako sa paaaralan ng
mga Bayani. at gusto ko din namang
maging bayani.
Bayani sa puso ng pamilya ko,
at bayani sa puso ninyo.
[kung paano?, di ko din alam]
Isa akong lider kabataan sa aming
parokya. pero hindi 'kilusan' ang aming
samahan. Isa kaming grupo ng kabataan
ng parokya na nakatutok sa paghubog
sa aming sarili upang maging kapaki-
pakinabang pa sa aming parokya at lipunan.
madami akong problema. natural sa akin
yun.pati kasi problema ng iba, pinoproblema ko na din. Problema ko din
ang patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo, problema ko din ang kahirapan ng Pilipinas, problema ko din ang muling pagbagsak ng ekonomiya
ng Pilipinas. Problema ko yun, dahil apektado ako nito!
mahilig akong kumain. [tumataba na daw ako!] syempre, merong aangal! mahilig sa kape. Adik sa tsokolate. sipuning bata. [kinalakihan ko na 'to eh.]
marami akong gustong maging.
gusto kong maging inhinyero,
ngunit may hangarin din sa pagpapari.
tanong nyo kung bakit di pa ko pumasok ng seminaryo?
Ang sagot: Gusto ko munang maniguro.
nakakahiya atang mapalabas ng seminaryo!
Gusto ko din baguhin ang takbo ng buhay ng pamilya ko. sympre, katulong ko dito ang mga kapatid ko.
teka. di lang pala pamilya ko, buong angkan namin...
at kung gagawing akong instrumento ng Diyos ng pagbabago, aba, gusto ko din baguhin ang mukha ng mundo.
kahit kapalit pa nito'y ang buhay ko...
pangarap, kailan ba kita maabot?
kausapin mo ko...

sa inyo natutunan ang tunay na ibig sabihin ng paglilingkod...
puntahan mo kaya sila....
- Ang mga lihim ni Hudas
- anghel na walang langit
- ayaw ko ng mag blog
- Beyond Borders
- Blissful Bobby-Soxer
- bojoy's portal
- bro.utoy
- canky is me
- Dedpish
- ginger bread
- hUrtfuL.pRey
- inday, ang sosyal na maid
- Insignia
- isang kilong bigas
- j0yo
- khzr4u is twisted
- kliti ng diyos
- kwento ni enday
- magpasawalanghanggan
- mapanuring panitik
- moving along
- mundong parisukat
- prinsesa
- promdiwood
- revsiopao
- romancinghelena
- thought-pollution
- utak munggo
- webmistress
- yeinechan
Facebook Badge
Followers
TAMA NA ANG PULITIKA. KAMI MUNA!

NO to BNPP!

NETWORK OPPOSED TO BNPP

Blog Prayer Brigade

CURRENTLY READING
Labels
- be loved (4)
- love... by Joseph (4)
- Mga kwento at damdamin ni Mang Jose (39)
- pala-palagay ni Jay (10)
mahal ko yan...
Blog Archive

pero mas mahal ko Siya...
Panginoong Hesus ako ay nakikiisa
sa 'Yong walang hanggan at walang katapusang
'sangkatauhang pag-aalay.
Iniaalay ko ang aking sarili sa bawat araw ng aking buhay
At sa bawat sandali ng bawat araw ayon
sa 'Yong pinaka banal at kagalang-galang na kalooban.
Ikaw ang naging alay para sa 'king kaligtasan.
Nais kong ako'y maging alay mg 'yong pag-ibig.
Tanggapin Mo ang aking ninanasa
Kunin Mo ang aking handog.
Malugod Mong pakinggan ang aking hinaing.
Itulot Mong sa 'Yong pag-ibig ako mamatay,
Itulot Mong sa 'Yong pag-ibig ako mabuhay.
Itulot Mong ang huling pintig ng aking puso ay
maging tanda ng isang wagas na
pag-ibig ng isang wagas na pag-ibig.