Ligtas pa kaya kami?
ang bahay ay ginawa para sa isang pamilya, para may matirahan, para may matulugan. ligtas kasi dito. pero kung ang bahay nyo ay may ganito?
anong mararamdaman mo?
marahil, katulad din ng nararamdaman ko ngayon. binaril ang bahay namin, ng hindi pa nakikilalang lalaki. hindi alam ang motibo.
ipanalangin niyo po sana kami. ipinalangin din po sana ninyo ang mga taong gumawa samin nito. umaasa pa din ako na mababago pa din ang takbo ng pag iisip nila. wala naman tao na walang itinatago na kahit konting kabutihan sa sarili.
sana malagpasan ng pamilya ko ang problemang ito. ito na ata ang pinakamabigat na problemang dumaan sa pamilya ko. buhay na kasi ang nakasalalay.
sana matapos nyo pong basahin ang entry na ito, mag-alay po sana kayo ng panalangin para sa amin at sa mga taong gumawa nito sa pamilya ko.
7 kumento
Ipinagdasal na kita, ang iyong pamilya at ang taong gumawa nito...
@ rj,
salamat po! sana matauhan yung mga taong gumagawa nito.
sana maisip nila yung mga taong apektado dahil sa ginagawa nila.
salamat po. biyaya ng Diyos ang mga tulad ninyo na ipinagdadasal ang kapwa nila kahit hindi man nila kilala. :)
yeine,
siguro those angels saved my parents. ako ang pinaka na trauma samin.
natatakot ako. ayoko na silang iwan sa bahay. :( ang laki ng kasalanan ko kung sakaling may nangyaring masama sa parents ko. wala kasi ako bahay that time.
salamat yeine sa prayers. sana malagpasan namin to. eto na ang pinaka matinding problemang dumapo sa pamilya ko. wala sakin kung maghirap kami ng sobra. kakayanin ko. wag lang mapahamak ang family ko. :(
Kapatid na Jay,
I've already been praying for you since we met in Balanga. But now, I promise to pray more for you and your family. All shall be well.
May the Lord bless you and keep you. May He keep you safe and protect you from all harm.
Peace be with you.
Rev. Jhoen..
salamat po!
sobrang kailangan po ng pamilya namin ang panalangin nyo.
pag pray nyo po lagi si papa Rev. sana po malinawan po siya sa bawat steps na gagawin nya para matunton yung nag attempt sa buhay namin..
salamat po. ingat po kayo.
Post a Comment
Facebook Badge
Profile
Nagpapakilala...
ayoko un. Masyadong pormal.
puede din namang Jose. 'wag pala!
pang matanda.
Ipinanganak sa Lungsod ng
Mandaluyong, lumaki at tumanda sa
Lungsod ng Balanga.
bente anyos. walang asawa.
pero may iniibig.
nag-aaral ako sa paaaralan ng
mga Bayani. at gusto ko din namang
maging bayani.
Bayani sa puso ng pamilya ko,
at bayani sa puso ninyo.
[kung paano?, di ko din alam]
Isa akong lider kabataan sa aming
parokya. pero hindi 'kilusan' ang aming
samahan. Isa kaming grupo ng kabataan
ng parokya na nakatutok sa paghubog
sa aming sarili upang maging kapaki-
pakinabang pa sa aming parokya at lipunan.
madami akong problema. natural sa akin
yun.pati kasi problema ng iba, pinoproblema ko na din. Problema ko din
ang patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo, problema ko din ang kahirapan ng Pilipinas, problema ko din ang muling pagbagsak ng ekonomiya
ng Pilipinas. Problema ko yun, dahil apektado ako nito!
mahilig akong kumain. [tumataba na daw ako!] syempre, merong aangal! mahilig sa kape. Adik sa tsokolate. sipuning bata. [kinalakihan ko na 'to eh.]
marami akong gustong maging.
gusto kong maging inhinyero,
ngunit may hangarin din sa pagpapari.
tanong nyo kung bakit di pa ko pumasok ng seminaryo?
Ang sagot: Gusto ko munang maniguro.
nakakahiya atang mapalabas ng seminaryo!
Gusto ko din baguhin ang takbo ng buhay ng pamilya ko. sympre, katulong ko dito ang mga kapatid ko.
teka. di lang pala pamilya ko, buong angkan namin...
at kung gagawing akong instrumento ng Diyos ng pagbabago, aba, gusto ko din baguhin ang mukha ng mundo.
kahit kapalit pa nito'y ang buhay ko...
pangarap, kailan ba kita maabot?
kausapin mo ko...

sa inyo natutunan ang tunay na ibig sabihin ng paglilingkod...
puntahan mo kaya sila....
- Ang mga lihim ni Hudas
- anghel na walang langit
- ayaw ko ng mag blog
- Beyond Borders
- Blissful Bobby-Soxer
- bojoy's portal
- bro.utoy
- canky is me
- Dedpish
- ginger bread
- hUrtfuL.pRey
- inday, ang sosyal na maid
- Insignia
- isang kilong bigas
- j0yo
- khzr4u is twisted
- kliti ng diyos
- kwento ni enday
- magpasawalanghanggan
- mapanuring panitik
- moving along
- mundong parisukat
- prinsesa
- promdiwood
- revsiopao
- romancinghelena
- thought-pollution
- utak munggo
- webmistress
- yeinechan
Facebook Badge
Followers
TAMA NA ANG PULITIKA. KAMI MUNA!

NO to BNPP!

NETWORK OPPOSED TO BNPP

Blog Prayer Brigade

CURRENTLY READING
Labels
- be loved (4)
- love... by Joseph (4)
- Mga kwento at damdamin ni Mang Jose (39)
- pala-palagay ni Jay (10)
mahal ko yan...
Blog Archive

pero mas mahal ko Siya...
Panginoong Hesus ako ay nakikiisa
sa 'Yong walang hanggan at walang katapusang
'sangkatauhang pag-aalay.
Iniaalay ko ang aking sarili sa bawat araw ng aking buhay
At sa bawat sandali ng bawat araw ayon
sa 'Yong pinaka banal at kagalang-galang na kalooban.
Ikaw ang naging alay para sa 'king kaligtasan.
Nais kong ako'y maging alay mg 'yong pag-ibig.
Tanggapin Mo ang aking ninanasa
Kunin Mo ang aking handog.
Malugod Mong pakinggan ang aking hinaing.
Itulot Mong sa 'Yong pag-ibig ako mamatay,
Itulot Mong sa 'Yong pag-ibig ako mabuhay.
Itulot Mong ang huling pintig ng aking puso ay
maging tanda ng isang wagas na
pag-ibig ng isang wagas na pag-ibig.