Posted by Jay in

What a great feeling!
di ko maipaliwanag. tama talaga si Bishop Soc.
HIndi natin mauunawaan ang pagmamahal ng Diyos sa atin.
dahil sasabog ang ating isip, sasabog ang ating puso, dahil napakaliit natin para
maiisp kung gaano tayo kamahal ng Diyos.

Sabi ng isang Heswita sa akin kanina, makakatulong ang journal sa nararmdaman ko ngayon. bagay na nagpangiti sa akin. kailangan kongbuhayin ang blog ko, dahil isa pala ito sa mga makakatulong sa akin.

napakasaya ng maghapon. madaming issues ang nasagot at nalinawan. sana maramdaman din ito ng mga katulad kong nag ddiscern din. sa mga katulad kong nalilito, natatakot. hindi pala pagkalito at pagkatakot ang dapat kong maramdaman, dapat ako ay inspirado. tama naman. salamat sa mga kaibigang pari na nagdadasal para sa akin. salamat sa mga kaibigan na nagpapalakas ng loob. salamat sa Diyos dahil biyaya ang nararamdaman kong ito.
sana patuloy pa akong lumago, lumalim ang kagustuhan na ito, at pagdating ng araw, maialay ko ang buong buhay at pagkatao ko sa lahat ng tao.

Nais kong ialay ang buhay ko hindi sa isang tao lamang, hindi sa isang limitadong grupo, kundi sa buong mundo...

This entry was posted on September 15, 2008 at Monday, September 15, 2008 and is filed under . You can follow any responses to this entry through the comments feed .

3 kumento

yes blogging will help u jay :] ingat sa malolos :] si bloom confuse pa rin tsk tsk pray mo nga sya para hndi n mxado isipin ung engeng sa guy naun :]

7:30 AM

Hi Jay. Discovered your blog from Fr. Duds. Natutuwa ako sa mga nasulat mo na, nakakarelate kasi ako. We appear to be having the same ordeals pagdating sa bokasyon. Para kasi akong nagtitinikling, sinasawsaw ko lang ang paa ko pero hindi ko tinutuloy pumasok (sa seminaryo). Nandoon na aalis pa. Nag-apply na ako sa mga Salesyano last year (sa tulong din ni Fr. Duds, Teacher ko siya nung High School ako sa Don Bosco), na-assign muna sa Don Bosco Pampanga, pero hindi ko tinuloy pumasok sa Seminaryo sa Canlubang this school year. At ngayon, napapaisip ulit ng Hmmmm? Taga dito lang din ako sa Balanga, malay mo magkasalubong tayo minsan. At malay mo, makasabay pa sa paglalakbay. Malay lang. hehe.

10:51 PM

o my God! mr. inton. taga balanga ka? san dito? kung gusto mo ko matagpuan, punta ka lang ng cathedral. kahit sa guard mo lang itanong, kilala ako nun. madalas nasa office ako ng youth.

malamang takot ka din? sayang naman. siguro kung ako ung nandun na, d na ko aalis pa. tinuturing ko na na magiging buhay ko un ngayon pa lang. wag kang matakot. saka sa mga katulad natin, kailangan natin ng spiritual director. i suggest na magpakilala ka kay fr. perry,parish priest ng cathedral. matutulungan ka niya!

baka hindi lang buhay salesyano ang tugma, try mong mag search in sa ibang congregation.

ipagdadasal ko na makasama nga kita. [sana] para magkaroon naman ng seminarista ang cathedral. if you want you can join us sa Parish youth ministry. para marami ka din makilalang priest that could help you sa pag discern. pag dasal natin ang isa't isa.

goodluck satin. :)

12:01 PM

Post a Comment