Posted by Jay

NO TO REVIVAL OF BNPP

[EDITED MULA SA PASTORAL LETTERS NG AMING OBISPO.]

http://balangadiocese.org/Bishop%27sMessages/dapatmalaman.html

http://balangadiocese.org/Bishop%27sMessages/nuclear2.html


ANG MGA PANGANIB NG NUCLEAR POWER PLANT SA BATAAN.

Toxic Materials ang ginagamit sa nuclear power plant. Maaring magdulot ng leukemia. NAKAMAMATAY! Nakapagdudulot ng sakit kahit walang tagas ang Nuclear plant.

Aksidenteng dulot ng pagkakamali ng tao. Libo-libong tao ang maaring magng biktima dahil sa maaring maging pagkakamali ng pagpapatakbo ng tao.

Aksidente dahil sa hagupit ng kalikasan. Ang BNPP ay nakatayo malapit sa Mt. Pinatubo at Mt. Natib.

Nuclear Wastes. Ang toxic nuclear waste ay mapanganib sa kalusugan kahit daan-daang taon ang makalipas. Kahit ibaon sa lupa, maaring gumalaw ang lupa at sumingaw ang nuclear wastes.

Target ng terorista. Magandang target para sa mga terorista sapagkat maraming masasaktan at mamamatay.

SINO ANG MAKIKINABANG SA NUCLEAR POWER PLANT?

- Sampung kilometro lamang ang layo mula sa bunganga ng bulking Natib ang kinatatayuan ng BNPP.

- Wala tayong Uranium sa Pilipinas. Kailangan nating umangkat ng uranium sa ibang bansa tulad ng pag-angkat natin ng petrolyo sa ibang bansa. At di hamak na mas mahal ang uranium. Hindi ito pagbuti sa kabuhayan sapagkat mananatili tayong umaasa sa ibang bansa.

- Nagbubuga ng toxins at ito’y makapipinsala sa tao, hayop at halaman.

- Gagastos ng $1billion dollars para makumpuni. Ayon sa ilang nakaaalam na tao, 20% ng budget ng pamahalaan ay napupunta sa graft and corruption. Ilang tao kaya ang yayaman sa proyektong ito? Hindi naman gobyerno ang magbabayad, taong bayan din ang mananagot nito.

Ilabas natin ang katotohanan! Hindi naman yata ito malinis na pagnanais na makatulong. Mayroon nanamang nais yumaman kahit mahirap sa kababayad ang taumbayan.

HINDI TAYO ANG MAKIKINABANG SA NUCLEAR POWER PLANT!

Para sa pamahalaan at negosyante, maganda ang propaganda ng nuclear power plant. Subalit may mga tanong na wala pang tiyak na sagot.

LIGTAS BA ANG TAO SA TOXIC MATERIALS? TIYAK BANG HINDI MAGKAKAMALI ANG TAONG BANTAY SA NUCLEAR PLANT? TIYAK BANG HINDI PUPUTOK ANG BULKANG NATIB? TIYAK BANG HINDI MAGKAKALINDOL SA MORONG? ALAM NA BA KUNG SAAN ITATAGO ANG NUCLEAR WASTE?

Ang pag gamit ng nuclear power sa ibang bansa ay nagiging tukso pa upang maglunsad ng nuclear arms ang maraming bansa.

ANG NUCLEAR PLANT AY BANTA SA KAPAYAPAAN NG MUNDO. ITO AY PANGANIB SA BUHAY NG TAO. HINDI NUCLEAR PLANT ANG SAGOT SA KRISIS NG MUNDO.

ALAMIN ANG TOTOO, MANINDIGAN LABAN SA NUCLEAR POWER PLANT!

KAYO PO AY INAANYAYAHAN DUMALO SA ISANG PRAYER RALLY UPANG MASUGPO ANG PAGBUBUKAS NG NUCLEAR POWER PLANT SA BATAAN. ANG RALLY AY GAGANAPIN SA HARAP NG KATEDRAL NG SAN JOSE SA BALANGA. IKA-23 NG PEBRERO. (LUNES) SIMULA IKA-4 NG HAPON.

ANG MGA KABATAAN AY MAGTITIPON SA TUYO(FOUR LANES), 2:00PM AT MAGMARCHA PATUNGONG KATEDRAL.

Kabataan ng Bataan, manindigan!
bahagi tayo ng Simbahan, ng pamayanan... Sinisimbolo ng isang bangkang patuloy na naglalayag sa gitna nang malawak karagatan...
SAGWAN tayo!
Huwag lamang umayon sa maling daloy nang tubig... Walang masamang sumalunga para sa tamang tahakin at malinis na hangarin..

ANG LABAN NA ITO AY LABAN NG BATAAN, MAIPAPANALO NATIN SA BATAAN, DAHIL DIN SA ATING MGA TAGA BATAAN.

KUNG KAYO PO AY MAY MALASAKIT SA BAYAN, LUMABAS AT DUMALO PO TAYO AT MANINDIGAN.

This entry was posted on February 17, 2009 at Tuesday, February 17, 2009 . You can follow any responses to this entry through the comments feed .

2 kumento

kailan ang rally?
gustong kong sumali.
kaso, alam mo nmn, im otc.
mag pray na lang ako from here. =D

2:14 AM

@roland,

naku. tapos na po. nung feb.23 pa..
e kaso, kung ipipilit nilang buksan, malamang may kasunod.
at people power na sa bataan ang kasunod.

hindi talaga maari ang BNPP.
kuya, mas malakas naman ang prayers. at mas kelangan po naming mga taga bataan ang prayers dis time.
salamat po. :)

9:46 AM

Post a Comment