YOU'RE MY YOU!
ang tagal kong namahinga!
pero nagbabalik ako muli dahil may okasyon!
birthday ko? mali.
siret na?
46th month namin ni Jara ngayun! isang malaking okasyon para sa akin.
wala bang emoticon ng dance diyan?
at dahil 46th month namin ngayon, ibig sabihin 1380 days o .33120 and 24 minutes ko na siyang kasama. at yun ay labis kong ipagpapasalamat sa Diyos sa araw-araw.
sabi mo:
"maraming beses nag-away tayo sa mga walang kwentang bagay. at maraming beses,natatapos din sa isang sorry... paulit-ulit ko man sigurong pasalamatan ang Diyos, di parin sasapat. napakamahal ko kasi eh! sa ika-1380 ng buhay ko na kasama kita, maraming salamat! marami pang dadaan na pagsubok, iiyak pa tayo ng madalas, at magiging masaya pa araw-araw. lahat ay puno ng kahulugan. lahat ay pinuno ng pagmamahal. lahat ay dahil lang sa Diyos. hindi natatapos ang lahat sa alaala. dahil hanggat naniniwala tayo sa puso natin, magiging biyaya ang lahat. MAG THANK YOU KA!"
sabi ko naman.
maraming rason para magpasalamat, pero eto lamang ang iilan.
pinapalakas niya ang loob ko sa bawat pagsubok.
nakasuporta sa bawat araw.
nagmamahal pa din sa kabila ng distansya.
hindi nagsasawa kahit marami ng iyak at saya ang nagdaan.
hindi nag-iiwan kahit maraming dahilan para gawin.
nagtitiyaga sa bawat pagkakataon.
nagpapasaya kahit naubos na ang dahilan para ngumiti.
nagbibigay ng inspirasyon kapag nauubusan na ng dahilan para
umasa.
gusto kong ipaalam sa lahat na
malaking bahagi ka ng buhay ko
at isisigaw na binigyan mo ng kulay
ang mundo ko!
kasama kita sa mga luha
at ikaw ang dahilan ng pag asa.
walang anuman kung mapaos ako sa pagsigaw
o maubos ang boses. ang mahalga marinig mo, at
marinig nila, SALAMAT SA IYO!
mahalaga ka sa bawat araw.
di ko man masabi sa iyo ngayon ng harapan,
ganunpaman, marinig mo
parin sana kung gaano ka kahalaga.
naalala ko sabi ko dati 2years ago,
"HIndi hadlang ang layo ng Baguio sa Bataan."
madalang man ang pagkikita. pero walang nabago.
lalo kang napamahal sa akin.
Salamat, salamat!
Every Romeo has a Juliet
Wishful thinkers have their stars
Hopeless romantics each have a love song
Played on their guitars
But you, you're everything
This foolish heart could ever define
Every wish, every dream, every prayer come true
I feel so blessed to call you mine
You're my you, even more
No one else I'll adore
You're my you, in my mind
Simply one of a kind
You're the one who never fails to brighten my day
My princess in every fairytale
You're my mornin' 'til night
Such a beautiful sight
You're my you.
marahil ang iba sa inyo ay nagtataka. madalas niyo kasing mabasa sa
blog na ito ang tawag ng bokasyon. pero ngayon, eto ako at sobrang
in love.
malaking malaki ang ambag ni jara sa lalong pagkakalapit ko sa Kanya.
at hindi ko iyon maipagkakaila at labis kong ipagmamalaki sa buong mundo!
nasa tabi mo ako palagi. madalas ako ang mahina sa atin.
madaling bumigay. mahina ang loob.
pero asahan mong nasa likod moparin ako palagi.
i promise to love you more, serve you more and
to make you happy everyday for the rest of your life.
salamat muli jara!
lagi kang kasama sa bawat panalangin sa araw-araw.
21 kumento
BRo naiiyak ako sa post mo. 46th month din daat namen ngayun ng ex ko. pero hinde yan ang dahilan kung baket ako naiiyak, iilan nalang kase ang mga lalakeng ganyan ang magmahal.
Jara is so blessed to have someone like you. I'm prettu sure God is so pleased with the love you guys are giving each other.
Masarap magserve kay Lord kapag kasama mo sa ministry ang taong mahal mo, at hinde ka nya kokontrahin sa mga ginagawa mo.
keep up the good work Kuya. Happy monthsary senyo ni Jara. :)
huwaw! at ang bilis ng comment ng dalawa! updated.
j0y0! kababayan. salamat nalang at walang engoticon na (unsure) sa blogger. hahaha.
salamat j0y0. pagdadasal ko din ang lablayp mo. para hindi na puro (unsure) ang smiley mo.. para totoong smile na! naks! :D
joycee: kapatid. waah. tignan mo nga naman ang pagkakataon. haay. ok lang yan joycee. hindi biro ang 46 months. malay natin maayos pa.
will pray for you kapatid. wag ka ng umiyak.. sayang walang emoticon na (cozy) haha.
stay safe kapatid.
hasus. pareho atang walang lablayp ang first commenters ko. haha. ingat kayung dalawa lagi. salamat. :)
salamats kuya. :)
dadating din yung right one for me, i belive.
stay happy and in love! :)
joycee:
tama! all shall be well..
pag dadasal ko lab layp mo kapatid. hehe.
_________________________
may nararamdaman ako, mukang wala ding lablayp ang next commenter ko. hahaha.
abangannn! hahaha.
WAAAAAAAAAAH!
XOXO HAPPY!
VERY GOOD JOB BUNSO!... lam kong lahat ng mga nasa blog mo galing lahat sa kaibuturan ng puso mo... (anu daw?!)
SA WAKAS! naipagtanggol din ang Bunsoin ko... Hahaha!
yung isa dyan... nakowww.... bumaha na sa baguio... di lang namumula yan sa kakaiyak... nikikilig din yan oh... hahaha... may byahe ba ngayon pauwi ng bataan? ahehehe...
HAPPY MONTZARI SA MGA BUNSO KO!
TO ALL... dey were both blessed to have each other... ^_^
Secret weapon ng dalawa?? i think because... may third party... opppsss... wanna know hu???
...hu else...?
...si Papa Jesus! ^_^
...sa relationship nila... kasama nila si Papa Jesus eh... kaya ganyan katatag yang dalawa... keep it up mga bunso ko!
Love you Both!
mwahugz!
waaah... bakit ganon last comment mo bunso... ala q lablayp...?
hahaha! dapat pala di muna ko nagcomment... huhuhu...
sakto?! ^_^
ate shayne!
o dba? tama ko? walang lablayp ang next commenter. hahahahhaahhahaha!
apir!
siyempre joke lang yun.haha
umaasa pa din kami ni jara na maayos kayo ni kuya jayson.. :D
salamat ate.. salamat po sa pagiging malapit samin ni jara!
iloveyou ate.
at para sayu din ate, all shall be well.
goodluck sa conference ate!
great job!
pwedeng pwede ng mag
DIOCESAN YOUTH COORDINATOR.
bagay kasi talga yung position na yun sa mga single ate. para walang sagabal. hahahhaa. :)
ingats ate. goodnight. :)
ate shayne ulit.
nagkataon lang po yun. hahahahhhahahha!
bunso... ano ba talaga... lablayp? o dycc? hahaha!
naguluhan aqu sa reply mo sa comment ko ah... hahaha!
***lagi na lang bang co-incidence lang? lolz...***
(annoyed)sino may sabing wala akong lablyp... parang gusto ko tuloy bawiin ang comment ko...
naks!
happy 46th month sa inyo...
dito rin pala sa baguio nag-aaral si ate jara?
hmmm...
anong school?
baka schoolmate pala kami!
hakhaK!
eloiski:
salamat ha.. :) baka nga! pero engineering ka dba? may engineering ba sa UP Baguio?
UP Baguio si jara.. :)
j0y0: sorry naman.
sige binabawi ko na kababayan.
may lab layp ka. :D
Naks very promising pala ang lablayp ng baby bro ko! Howel ano pa nga ba masasabi ko kundi I'm very happy for you jay...kakasawa na rin kasama mga sawi sa pag-ibig tulad ni joycee wahehe jowk lang.
Ingatan mo yan...alagaan. Hindi man biro ang halos dalawang taon...pero marami pang darating na pagsubok. Wish kong tumagal pa yan...at sana God will always bless you both and your relationship. Labyu!
hwaw. kilig! haha
asteeg!
:D
waaaaa super nahuli ba ako?waaaa happy naman nkakatouched n entry father jay, and i admire the both of you for being strong for each other inspite of the distance and misunderstandings, she is blessed to have you and you are blessed to have her as well :) keep safe and stay happy, deserved nyo un pareho :)
"kung tunay nga talaga ang pag mamahalan ng dalawang mag irog kahit ilang libong spartan pa ang humadla kering keri nyong lagpasan..." ^^
Happy monthsary nga pala sa inyo...
sana libong taon pa... ahehehe
pahabol :) happy 46th! enjoy life together and stay in love with each other and with God :)
wow kakatouch naman..nahuli yata ako sa comment..hehehe...keep the love on fire bro..basta laging tandaan ang limitations...be good and responsible enough for all your actions... ingat lagi..
GODBLESS
ang galing! :D
nga pala, ang ganda ng picture nyo :) nakaka inlab!
Post a Comment
Facebook Badge
Profile
Nagpapakilala...
ayoko un. Masyadong pormal.
puede din namang Jose. 'wag pala!
pang matanda.
Ipinanganak sa Lungsod ng
Mandaluyong, lumaki at tumanda sa
Lungsod ng Balanga.
bente anyos. walang asawa.
pero may iniibig.
nag-aaral ako sa paaaralan ng
mga Bayani. at gusto ko din namang
maging bayani.
Bayani sa puso ng pamilya ko,
at bayani sa puso ninyo.
[kung paano?, di ko din alam]
Isa akong lider kabataan sa aming
parokya. pero hindi 'kilusan' ang aming
samahan. Isa kaming grupo ng kabataan
ng parokya na nakatutok sa paghubog
sa aming sarili upang maging kapaki-
pakinabang pa sa aming parokya at lipunan.
madami akong problema. natural sa akin
yun.pati kasi problema ng iba, pinoproblema ko na din. Problema ko din
ang patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo, problema ko din ang kahirapan ng Pilipinas, problema ko din ang muling pagbagsak ng ekonomiya
ng Pilipinas. Problema ko yun, dahil apektado ako nito!
mahilig akong kumain. [tumataba na daw ako!] syempre, merong aangal! mahilig sa kape. Adik sa tsokolate. sipuning bata. [kinalakihan ko na 'to eh.]
marami akong gustong maging.
gusto kong maging inhinyero,
ngunit may hangarin din sa pagpapari.
tanong nyo kung bakit di pa ko pumasok ng seminaryo?
Ang sagot: Gusto ko munang maniguro.
nakakahiya atang mapalabas ng seminaryo!
Gusto ko din baguhin ang takbo ng buhay ng pamilya ko. sympre, katulong ko dito ang mga kapatid ko.
teka. di lang pala pamilya ko, buong angkan namin...
at kung gagawing akong instrumento ng Diyos ng pagbabago, aba, gusto ko din baguhin ang mukha ng mundo.
kahit kapalit pa nito'y ang buhay ko...
pangarap, kailan ba kita maabot?
kausapin mo ko...

sa inyo natutunan ang tunay na ibig sabihin ng paglilingkod...
puntahan mo kaya sila....
- Ang mga lihim ni Hudas
- anghel na walang langit
- ayaw ko ng mag blog
- Beyond Borders
- Blissful Bobby-Soxer
- bojoy's portal
- bro.utoy
- canky is me
- Dedpish
- ginger bread
- hUrtfuL.pRey
- inday, ang sosyal na maid
- Insignia
- isang kilong bigas
- j0yo
- khzr4u is twisted
- kliti ng diyos
- kwento ni enday
- magpasawalanghanggan
- mapanuring panitik
- moving along
- mundong parisukat
- prinsesa
- promdiwood
- revsiopao
- romancinghelena
- thought-pollution
- utak munggo
- webmistress
- yeinechan
Facebook Badge
Followers
TAMA NA ANG PULITIKA. KAMI MUNA!

NO to BNPP!

NETWORK OPPOSED TO BNPP

Blog Prayer Brigade

CURRENTLY READING
Labels
- be loved (4)
- love... by Joseph (4)
- Mga kwento at damdamin ni Mang Jose (39)
- pala-palagay ni Jay (10)
mahal ko yan...
Blog Archive

pero mas mahal ko Siya...
Panginoong Hesus ako ay nakikiisa
sa 'Yong walang hanggan at walang katapusang
'sangkatauhang pag-aalay.
Iniaalay ko ang aking sarili sa bawat araw ng aking buhay
At sa bawat sandali ng bawat araw ayon
sa 'Yong pinaka banal at kagalang-galang na kalooban.
Ikaw ang naging alay para sa 'king kaligtasan.
Nais kong ako'y maging alay mg 'yong pag-ibig.
Tanggapin Mo ang aking ninanasa
Kunin Mo ang aking handog.
Malugod Mong pakinggan ang aking hinaing.
Itulot Mong sa 'Yong pag-ibig ako mamatay,
Itulot Mong sa 'Yong pag-ibig ako mabuhay.
Itulot Mong ang huling pintig ng aking puso ay
maging tanda ng isang wagas na
pag-ibig ng isang wagas na pag-ibig.