Posted by Jay


A LETTER FROM JARA

hindi ko alam kung anong anghel ang kumakalabit kay Jara. na tuwing kailangan ko yung advices niya, bigla nalang siyang nandyan ng di ko inaaashan.

this letter was sent thru email again.
and you know what? this letter was sent last July 16, 2009 pa pala.
at hindi ko alam kung anong nangyari. bakit hindi ko nabasa to.
at hindi ko rin alam kung anong anghel ang kumalabit sakin
para mab browse muli ng emails ko.
ngayun pa.
ngayon pa na sobrang kailangan ko yung mga salita na binitawan nya sa sulat na to.


01:42,150709

What gets you out of bed in the morning? Ü

What are you in love with, what seizes your imagination, will affect everything. It will decide what will get you out of bed in the morning, what you will do with your evenings, how you will spend your weekends, what you read, who you know, what breaks your heart, and what amazes you with joy and gratitude.”

I know it will be a narrow road, and it won’t be easy.

I didn’t know what to expect.

I read again the message of Bro. Utoy from your blog, “I understand your apprehension basta tungkol sa vocation. Tama ka, hindi mo ito basta-basta madi-discuss kahit kanino nang di sila maiilang, maguguluhan, magdududa o mawawalan ng interest. At ang hirap ngang humanap ng taong makakausap tungkol dito, yung tipong sisiryoso at mag-eencourage sayo. And to think, this is the time when you needed all the the support and prayers you can get.”

Haauy. Immediately, I sensed a boo-boo moment. Was it inner peace? I later learned why.

Love kept us going.

Haauy.

Remember, how God fixed and prepared everything in fine, appreciating life as we see it through our eyes. Then suddenly, God surprises us, share that corner until it became our world. Pym was shared and became our second family.

Our four years being together went by smoothly. We were best friends. We could cry and laugh together. ü

It was battle inside- to let go or hold on. It was a total wreck.

Paulit ulit akong kinukulit ng isip kong balikan ung mga panahong nakaupo lang tayo nagkwekwentuhan, nagtatawanan, nagkukulitan, ung kapeng pinagsaluhan natin nung kahapong Masaya tayo, ung mga istorya mo, pati mga luhang, ewan ko ba, bigla nalang pumapatak.

Tapos Isang araw…….

haay..

… parang ang layo na.

Literal malayo nga, nasa Baguio ako, nasa Bataan ka. Ilang milya rin yun. Pero hindi lang pala sa milya masusukat ang distansya… pagkagising ko kahapon, eto na :’(

I had tears in my eyes reading your blog how people loved you at your hour of need. At paulit ulit kong naririnig ung bokasyon, bokasyon.

……..haay. BOKASYON.

Natawa nalng ako bigla, bakit kasi iniiwasan kong pakinggan e assigned tone ko nga pala yun para sayo.

Oo, at Pinagdarasal kita.

Ako na ata yung pinakamadalas mong paglabasan niyan. Ako na ata ang pinakamadalas makarinig niyan. Ako na ata ung madalas mong iyakan sa nararamdaman mo.. Ako na yata ang laging magsasabi, “mahal na mahal ka ng Diyos at maswerte ka dahil mas mahal na mahal ka pa Niya ngayon.” Hindi to ordinary sa isang girlfriend, ang weird. Oo ang weird talaga, kahit ako nawiwirduhan talaga. Pero pinakamasarap na paguusap natin, tuwing umiiyak ka sa harap ko, nahihirapan, naguguluhan, natatakot. Kasi naman mas nakikita kong, bukas, Magpapari ka.

Lord said, “…Look, I am going to seduce him, lead him into desert and speak to his heart…”

I whispered: You have seduced him, Lord, and he let himself be seduced, so be it!”

Totoo, naniniwala rin ako na may bokasyon ka. Sa mahabang panahong pagkakakilala ko sayo hindi ka sumusuko sa nararamdaman mo. Hindi mo titiisin yung galit ng magulang mo tuwing uuwi ka galing sa simbahan, *pagod, gutom, masama na yung pakiramdam kung walang nagtutulak sayo. Hindi ka makakaramdam ng kagaanan sa paglilingkod at hindi ka magkakaganyan kung walang napakalaking nagtitiwalang Diyos sayo.

May halong lungkot at pagtatanong sa puso ko nung binabasa ko yung blog mo.

“Di mo magagawang pumunta ng lihim sa Manila for a vocsem kung walang grasya ng Diyos na nagpalakas ng loob mong gawin yun.”

Oo nga. Hindi mo magagwa yun kung hindi ka nagaalab sa tawag Niya. Oo nga hindi mo magawa yun dahil nanghihina ka nga eh pero dahil sa grasya ng Diyos, nagkaroon ka ng liwanag, nagkaroon ka ng lakas ng loob.

Jay. There is one person out there just for you- His name is Jesus, and He wants the best for you.

Discover in prayer how God wishes you to act.

Discern more. [it’s the feeling that we discern, not just the ideas.]

DECIDE.

[[ don’t discern forever sabi nga ni Bro Utoy “there is never really the right time. We can always say, di pa ako ready kasi kailangan ko pang mag-grow up, kailangan kong tulungan ang family ko, kasi nandyan pa si Sugar, kasi ganito, kasi ganyan. Kapag ganun ang mindedness, tatanda ka na lang eh hindi ka pa rin makakapasok.” Ang galing. Fall in love, stay in love and it will decide everything. ]]

About the signs thingy,

I agree again with Bro. Utoy, look at the signs, moreover, signs are to be tested. Don’t just decide based only on signs because devil can also produce all those signs. -Fr. Green

………………………………………………………………………………………………………………………………………………………………….

Haaay.

I’m happy nilalabas mo tong nararamdaman mo sa mga kaibigan, perhaps thru blogging, para hindi lang ikaw yung nagdadala. Continue seeking spiritual direction from somebody more experienced. Ang dami ko ring natutunan sa sinabi ni Bro. Thank you sa mga katulad Niya, he spoken like Erps. :))

I know it will be a narrow road, and it won’t be easy.

Jay, sa huli kalooban pa rin ng Diyos, wag kang magalala, wag kang matakot, wag kang malungkot. Anu pa man, palagi lang kaming nandito, palagi lang rin akong nandito. Pamilya tayo di ba. Makakaasa ka sa mga panalangin ko. Hindi man madalas ako ung nahihingan mo ng lakas ng loob at sinu nga ba naman ako sa lakas na maibibigay Niya, makakasiguro kang kasama mo ko sa paglalakbay. Hindi nga lang tayo nakaksiguro kung hanggang saan, hanggang kailan. Maraming nagdadasal para sayo. You’re very much loved Kuya, Jay.

Till here..

For the one called, it is being loved by Christ that moves us to get out of bed in the morning.

Fall in love, stay in love and it will decide everything.

P.S.

hindi ko magawang magkomento sa mga sulat mo. hindi rin kasi ako magaling dito. never rin atang lumabas sa bibig ko ang mga to. Masaya lang ako ngayon. Basta.. lucky day today. Ok tayo. :’)

Lord said, “…Look, I am going to seduce him, lead him into desert and speak to his heart…” I whispered: You have seduced him, Lord, and he let himself be seduced, so be it!”

Lucky day today and I know you know what I mean. ü

I believe that there’s much more into you na hindi ko pa nakita sa loob ng apat na taon at siyang manghihingi ng atensyon mo ngayon.

*nga pala, hindi ka expressive eh pero this time you expressed more than enough.

Magpapaka-fan na ko. ang galing ng mga sulat. Ang galing mo magsalita. God is in you. ü

May potential ka!. :))

You are The Best. ü

jara.. ü


thank you so much jara.

thank you for always being there.

please keep on praying for me.

hindi biro yung pinagdadaaanan ko ngayon.

kakaiba mag iwan ng test si Lord.

at palagay ko bumagsak ako. :(

akala ko decided nako. then suddenly.

di ko alam ang nangyari.

mukang kailangan ko pa ng mahabang panahon to decide, to discern.

i hope to find my place, so my life can fall in place.

i know in time i'll find place, in the greater scheme of things!


 

Posted by Jay


LOVE WHAT IS IN PAIN...


isang buwan ang nakalipas, nang sabihan ako ng parish priest ko ng isang sekreto.
ang paring matagal na nawala, na itinuring na kapatid ng tatay ko, ay bumalik na.
kaya lang, may malubhang sakit sa puso.

sa loob ng isang buwan, ako ang nagbantay sa kanya sa ospital kapag walang klase. ako ang tinatawagan nya kapag may kailangan sya, o kaya naman ay walang makausap.

pare-pareho ang text messages nya sa akin, "anong oras ka pupunta dito?"

nung isang linggo, ay lumala ang sakit nya. hirap sa paghinga. pero hindi ko inisip na ito na ang huling Linggo na sasamahan ko sya sa kanyang paghihirap.

sabado ng umaga, kahapon, pinalabas nya ang kasama kong bantay.
kahit hirap sa paghinga, inalis nya ang oxygen, para makausap ako ng maayos.
"Hindi na ko magtatagal, malapit na kong mamatay. masaya naman ako dahil nakapaglingkod ako sa Diyos at sa tao. ito ang kapalaran ko, hindi na ko magtatagal. I am ready to face the Lord. handa na ako. wag kayong malungkot sa pag alis ko. nakahanda na akong humarap sa kanya. pinauwi ko na rin ang mga kapatid ko sa Quezon, ayokong makita nila akong nahihirapan."

parang sasabog ang puso ko sa sakit. hindi ko alam na masasaktan ako ng sobra sa pamamalaam nya saken. ang alam ko lang na kuneksyon naming dalawa, malapit sya sa tatay ko. bukod dun wala na. pero sa pagkakataong iyon, parang mas naging malapit pa ko sa knya kesa sa lahat ng tao. nabigyan ako ng pagkakataon na magpaalam nsya saken.

mabigat ang maghapon. pero pilit pinagaan. nakuha pa namin mag picture-picture. pero alam ko, anu mang oras, maaaring bigla nalang tumigil ang puso nya sa pagtibok. maaring bigla nalang nya kong iwan mag isa sa kwarto.

kinabukasan, maaga ko syang pinuntahan sa ospital. alas-sais ng umaga. para bang may kung anong tumulak sa akin para puntahan sya agad. parang namiss ko na din sya. nakita ko sa pinto, "NO VISITORS ALLLOWED."

pinalabas ulit nya ang kasama kong bantay, at muli. nag paalam sya. yun na ang huli nyang pamamaalam sakin. sinabi nya lang ulit na malapit na syang mamatay. inutusan nya kong tawagan ang mga pamangkin nya at sabihin na umuwi na din sila ng Quezon. sumunod ako. pero hindi naman sumunod ang mga pamangkin.
pagkatapos kong tawagan ang mga pamangkin nya, hinananap nya sakin si Papa.

"nasan ang papa mo? hindi ba pupunta? sabihin mo pumunta dito."

alam ko na na magpapaalam na din sya. pagpasok ni papa, nagsalita si father alfred.
"jay, sabihin mo na."
..."ano pong sasabihin ko?"
"sabihin mo, nanghihina na ko, malapit nakong mamatay."

tumulo ang luha ni papa pagkarinig nun. mawawala ang pari na itinuring nyang kapatid.
matagal na panahon na hindi nagsisimba ang tatay ko, puro bisyo.
pero si father alfred ang nagpabalik sa kanya sa simbahan.

nagpipigil ako ng luha ng mga oras na yun. kitang kita ko kay papa na nasaktan sya. kitang kita ko kay fr.alfred na hindi nya kayang magpaalam kay papa. ipinadaan pa nya sakin.
si papa ang huling request ni fr.alfred na tao na gusto nyang makausap.

alas-nuebe ng umaga, dinala sa icu si father. ang alam ko lang, hirap sya sa paghinga. pero nakakatayo sya. nakakalakad. nakakahiga mag isa sa kama sa ICU.

alas-dose ng tanghali, sinamantala ko ang pagkakataon na makatabi sya sa loob ng ICU. nag mano ako sa kanya.
sabay sabi " father, pagdasal nyo din po ako. gusto ko ding maging pari tulad nyo."
tumango siya. hindi ko na napigil.
lumabas ako at lumayo sa mga kamag anak nya. at nag iiyak na parang bata.
sinundan ako ng pamangkin nya at tinulungan lang akong umiyak!

ang sakit sakit. di ko namalayang napamahal din ako sa kanya.
alas dos ng hapon, may paring dumalaw na may malubhang sakit din. isang matandang pari na malapit din sa akin.
LOLO MONSI kung tawagin ko sa kanya.

lumabas ako ng ICU para bigyan ng privacy ang pag uusap nila.
pero ipinatawag ako ni father alfred. dun lang daw ako sa tabi nya at hawakan ko ng oxygen nya.
sabi ko kay father, "dito lang ako sa tabi nyo. di ko kayo iiwan. lakasan nyo ang loob father. "

di napigilan ang tulo ng luha ko ng pagmasdan ko ang pangyayari.
isang matandang at malubhang pari, binibigyan na ng lakas ng loob ang isang
pari na nag-aagaw buhay.

maya-maya, nagdatingan ang iba pang kamag-anak at kapatid ni father alfred.
pinalabas ako ni father alfred para sabihin na papasukin isa isa ang kamag anak,
sisilipin lang sya. at lalabas na.

pinapirma na din ang mga kapatid na hindi na kakabitan ng tube si father, anu man ang mangyari.
si father alfred mismo ay ayaw ng magkapakabit ng life support. kung hindi naman sya gagaling sa life support, wag nalang daw.

mga alas tres at kalahati ng hapon, ayw nya ng magpaoxygen. inaalis nya na ang kamay ko. iniiwas na din nya ang muka ko. ayaw na nyang mag oxygen. nagsumbong ako sa nurse na ayaw nyang mag oxygen, pero walang magawa ang mga nurses.
nagsalita si father alfred. "tama na please. nahihirapan nako. gusto ko ng magpahinga. lalo lang ako nahihirapan sa oxygen."

"JAY, LUMABAS KA NA. "

wala akong nagawa. kundi magsumbong sa mga kapatid at kamag anak. pero wala na. desisyon na iyon ni father alfred.
15 mins later, nakita kong nagkakagulo na sa loob.
pumasok ako.
na cardiac arrest na si father.

tinawagan ko si bishop at ang parish priest para sa instructions.
Isang CPR lang ang gagawin. pag hindi na revive, tama na.

wala na kong mailabas na luha. ang bilis ng pangyayari.
dumating si bishop at inutusan akong ihanda ang mga isusuot ni father alfred.
at dalin sa funenaria. doon na kami nagkita ulit ni father alfred. maputla at malamig na sya.

wala na talaga sya.

nahihirapan ang kalooban ko ngayun sa nangyari.
nasasaktan ako dahil namimis ko sya.
nasasaktan ako dahil nasanay akong kasama ko sya araw araw.

pero masaya na din ako. dahil alam kong payapa na sya. hindi na sya hirap sa kanyang karamdaman.
nakapag picture pa kami ni father alfred bago sya dalin sa ICU.

 

Posted by Jay

A letter from Bro. Utoy

this letter was sent thru email last march pa.
and i decided to post it here.
binasa ko ulit yung letter, at sobrang gumaan talaga ang pakiramdam ko..

to bro.utoy, kung mababasa mo po ito., sorry..
di ko na napagpaalam po sayo..
pero gusto ko lang po i share yung letter nyo.
i believe meron din po kahit papanong reader na napapadpad
dito na naghahanap din ng answer about their vocation..
baka makatulong po..
at sobrang happy talaga ko everytime i read this letter.
[hindi po bola yun ha?]


so heres the letter..
__________________________________________________________________


Dear Jay,

Peace!
I decided to answer your comment through e-mail kasi baka magtanong ang iba, bakit yung comment mo lang ang sinagot ko. mahirap na't baka mabawasan ang aking lilimang readers.ü


I understand your apprehension basta tungkol sa vocation. Tama ka, hindi mo ito basta-basta madi-discuss kahit kanino nang di sila maiilang, maguguluhan, magdududa o mawawalan ng interest. At ang hirap ngang humanap ng taong makakausap tungkol dito, yung tipong sisiryoso at mag-eencourage sayo. And to think, this is the time when you needed all the the support and prayers you can get.


I went to your blog and read your lenten reflection on wine. ang galing ah. that piece shows that you're wise and mature beyond your years. Dahil dun, alam ko na hindi mo kailangan ng payo. Just like everyone else, just like me, just like Matthew at the tax collector's table, kailangan mo lang ng affirmation. Still, let me say my piece about your vocation. I do not know you personally, but I do believe you have a call. Totoo, naniniwala ako na may bokasyon ka. Isipin mo na lang, Jay, you won't have this much interest on becoming a priest kung walang nagtutulak sayo. You won't be so fired up about the Church kung walang nag-inspire sayo. Di mo magagawang pumunta ng lihim sa Manila for a vocsem kung walang grasya ng Diyos na nagpalakas ng loob mong gawin yun. You really are being lead to this call, you are being guided to something greater than what you imagine. Di ko sasabihin kung mali yung Jesuit o si Bishop about signs. Ito lang ang sasabihin ko. Don't look for signs. Look AT the signs. You don't have to ask God for signs. God has already given you them to you, you'll only have to be sensitive enough to see them.


As for the big decision, there is never really the right time. We can always say, di pa ako ready kasi kailangan ko pang mag-grow up, kailangan kong tulungan ang family ko, kasi nandyan pa si Sugar, kasi ganito, kasi ganyan. Kapag ganun ang mindedness, tatanda ka na lang eh hindi ka pa rin makakapasok. Don't wait for all things to get resolved, kasi walang katapusan yan. Go kung go! Things will take care of itself along the way. Let the dead bury the dead, sabi nga ni Kuya Jesus. Anytime that you choose, basta pinagdasalan at pinag-discernan at hindi isang decision made during turbulent times, right time iyan, Jay.


Jay, I don't promise na magiging pari ka nga in the end. Di kita ganung kakilala para masabi ko yun. Ikaw pa rin ang makakasagot nyan.. But I can assure you, I'll pray for you along the way. If you feel you're being called sa Jesuits then be with the Jesuits. While they have the most difficult formation, theirs also is the most wholistic and most effective. You may want to try diocesan priesthood too, like Jhoen AND study at the Jesuits, kasi posible rin yun, medyo magastos nga lang.ü Or you may visit other religious congregation, Bahala ka. Basta give your all. Yang igive-up ang girlfriend, trabaho at pamilya, maliit na bagay lang yan kumpara sa mga biyayang ibibigay sayo ng Diyos.


I don't know why am I writing you eh di naman kita kilala. Pangalawa eh sobrang busy ko nga. I just felt I need to affirm you. Probably because when I was at that stage too, I felt alone, misunderstood, pressured. Kaya naman, be assured of my prayers for you. Di ako kagalingan magdasal pero wala naman yan sa galing. God will hear my prayers for you just the same. And pray for me too. Kailangang kailangan ko rin ang mga dasal mo.


God bless and have a blessed journey!
Your Kuya Utoy at the Table of the Lord,
Vergel Dalangin, SSS