Mahiwagang tinig  

Posted by Jay




May mahigawang tinig
na lagi kong nadidinig
Mayroong nais ipahiwatig
na akin rin namang ibig.

May mahiwagang tinig
talaga namang sadyang mahiwaga
na lagi kong dinidinig
ngunit ayaw namang pakilala.

Sa kailaliman ng aking puso
ang tinig ay laging tila kumukulo
napaka-init ng tinig
nakahandang hindi sumuko.

sa araw-araw laging kumakalabit
tila lamok sa tainga na pagkakulit-kulit
laging nakadikit sa buhay kong
sa Kanya lamang nakakapit

Kinilala ko ang tinig,
kinaibigan ang pahiwatig
ako'y nakaramdam ng kapanatagan
na sa puso ko'y ngayong
nananahan.

Kay tagal bago minahal ang tinig
tila hindi tinangkilik,
inisip na baka nagkakamali lamang
ang tinig na nagsusumiksik.

buo kong pagkatao ay iyo ng
angkinin
saan ka man naroon, ako'y sasama
nakahandang maging alipin
tatalikuran buhay na masagana.

ngayong ako'y nahumaling na
sa tinig na napakahiwaga
ang tanging hiling lang
ako naman sana'y gabayan
at wag ipagsawalang bahala.

O aking sintang tinig
ako'y naghihintay na ika'y
maging kapiling
nakahandang gawin kahit ano,
alang-alang lamang sa Iyo.

mahiwagang tinig, ako'y nananalig
na sa pag dating araw, ako'y laging
mabuhay na lamang
sa ilalim ng iyong pag-ibig...



[tulang nalikha gawa ng di pagdalaw ng antok isang linggo na ang nakaraaan]