Posted by Jay in

Baka eto ang totoong
State of the Nation...


Pano nga ba mabuhay sa Pilipinas?

Nang mabasa ko ang isang libro ni Bob Ong, bigla akong napaisip.
Nasabi ko na lamang sa aking sarili,
ito nga ata talaga ang totoong kalagayan ng Pilipinas.

Pano nga ba mabuhay sa Pilipinas?

Masuwerte ka kapag mayroong linya ng telepono sa iyong bahay, doble ang swerte kapag may unlimited na tulo ng tubig. Ano pa kaya ang tawag sa atin na nakakabasa ng bawat letra na ito sa aking blog? Ibig sabihin lang may pera ka pang rent ng computer o may sarili kang internet connecton sa bahay. kung meron pang higit sa salitang "swerte", malamang, tayo na yun!

kailangang maging OFW para makatulong sa pamilya. minsan mabibiktima ka pa ng Ilegal recruiter, o pag lalo pang minalas, dadatnan mo ang mahal mo sa buhay na na-pariwara na!

Ang iba nama'y napipilitang ibenta ang sariling anak o kaya nama'y ang kidney nila. Meron namang full-time contestant na ng WOwowee o ng Eat Bulaga. Ang pulis, kailangang mangotong. Ang teacher, kailangang magtinda ng polvoron at ice candy. ANg mga nurse kailangang mag-abroad. May mga doktor din na kinailangang din mag nurse.

May nang-aagaw ng cellphone, may namemeke ng cd. may nagbebenta ng aliw, minsan sa ibang bansa pa. may nagpapakasal sa dayuhan, instant millionaire ka kasi dun. may nagnanakaw ng man hole, ng kable ng koryente, kable ng telepeno at maging metro ng tubig!. may nag aartista, may hmahabol na politiko, may nangungupit din ng pondo!

Nagkalat ang mga bata sa kalye, kung hindi nagbebenta ng sampaguita, sigarilyo naman, kung minsan, nangongolekta na lamang sila ng barya galing sa mga nag papark.
Ang mapangarap ay nandudukot ng pitaka, ang iba naman, solvent nalang ang nilalanghap.

Nakatira tayo sa isang bansang dalawa na ang napapatalsik na presidente. At nagpipilit pa tayo ngayon na maging tatlo ito. Naalala ko tuloy ang paborito kong linya ni PGMA, "The president is as strong as she wants to be." Nasanay na tayo sa bansa na tatlong taon bago ang eleksyon, simula na ng kampanya, kung saan tatlong taon ang halalan. Kung saan ang artista ay politiko, at ang politiko ay sirkero. Kung saan ang kongreso ay pinapasabog.

Ang mga politiko ay masigasig sa kanilang mga proyekto ilang buwan bago ang eleksyon. Natapos man ito, kasalukuyang inuumpisahan o ilusyon pa lamang, ang lahat ng ito'y nakalista na sa mga flyers na kanilang ipinamimigay sa araw ng halalan. kapag magaling kang kumanta, sumayaw, kumain ng naka-kamay at magbuhat ng sipuning bata, aba! sigurado panalo ka.

Ang mga jeep at bus ay humihinto kahit saan, gaano man katagal, tumatawid ang iba sa ilalim ng overpass, ang iba nama'y sa ibabaw ng under pass.

Kinakalbo ang kagubatan, walang gamot ang ospital, walang upuan ang eskwelahan, at walang baril ang sundalo. Maraming walang pakiaalam, walang utak ang politiko. ang iba naman, may utak nga, wala namang puso.

Sa ating bansa, laging may kurakot na presidenteng iniluluklok at pinapatalsik. Laging may bagong batas ngunit hindi naipatutupad. Laging may artistang nahuhulihan ng droga sa ibang bansa. laging may estudyanteng namamatay dahil sa hazing. mahirap magpatupad ng batas, ngunit madaling maghanap ng violations pag oras na ng sisihan. Maraming namatay dahil sa pag guho ng gabundok na basura, nakoryente at nalunod sa
tubig-ulan. Paulit-ulit! walang nadadala. walang nadadala at wala ding nasosolusyunan. Ang tanging napapala lang natin ay ang relief goods na ipinamimigay sa harap ng camera, walang katapusang imbestigasyon sa kamara at senado, walang katapusang diskusyon sa radyo at turuan o sisihan sa dyaryo at siyampere higit sa lahat, ang haloween special na napapanuod natin sa tv kung saan buong sipag na nangongolekta ng mga bangkay sa loob ng lumubog na barko.


Kung totoong ganyan ang Pilipinas, sino pa nga ba ang gustong maging Pilipino?

Hindi ko ito isinulat upang lalong pababain ang pagkatao natin bilang mga Pilipino. Bakit nga ba kasi ayaw nating pinag-uusapan ang mga bagay bagay kahit alam nating tayo na ang apektado?
Subukan mo kayang tanungin si Clare Danes! Baka mas marami pa siyang alam na problema ng Pilipino kaysa satin.

Siguro ayos lang kung isa sa mga street children ang sisigaw ng "PUTANG INANG BUHAY, AYOKO NG MAGING PILIPINO!" , o kaya nama'y taga dump site ang sisigaw ng "TANG INA, INYO NALANG ANG PILIPINAS!" Ngunit ikaw na nakakabasa nito, siguradong may magagawa ka at wala kang karapatang sumigaw ng ganito!

Marami ang nagsasabing "ayoko na sa Pilipinas!" Ngunit natanong na kaya natin sa ating sarili kung gusto ba tayo ng Pilipinas?
Hindi komunismo, kapitalismo o komersyalismo ang problema sa ating bayan,...
kundi TAYO MISMO!...



salamat kay Bob Ong sa kanyang mga nakamamanghang ideya.

This entry was posted on July 28, 2008 at Monday, July 28, 2008 and is filed under . You can follow any responses to this entry through the comments feed .

7 kumento

anong gagawin ko? haha. :p

5:46 PM

wow.

2:42 PM

very well said :) sana ikaw na lang ang mag SONA! hehe

11:17 PM

kung ikaw kaya ang nagSONA, nakailang palakpak ka kaya? hehe..

11:44 PM

dear, i have read blogs of OFW's in saudi, singapore, japan, etc. THEY ALL SAY- even if you think you're in a better place, you'll still wish you'll be in Manila! That's all! (--,)

12:09 AM
joci  

sapul!..hehe..kuya, tnx for posting it..keep up the good work.. ^_^

3:29 PM

what's wrong with the Filipino race is that they look for the problem but still continues to cover their eyes!

9:51 PM

Post a Comment