OUTREACH CHRISTMAS PARTY.
ang mga kabataan ng aming parokya ay naglunsad ulit ng outreach christmas party..
taun-taon namin itong ginagawa.
kaya lang. tatlong taon palang namin nasimulan.
salamat sa aming formator!
pero hindi siya basta party na parang nagpa feeding program kami.
syempre, ayaw naman namin na pagkain at regalo lang ang maaalala
ng mga bata sa amin kapag nakita nila kami muli.
summer palang, hinahanda na namin sila.
pagkatapos ng youth camp na inilulunsad naman ng aming obispo,
bumabalik kami sa aming mga parokya ng may bagong sigla at lakas.
at gnagamit namin ang lakas at bagong natutunan para magbigay naman sa mga bata.
PINUNO kami upang kami naman ang MAMUNO (magbigay, mag-handog, mag-alay).
Linggo-linggo namin silang binabalikanupang magturo.
mga simpleng katesismo na makakatulong sa mga bata.
simpleng katuruan ng mga katoliko na maabot ng mura nilang pag-iisip.
magtuturo ng rosaryo, magkkwento ng mga santo, atbp.
pag dating ng panahon ng pagbalik sa eskwela, isang beses nalangnamin sa isang
buwan sila pinupuntahan...
at syempre pagdating ng December, nagdadaos kami ng Christmas party para sa kanila.
pero di pa rin tipikal na Christmas party.
nangumpisal muna sila sa umaga. at may konting katesismo ulit.
at ang games? base na natutunan nila. o diba? hindi lalabas ang mga bata na
pagkain at regalo lang ang natutunan nila..
nakakatuwa. dahil pag nasasalubong mo ang mga bata, sila pa ang magtatanong kung
kailan namin sila babalikan. nakakataba ng puso. ngiti palang nila, sulit na ang lahat.
pero siyempre, hindi magiging posible ang lahat ng ito kundi sa kakaibang tulong ng mga tao.
una. sa aming formator na tatlong taon na din naming kasama. napaka swerte ng aming parokya sa kanya.
pangalawa. sa mga kapatid kong kabataan na nag-alay ng kanilang pagod, puyat, at gutom.
Balanga Youth, YOU ARE GREAT!
pangatlo. salamat din sa mga bata. sa pagbibigay sa amin ng inspirasyon na paglingkuran pa sila. sila ang nagpapalakas sa mga pagod naming katawan. ngiti palang. ayos na.
at Siyempre, kay Lord! salamat po.
kayo po ang lakas namin. kayo po ang bawat hininga namin. at iaalay pa po namin ang bawat hiningang ito para sa iba.
ang ibig sabihin ng pasko ay pagmamahal lamang. dahil pag pinagsama sama natin ang lahat ng ibig sabihin ng pasko, babagsak at babagsak tayo sa iisang bagay. magmahal.
ito ang dahilan kung bakit kami nagdadaos ng mga ganitong programa. hindi para magpakain lang dahil pasko, hindi para makapag party lang. hindi para gayahin ang iba dahil uso ang christmas party.
ulitin ko. pagmamahal ang dahilan.
may dahilan kng bakit ko ibinabahagi ang entry na ito.
hindi para magyabang o magpabida.
ito ay para ipamulat sa bawat kabataan sa blogsperyo na may magagawa tayo!
iba naman talaga ang lakas ng kabatan.
at yun ang kakaiba sa atin.
siguradong tatatak sa bawat puso ng bawat isa ang ating ginagawa kung nagmumula ang lahat sa puso...
18 kumento
wow!
rev. bigla akong natahimik nung nabasa ko po ang comment nyo..
salamat po!
pero yung mga kapatid po nating kabataan ang nagbibigay po ng inspirasyon sakin na paglingkuran pa po sila...
all for the glory of God!
salamat po rev.jhoen... :)
happy new year!
aba aba kabilang ka sa mababait na kabataan..ipagpatuloy..bagay kayo ni joycee..kaso may mga soulmate na kayo.
Oist yung usapan natin ha...ung secret nating tatlo..hah!!
sureness!
tuloy ang sekreto. hahahha.
salamat. :]
at talagang capital H pa ang pangalan na iniwan ha.. hehe.
ssshhh wak maingay jay...ninja mode ako ngayon...teka magaayos pa ko ng links.
*mwahugs*
heksayted kami!!!
hahahha. ok. tatahimik ako! pangako! :D
andito din ako. parehas nga tayu ng ginagawa, pero walang malisya magkakapatid tayu kay Lord, hehe! Keep it up Jay! Yung secret! hihi.
Godbless you! Ü
salamat joycee. :D sige.. ang secret. hahaha. :D
woi, ang babait ng mga kapatid ko. Joycee, kilalanin mo nga pala ang ka-aampon ko pa lang na baby brother si JAY...ayan may kapatid ka ng isa.
Remember: kapatid ha! Ipagpatuloy nyo yan..kung ano man yan...basta sa ibang bagay at nangailangan kayo {except pera} sa akin kayo lumapit.
I'm always willing to help.. no strings attached, walang bayad, walang iwanan!!!
pataasin nyo lang karma ko...bwahahaha!
*ahlabshu joycee and jay*
@helaena
ayan! tama. magkakapatid na tayo! e ano natin si rev? tatay? hahahaha.
tulungan tayo sa karma mga kapatid! :)
blessed day halaena and joyce.. ^^
TOUGH TIMES never lasts, but TOUGH PEOPLE do.........happy new year everyone!!!!
TOUGH TIMES never lasts, but TOUGH PEOPLE do.........happy new year everyone!!!!
Kapatid babati lang ako sayo at ngayon lang ako natapos sa aking blog. naglipat kasi ako ng server.
May you and your family have a very blessed Christmas (actually pasko pa) and may the Lord guide you through this new year.
All the best in 2009!
Pax et Bonum
kapatid, galaw galaw. wala bang bago?
baki agiwin ang bahay. he he.
nang-gulo lang po.
god bless!
Post a Comment
Facebook Badge
Profile
Nagpapakilala...
ayoko un. Masyadong pormal.
puede din namang Jose. 'wag pala!
pang matanda.
Ipinanganak sa Lungsod ng
Mandaluyong, lumaki at tumanda sa
Lungsod ng Balanga.
bente anyos. walang asawa.
pero may iniibig.
nag-aaral ako sa paaaralan ng
mga Bayani. at gusto ko din namang
maging bayani.
Bayani sa puso ng pamilya ko,
at bayani sa puso ninyo.
[kung paano?, di ko din alam]
Isa akong lider kabataan sa aming
parokya. pero hindi 'kilusan' ang aming
samahan. Isa kaming grupo ng kabataan
ng parokya na nakatutok sa paghubog
sa aming sarili upang maging kapaki-
pakinabang pa sa aming parokya at lipunan.
madami akong problema. natural sa akin
yun.pati kasi problema ng iba, pinoproblema ko na din. Problema ko din
ang patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo, problema ko din ang kahirapan ng Pilipinas, problema ko din ang muling pagbagsak ng ekonomiya
ng Pilipinas. Problema ko yun, dahil apektado ako nito!
mahilig akong kumain. [tumataba na daw ako!] syempre, merong aangal! mahilig sa kape. Adik sa tsokolate. sipuning bata. [kinalakihan ko na 'to eh.]
marami akong gustong maging.
gusto kong maging inhinyero,
ngunit may hangarin din sa pagpapari.
tanong nyo kung bakit di pa ko pumasok ng seminaryo?
Ang sagot: Gusto ko munang maniguro.
nakakahiya atang mapalabas ng seminaryo!
Gusto ko din baguhin ang takbo ng buhay ng pamilya ko. sympre, katulong ko dito ang mga kapatid ko.
teka. di lang pala pamilya ko, buong angkan namin...
at kung gagawing akong instrumento ng Diyos ng pagbabago, aba, gusto ko din baguhin ang mukha ng mundo.
kahit kapalit pa nito'y ang buhay ko...
pangarap, kailan ba kita maabot?
kausapin mo ko...

sa inyo natutunan ang tunay na ibig sabihin ng paglilingkod...
puntahan mo kaya sila....
- Ang mga lihim ni Hudas
- anghel na walang langit
- ayaw ko ng mag blog
- Beyond Borders
- Blissful Bobby-Soxer
- bojoy's portal
- bro.utoy
- canky is me
- Dedpish
- ginger bread
- hUrtfuL.pRey
- inday, ang sosyal na maid
- Insignia
- isang kilong bigas
- j0yo
- khzr4u is twisted
- kliti ng diyos
- kwento ni enday
- magpasawalanghanggan
- mapanuring panitik
- moving along
- mundong parisukat
- prinsesa
- promdiwood
- revsiopao
- romancinghelena
- thought-pollution
- utak munggo
- webmistress
- yeinechan
Facebook Badge
Followers
TAMA NA ANG PULITIKA. KAMI MUNA!

NO to BNPP!

NETWORK OPPOSED TO BNPP

Blog Prayer Brigade

CURRENTLY READING
Labels
- be loved (4)
- love... by Joseph (4)
- Mga kwento at damdamin ni Mang Jose (39)
- pala-palagay ni Jay (10)
mahal ko yan...
Blog Archive

pero mas mahal ko Siya...
Panginoong Hesus ako ay nakikiisa
sa 'Yong walang hanggan at walang katapusang
'sangkatauhang pag-aalay.
Iniaalay ko ang aking sarili sa bawat araw ng aking buhay
At sa bawat sandali ng bawat araw ayon
sa 'Yong pinaka banal at kagalang-galang na kalooban.
Ikaw ang naging alay para sa 'king kaligtasan.
Nais kong ako'y maging alay mg 'yong pag-ibig.
Tanggapin Mo ang aking ninanasa
Kunin Mo ang aking handog.
Malugod Mong pakinggan ang aking hinaing.
Itulot Mong sa 'Yong pag-ibig ako mamatay,
Itulot Mong sa 'Yong pag-ibig ako mabuhay.
Itulot Mong ang huling pintig ng aking puso ay
maging tanda ng isang wagas na
pag-ibig ng isang wagas na pag-ibig.