NYD '06  

Posted by Jay in

nyd '06..
Your word is a lamp to my feet, and a light to my path..

N0v.7
dumating ang tatlong delegates from bataan sa davao..
ala kaming kilala kahit isa.. pero biniyaan kami ng napakabait na foster daddy..isang foster tatay na kitang kita sa muka nya ung pananabik sa aming pagdating.. unang gabi palang namin, sobrang asikaso na tlaga kami.. parang kami mag kamag anak na matagal na d nagkikita.. (pero wala talaga kaming relasyon) tinuring nya kaming tunay na mga anak nya.. pinaramdam sa amin na isang tahanan kami..

Nov 8

start na ng seminars.. pero bago pa mgstart ang seminar, inilibot muna kami ni foster tatay sa davao.. at ska kami hinatid sa lugar ng seminar.. kinagabihan, dinala namn kami sa isang maliit na community at ipinakilala sa amin ang kanilang Pastoral Council..

Nov 9

dinala kami sa isang university, at dun sinimulan ang seminar proper..
hinati ang 10000 delegates sa tatlong universities.. at dun na dn kami nagkahiwawalay ng mga kasama ko from bataan.. dun narin kami nagstart makipag kilala sa mga bisaya, ilokano, at kapampangan, at kung anu anu pa.. ako nman ung rep.ng bataan na ipapadala sa Gawad Kalinga sites..
ang saya nun!, pinag gawa kami ng bahay.. nakpag kwentuhan sa mga poorest of the poors ng davao.. kakaibang feeling na makatulong sa kanila..

Nov 10

2nd day ng seminar proper, sayawan, sharing, kantahan, at sigawan..
dumating si mark jimenez para magbigay ng talk.. christian values kuno..
nkakainis ung time na un.. disapointed ako sa organizers ng NYD sa site namin.. bat hinayaan nila magsalita si Mark Jimenez ng ganun.. susuhulan pa kami ng 500 each, niregaluhan pa kami ng rosary, holy water, at xmpre picture nya na my nkalagay na "mark jimenez for senator!" KAINIS! gagaguhin pa kaming mga kabataan..

Nov 11

last day ng seminar proper..ang galing ng speaker namin nung araw na un.. astig..
at sbra narin ang bonding with new friends..
nung hapon nag pilgrim walk kami.. ang layo na ang init pa.. pero ok lng.. pag dating kc sa taas ng bundok, kakaibang saya ung ngyari.. nagkitakita na ulit ung 10000 delagates na nagkahiwahiwalay..

-wala kaming gabi na d kami umuwing pagod at lupaypay.. pero sbra parin kaming inaasikaso ni tatay ryan.. binubusog bago matulog, at ngkkwentuhan sa mga buhay buhay... habang tumatagal ay napalapit kmi ng sbra kay tatay ryan at sa isat isa..

Nov.12

suroy suroy sa dabaw!

nagsimba kami ng 9am.. at ska kami dinala ni tatay ryan sa isang lugar na kung iisipin mo, hindi sa pilipinas.. ang ganda!, astig.. inenjoy namin ung araw dahil un na ang final bonding with our foster tatay and new kuyas.. at nung hapon dinala nman nya kami sa beach..

nung gabi my bago kaming housmates!, tuloy parin ang bonding.. kantahan, sayawan, kainan.... at d ako natulog ng gabi na un.. c jara kc nagagalit na sken.. hehhe.. ska kakwentuhan ko ung bago naming housemate.. hanngang umaga.

Nov.13.

eto na ung nakakaiyak na part..
umalis na ang mga kapatid ko at umuwi n sa kanila.. d ko mapigil
ung sarili ko na yakapin ung bagong mga kuya ko at umiyak sa kanila.. d ko alam kung bbigyan pa ba kami ni Lord na mgkta kta pa.. ang layo nila sa Luzon.. hanggng hapon ang panget na ng mood ko.. umiiyak parin ako..
at dumating na ang gabi.. ang pinaka malungkot na part ng NYD 06.. uuwi narin kami.. ang hrap mag paalam sa isang tatay na kumopkop samin at nagmhal ng sbra sbra.. d ko mapigil ang pag iyak ko sa knya.. d ko alm kung darating pa ba ang panahon na magkkta kita pa ba kami ni tatay ryan.. sa maikling panahon npadama nya sa amin ung pagiging isang tunay na tatay,. 9:30 ang aming flight pabalik ng manila.. ang bigat sa loob..
gusto ko pa sanang humaba ang stay ko sa davao.. iyak ako ng iyak pero ala nko magawa.. bbalik nko sa totoong buhay ko.. bbalik nako sa bataan.. ayoko pa, pero ala ng paraan!,



astig ang NYD 06.. pinagtagpo tagpo ni Lord ang magkakaibang tao, iba iba ang pananalita, iba iba ang pagkatao, pero ginawa Nyang magkakaibigan..

sa'king mga bagong kapatid, sa mga nag alaga samin dun, sa mga taga region 3 na lagi namin ksama, sa mga taga mindanao na sobrang ang babaet ng mga tao, at minahal kami ng lubos, sa mga housemates ko at syempre sa tatay ryan namin, MARAMING SALAMAT...at mahal na mahal ko po kayo.. thanks for sharing ur hapy moments with me.. NYD is over...pero ung pagkakaibigan natin, mananatili un habambuhay..


jay

This entry was posted on November 14, 2006 at Tuesday, November 14, 2006 and is filed under . You can follow any responses to this entry through the comments feed .

0 kumento

Post a Comment