Sabi ni Fr.PSL  

Posted by Jay in

Mt. Samat sa Ikatlong Akyat
02 Disyembre 2006



May Bagyo. Alam nating darating…Himala man o hindi ay natuloy ang akyat sa Mt. Samat! Mula sa banta ng panahon at hamon ng Samat ay muling nagdudumaling nag-akyatan ang 30,000 (tatlumpung libong) humigit kumulang na mga mananampalataya na ang 95% marahil ay mga KABATAAN! Ang dahilan: Bataan: Bayani at Banal: Sama-sama sa Pagbabago ng Lipunan.Ang taong 2006 ang hamon ng Simbahan para sa pagpapanibago ng bayan.

Biglang nawala ang Bagyo. Alam nating umiwas o humina! Ngunit hindi nawala ang ragasa ng loob ng mga taga Bataan sa pag-akyat sa Mt. Samat. Hindi rin umiwas ang lahat na makiisa sa ating Obispo sa mga minimithi ng Sinodo bilang konkretong pagsasabuhay ng Bayani at Banal sa Bataan. Ang pangkalahatang paksa ng Adviento at kapaskuhan sa Diyosesis ay Panunuluyan ng Sinodo, Panunuluyan ni Kristo. Unang Linggo ng Adviento ang akyat sa Samat. Bagyuhin natin ang Bataan, dala-dala sa Puso ang Sinodo. Patuluyin si Kristo sa hamon ng panahon!

May Bagyo.Tago at Delikado! Tapos na ang bagyo ng hangin at ulan. Tapos na ang Akyat sa Samat. Nakababa na tayo sa patag at maaliwalas na mundo. Hindi nagtatagal ay nagulantang tayo sa gulo ng lipunan. Kongreso at Senado. Pamahalaan at Halalan. ConAss, ConCon, ChaCha. Bakit nga ba iba’t iba ang tugtog at sayaw, mga hanging hindi mo maintindihan? Nasaan ang halimuyak ng kalayaan at kapayapaan? O baka naman mas amoy ang malansang kasakiman at mabahong loob? Mga ulan na may bahid ng pawis, ngitngit at luha na nagbabadya sa puso ng Pilipinong masa. Nasaan o nakanino ang maiitim na balak at madidilim na pangarap? Sinu-sino ang may malalagim na budhi?

Kaya’t Mt. Samat sa Ikatlong Akyat! Sinagupa ang bagyong naparam ng panahon! Ngunit hinaharap ang totoong bagyo sa kalooban ng mga Pilipino. Bagyo na hindi maitatago ng ulap at mga kislap ng Pasko. Bagyo na haharapin ng tapang at banal na puso! Bagyo na mahahawi at mapapawi sa Pagsilang ng Bagong Kasarinlan!AMEN!


Nagninilay: Padre Perry

This entry was posted on December 14, 2006 at Thursday, December 14, 2006 and is filed under . You can follow any responses to this entry through the comments feed .

0 kumento

Post a Comment