Ang muling Pagbubukas ng Nuclear Power Plant sa Bataan...
Krisis sa presyo ng langis, mataas na bilihin, mataas nat tuition fees, dagdagan pa ng mataas na singil sa kuryente, pano na si Juan?
Ang sabi ng mga kurakot, este, pulitiko, muling buksan nalang daw ang Bataan Nuclear Power Plant. Ito daw kasi ang magiging kasagutan sa krisis sa enerhiya na dinadanas ng bansa. Malaki daw kasi ang matitipid sa kuryente pag muling binuksan ito..
E pano naman ang buhay ng mga taga Bataan? Pano naman ang yamang-dagat ng Bataan na masisira dahil sa init na ilalabas ng Nuclear power plant?
Dagdagan pa ng pangamba dahil sa pagkaluma nito, at ang kalidad ng mga nagsipag trabaho para maitayo ito.. hmm?
tama bang buhayin muli ito?!
kung ang isang simpleng tao na tulad ko na nag-aaral ng Mechanical Engineering, [isa sa subjects namin ang Nuclear Physics] di ako papayag! Lalo pa't kabuhayan at buhay ng mga nakatira sa Bataan ang nakasalalay.
At bilang responsableng kabataan at mamamayan ng Bataan, nawa'y magsama-sama tayo sa pagtutol dito... Hindi tayo aktibista, ngunit ating alalahanin ang kahihinatnan ng Bayan ng Diyos sa Bataan.
-jAy
[ps kung gusto ninyo malaman ang saloobin ng Obispo ng Balanga hinggil sa usaping ito, i-klik lamang ito:Choose the Lord! Reject Evil!
