Posted by Jay in

WALONG KASINUNGALINGAN NG ISANG INA
[eight lies of a mother]

isang totoong kalagayan ng karaniwang pamilya.
isang istorya lamang ito, ngunit tiyak na guguhit
sa inyong mga puso.


walong kasinungalingan ng isang ina
Ang istorya ay nagsimula noong ako ay bata pa; ipinanganak akong mahirap. Madalas, wala kaming sapat na makain. At kapag mayroon kaming kaunting makakain, ibinibigay pa ni Inay ang iba niyang kanin para sa akin. Habang isinasalin ito sa aking plato,kanyang sinabi "kainin mo na ito anak! Di ako nagugutom.
Unang kasinungalingan ng isang ina.


Nang ako'y malaki na, ginagamit ni Inay ang libre niyang oras upang mangisda sa ilog malapit sa amin; umaasa siya na sa isda na kanyang mahuhuli, magsisilbi itong masustansiyang pagkain para sa aking paglaki. Habang ako'y kumakain, tumabi si Inay sa akin at kinakain niya ang bawat tira sa tinik ng isda. Nabagbag ang aking puso nang makita ko ito. Nang ibigay ko pa ang isang isda sa kanya, tumanggi siya at sinabi " Kainin mo 'yan anak! Hindi ako mahilig sa isda."
Ikalawang Kasinungalingan ng ina.


Upang ako'y makapag-aral, nagpupunta ang nanay sa pagawaan ng posporo. Nakatulong ito upang kumita siya at nakatulong sa mga pangangailangan namin. Isang gabi, nagising ako at nakita ko si Inay na nag-aayos pa ng mga posporo gamit lamang ang isang kandila. Kaya sinabi ko sa kanya, "Nay, matulog ka na; gabi na: ituloy mo na lamang po iyan bukas." Ngumiti ang nanay at sinabi " Matulog ka na anak, di pa naman ako pagod"
Ikatlong kasiningalingan ng isang Ina.


Noong aking final examination, sinamahan ako ni nanay. Inaantay ako ni nanay ng ilang oras sa ilalim ng init ng araw. Nang uwian na, agad akong tumakbo upang puntahan siya. Inakap ako ni inay at binigyan ng isang basong tsaa. Nakita ko si Inay na basang basa sa pawis; binigyan ko siya ng isang basong tsaa at pinilit ko siya na uminom din. Inumin mo 'yan anak, di ako nauuhaw.
Ika-apat na kasinungalingan ng isang ina.


Nang mamatay ang itay, ginampanan ni nanay ang tungkulin ng isang single parent. Kinailangan niyang magtrabaho mag-isa para sa aming mga pangangailangan. Lalong lumala ang kalagayan ng aming pamilya. Lalo laming naghirap. Tinulungan kami ng aking tiyuhin sa aming mga pangangailangan. Nakita ng aming mga kapit-bahay ang labis naming paghihirap kaya pinayuhan nila ang aking Ina na muling magpakasal, ngunit tumanggi si Inay at sinabing " Hindi ko kailangan ng pag-ibig"
Ika-limang kasinungalingan ng isang ina.


Nang ako'y makatapos ng pag-aaral at nakakuha ng trabaho, oras na ito para sa aking ina para magpahinga na. Ngunit patuloy parin siya sa pagpunta sa palengke upang magtinda ng gulay. Lagi ko siyang pinapadalan ng pera ngunit lagi niya rin itong ibinabalik sa akin. "Mayroon akong pera anak.", sabi niya.
Ika-anim na kasinungalingan ng isang ina.


Nagpatuloy ako sa aking pag-aaral para sa Master's Degree. Pinag-aral ako ng kumpanyang aking pinapasukan. Nakatapos ako at siya ding biglang taas ng aking sahod. Nag desisyon kong dalin ang inay sa Amerika Ngunit ayaw ng nanay na abalahin pa ang kanyang anak. "Di ako sanay sa pamumuhay diyan anak.", sabi niya.
Ika-pitong kasinungalingan ng isang Ina.


Nagkaroon ng cancer ang nanay at kinailangan niyang ma ospital. Mula sa Amerika, kinailangan kong umuwi. Nakita ko siyang nakaratay na. Pinilit ng nanay na ngumiti, ngunit tila dinurog nito ang puso ko. nakita ko siyang napakapayat at nang hihina. Matandang matanda na ang inay. Agad niyang sinabi, " "wag kang umiyak anak! ok lang ang nanay..."
Ika-walong kasinungalingan ng isang Ina.

This entry was posted on July 22, 2008 at Tuesday, July 22, 2008 and is filed under . You can follow any responses to this entry through the comments feed .

5 kumento

aww... nakakatouch.. sana sinungaling din ang nanay ko!!! =p

7:15 PM

haha.
isa lamang itong istorya.
pero malay natin. mayroon ngang
ganitong pangyayari. salamat gilbert sa pagdaan. :)

7:28 PM

aww. sweet naman. rawr, si gilbert kung saan saan ko nakikita. hahah! haloo sa inyong dalawa.

1:00 PM
jay  

hahaha. hi din tisay. :)
lagi din kitang nakikita eh,..
sa blog nga lang. :)

2:04 PM

awww naluha naman ako sa mga kasinungalingang yun. nakakadurog ng puso,

11:32 AM

Post a Comment