YOU Called me by Name...
bago ko ituloy ang naputol kong kwento kahapon, may bago muna akong kwentong sisimulan. Dito ko lang naman kasi naiki-kwento ang mga bagay na hindi ko maibulalas sa iba.
Kakayari ko lamang magsimba. 9:30 AM. lector ako. 1st reader. Na-late ako. Pipila na kasi ang dalawang pari at mga sakristan. (kung bakit dalawang pari? mamaya ko sasabihin.) Nakahabol naman ako. Nang nakapila na kami, biglang naalala ng kasama kong lector na naiwan sa Sacristi ang bubuhatin kong Gospel Book. Dala na rin ng sobrang pagmamadali. Nakakahiya. Na delay din ng dalawang minuto ang misa dahil sakin.
Dalawang pari ang nagmisa. Misa Cantada kasi ng bagong ordinang pari. Si Fr. Ramon. Misang pasasalamat at pagtanggap ng din ng sambayanan ng Balanga. Ang kura paroko ang na bigay ng homiliya. Ang galing! Para na rin siyang isang Obispo na nagbibigay ng homiliya para sa isang bagong pari.
Napaka solemn ng misa. Sobra. At gaya ng mga nararamdaman ko kapag nakakasaksi ako ng oedinasyonng isang pari o diyakono, nandoon ang pangingilabot ng buo kong katawan. Nandoon ang tila bulong na madalas na bumabagababag sa akin.
Ang bulong na ito, ang tinig na ito, ay matagal na din bumabagabag sa akin. Matagal na nga. Nagsimula ito noong ako'y bata pa. Isa akong sakristan. Napalapit sa mga pari. Napalapit din sa ikalawang Obispo ng Balanga. Pansamantalang nawala ang bulong habang ako'y lumalaki.
Dumating ang kasalukuyang Obispo ng Balanga sa Cathedral isang araw bago ang kanyang pagtatalaga. July 2, 2004. Nagkasalubong kami sa kumbento.
Bishop Soc: Anong pangalan mo?
Jay: Jay po.
Bishop Soc: Seminarista ka?
Jay: Hindi po. (sabay tawa)
Bishop Soc: Si Jay, magpapari ha? (sabay akbay)
Sa hindi inaasahang pagkakataon. Biglang nanumbalik. Biglang bumalik ang bulong, biglang bumalik ang tinig. Sa pagkakataong ito, mas tumindi. Mas lumalim. Iba ang pakiramdam ko tuwing nakakakita ako ng damit ng pari. Lalo na pag napakaraming pari ang nagmimisa. Iba ang dating sakin ng sakrispisyo bilang isang pari. Alam kong mahirap. Alam kong komplikado. Ngunit nandoon ang hangarin na balang araw ay makaisa nila ako, makatulong nila sa kanilang misyon. Lalo pang lumalim ito ng italaga ako bilang lider kabataan sa aming parokya. Ang dami kong natutuhan. Ang dami kong nalaman. Ngunit sa kabila ng bulong, nandoon ang takot.
Dala ng takot sa pagsunod, binabaliwala ko. Takot sa sasabihin ng iba. Takot sa maiiwan kong responsibilidad sa pamilya, takot na baka hindi ko mapanindigan ang isang bagay kung sakaling tutugon ako. Takot. Magulo. Gumugulo. Nahihirapan ako.
Madalas kong maalala ang katagang binitawan ng Obispo ng Balanga noong youth camp. "Kapag naramdaman mong tinatawag ka ni Hesus, tumugon ka. Wag mo ng patagalin. Huwag niyong tawanan ang bokasyon! Sapagkat hanggat hindi nasusunod ang kalooban ng Diyos, hindi ka matatahimik."
Marahil ay nauunawaan niyo na ang ibig kong sabihin. Tama ka. May hangarin ako sa pagpapari.
Hindi ako makatugon dahil sa takot. Ngunit hindi ko ito binabaliwala. Katulad ng payo sa akin ng mga kaibigan, ipnagdadasal ko ito. Para turuan ako sa dapat kong gawin. Nararamdaman ko ang pag-aalangan. Takot ako. Tulungan ninyo ako!
9 kumento
maybe thats your calling... kapag tinawag ka nya dba dapat sumagot at sumunod... at hindi matakot.
@ bloom: ala kang nasabi ah. hahaha:)
@roland: salamat po! kelangan ko pa atang mag ipon ng lakas ng loob. gusto ko din pong maniguro.
dadating din po siguro ang tamang oras at panahon for me :)
father JOSE,
practice lang. pero tama si roland. bihira ang nakakarinig ng tinig. bihira ang tinatawag. naiintindihan ko ang takot sa puso mo. kahit ako matatakot sa mga bagay bagay dahil isa yon sa bahagi ng pagiging tao. pero ang tanging magagawa natin, bilang anak ng Diyos, ay lumapit. kumunsulta. itaas mo sakanya lahat ng pagaalinlangan mo, at alam ko na ibibigay nya sayo ang kakayanang magdesisyon ng para sa iyo. dont hurry yourself up for God loves the person who comes to him with a willing heart :)
astig. may kaibigan na akong (mag)pa(pari)
wala kang dapat ipaniguro fath...este jay. kapag sya na ang may hawak sayo, lahat magiging maayos :)
sana'y nakatulong ang mga sinabi ko kahit kaunti.
wow! salamat myk2ts :)
salamat ng madami.
nakakapagpataba ng puso at nakaka buhay ng loob kapag may naririnig akong ganyan.
kung loobin Niya, at matuloy un..
Invited ka! :)
salamat po muli.
kuya jay. ang masasabi ku lang sau ay.... ahhhmmmnnnnn?...haaaaaayy.
dapat pala sumama kaw samin sa visit sa san carlos.
ge pu pagisipan, pagnilayan yu pu yan and hope u end up with a dcision n mppnindigan yu til d end of time. kmeng mga klakbay mu e andito plge pra sau kuya mhal n mhal ka namen.
wow. jhapz, salamat! :)
pero sorry, ayokong maging CARLISTA.
haha.
salamat ng madami.
pray for me ha. :)
gawin mo kung anong makakapagbigay ligaya sa puso mo. wag mo isipin ang sasabihin ng iba. good luck sa kung ano man ang decision mo. :)
tama mahirap tumugon sa isang bagay na hindi mo alam kung mapaninindigan mo pero db pag nandun ka na bibigyan ka pa rin ng pagkakataon para magisip? dasal lang. iilan nga lang ang tinatawag. madalas sabhin ng nanay ko sa isang kaibigan nyang may anak na nagpapari "you must be really proud of your son." hindi ko na tinanong ang nanay ko kung bakit nya sinabi un sa kaibgan nya. nkakaproud naman kc tlga. kung magkakanak ako na may hangarin kagaya ng sa iyo.hinding hindi ko pipigilan..
Post a Comment
Facebook Badge
Profile
Nagpapakilala...
ayoko un. Masyadong pormal.
puede din namang Jose. 'wag pala!
pang matanda.
Ipinanganak sa Lungsod ng
Mandaluyong, lumaki at tumanda sa
Lungsod ng Balanga.
bente anyos. walang asawa.
pero may iniibig.
nag-aaral ako sa paaaralan ng
mga Bayani. at gusto ko din namang
maging bayani.
Bayani sa puso ng pamilya ko,
at bayani sa puso ninyo.
[kung paano?, di ko din alam]
Isa akong lider kabataan sa aming
parokya. pero hindi 'kilusan' ang aming
samahan. Isa kaming grupo ng kabataan
ng parokya na nakatutok sa paghubog
sa aming sarili upang maging kapaki-
pakinabang pa sa aming parokya at lipunan.
madami akong problema. natural sa akin
yun.pati kasi problema ng iba, pinoproblema ko na din. Problema ko din
ang patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo, problema ko din ang kahirapan ng Pilipinas, problema ko din ang muling pagbagsak ng ekonomiya
ng Pilipinas. Problema ko yun, dahil apektado ako nito!
mahilig akong kumain. [tumataba na daw ako!] syempre, merong aangal! mahilig sa kape. Adik sa tsokolate. sipuning bata. [kinalakihan ko na 'to eh.]
marami akong gustong maging.
gusto kong maging inhinyero,
ngunit may hangarin din sa pagpapari.
tanong nyo kung bakit di pa ko pumasok ng seminaryo?
Ang sagot: Gusto ko munang maniguro.
nakakahiya atang mapalabas ng seminaryo!
Gusto ko din baguhin ang takbo ng buhay ng pamilya ko. sympre, katulong ko dito ang mga kapatid ko.
teka. di lang pala pamilya ko, buong angkan namin...
at kung gagawing akong instrumento ng Diyos ng pagbabago, aba, gusto ko din baguhin ang mukha ng mundo.
kahit kapalit pa nito'y ang buhay ko...
pangarap, kailan ba kita maabot?
kausapin mo ko...

sa inyo natutunan ang tunay na ibig sabihin ng paglilingkod...
puntahan mo kaya sila....
- Ang mga lihim ni Hudas
- anghel na walang langit
- ayaw ko ng mag blog
- Beyond Borders
- Blissful Bobby-Soxer
- bojoy's portal
- bro.utoy
- canky is me
- Dedpish
- ginger bread
- hUrtfuL.pRey
- inday, ang sosyal na maid
- Insignia
- isang kilong bigas
- j0yo
- khzr4u is twisted
- kliti ng diyos
- kwento ni enday
- magpasawalanghanggan
- mapanuring panitik
- moving along
- mundong parisukat
- prinsesa
- promdiwood
- revsiopao
- romancinghelena
- thought-pollution
- utak munggo
- webmistress
- yeinechan
Facebook Badge
Followers
TAMA NA ANG PULITIKA. KAMI MUNA!

NO to BNPP!

NETWORK OPPOSED TO BNPP

Blog Prayer Brigade

CURRENTLY READING
Labels
- be loved (4)
- love... by Joseph (4)
- Mga kwento at damdamin ni Mang Jose (39)
- pala-palagay ni Jay (10)
mahal ko yan...
Blog Archive

pero mas mahal ko Siya...
Panginoong Hesus ako ay nakikiisa
sa 'Yong walang hanggan at walang katapusang
'sangkatauhang pag-aalay.
Iniaalay ko ang aking sarili sa bawat araw ng aking buhay
At sa bawat sandali ng bawat araw ayon
sa 'Yong pinaka banal at kagalang-galang na kalooban.
Ikaw ang naging alay para sa 'king kaligtasan.
Nais kong ako'y maging alay mg 'yong pag-ibig.
Tanggapin Mo ang aking ninanasa
Kunin Mo ang aking handog.
Malugod Mong pakinggan ang aking hinaing.
Itulot Mong sa 'Yong pag-ibig ako mamatay,
Itulot Mong sa 'Yong pag-ibig ako mabuhay.
Itulot Mong ang huling pintig ng aking puso ay
maging tanda ng isang wagas na
pag-ibig ng isang wagas na pag-ibig.