DYM, Paalam!
ang tagal kong pinag-isipan ito.
baka ito na rin siguro ang makakapag pagaan ng loob ko.
alam nyo ang nangyari sa mt.samat (kung binasa nyo ang previous posts ko)
at hindi talaga yun naging maganda. siguro yun na rin ang kumalabit
ng gatilyo kaya nakaisip ako ng ganito.
sampung buwan na rin ang nakaraan ng nag election ang youth leaders
para sa posisyon ng Diocesan Youth Secretary. magpapahangin ako ng kaunti,
ito na din ang pang-apat sa pinakamataas na pwesto sa youth ministry ng diocese.
hindi kasi pwedeng ielect ang Diocesan Youth Coordinator at Leader dahil
appointed lamang ang posisyon na ito ng Obispo.
(mayroon akong ibubunyag sa pahinang ito.)
naalala ko nun. sinabi ng direktor namin, ako nalang ang kukunin nyang leader. pero hindi ito pumasa sa obispo. masyado pa daw akong bata at nag-aaral pa.
ayos din naman dahil tama naman ang obispo. di ko talaga kakayanin. alam ko sa sarili ko yun. pero na elect pa din ako sa pagiging secretary.
ano ba ang naging trabaho ko?
mag gawa ng minutes of the meeting, mag gawa ng sulat sa mga pari, youth leaders, pulitiko, pulis, etc. kapag may activities. ok ang trabaho. sakto sakin. kaya ko.
napag sasabay ko pa ito sa pagiging lider kabataan ko sa aming parokya. (Cathedral)
pero nitong mga nakakaraang buwan, di na ayos. madalas nasa akin na lang ang burden. di ko naman inaako ang trabaho, di lang din naman naasign sakin ang isang misyon, pero madalas, kaunti nalang kaming naiiwan sa ere kapag sagsag na sa trabaho.
labing syam kami sa grupo. binubuo ng direktor, coordinator, secretary, formator, at council of 3 sa apat bikarya. pero kapag sagsag na sa trabaho, minsan, hindi pala minsan. MADALAS, 3, 4, o lima nalang kaming naiiwan.
hindi biro ang trabaho sa council. activities, formation at information dissemination sa youth ministry ng buong bataan ang dapat asikasuhin.
napaka taas ng expectation ko sa grupo. pero hindi na meet. ang huling alam kong pinagtrabahuhan talaga namin ay nung nag rally kaming mga kabataan ng bataan nung pumutok ang NBN ZTE deal. siguro nadala kami ng emosyon, kaya nagawa yun. proud naman ako dahil buong tapang na lumabas kami sa kalye, nag release ng aming statement, humarap sa media, na dyaryo, etc. di pa naman kami binomba ng tubig.
pagkatapos nun, wala na.
isa sa pinakamatinding rason ko sa pagbibittiw, wala kasi akong makitang essence ng service. sagsag kami sa trabaho. trabaho nalang palagi. pero ang baba ng spirituality namin. wala man lang inooffer ang mga nasa higher positions tulad ng recollections, retreat, etc. wala.
nakatatak kasi sa isip ko ang natutunan ko sa parokya namin. [ang paglilingkod na walang kalakip na paghuhubog ay mananatiling walang laman!] wala. wala yun.
mag-iisang taon na kaming magkakasama pero wala.
ang tanging naaalala ko ay ang youth camp. pero kami parin ang sagsag sa trabaho. meron pa palang isa. ang National Conference for Youth Ministers sa Iloilo. mapalad ako at kasama ako sa lima na ipapadala ng aming Diyosesis. pero para sa aming grupo, wala.
di ko rin makita ang committment ng mga kasama ko. kung talagang paglilingkod ito, hindi na kailangan ng utos o paghingi ng tulong para tumulong sila. ministry ito at hindi kami nagttrabaho sa kumpanya. pero wala din.
at ito ang kinalabasan ko. burn out.
di ko inakalang aabot sa ganito. di ko inakalang iiyakan ko ang grupong minsan ay ipinagmalaki ko, ang grupo na ipinagpalit ko sa maraming pagkakataon sa buhay ko.
ilang buwan na ang nakakaraan at napapabayaan ko na ang kabataan namin sa parokya dahil mas kinailangan kong mag full time sa diocese. salamat sa mga kapatid kong kabataan sa parokya na naging responsable.
hindi ko alam. pakiramdam ko naging mayabang ako sa entry ko na ito.
masyadong naka sentro sa akin.
pero di ko din masisi ang sarili ko.
uulitin ko. mataas ang naging expectation ko sa grupo, at sa sobrang taas, madami akong pinagpalit. pero gumuho. sayang. di ko nakita ang bunga.
ayokong maging mayabang. ayoko talaga. ang sakit lang kasi talaga.
kakailanganin ko munang magbitiw.
ayoko kasing maglingkod ng wala naman sa puso ko ang ginagawa ko. ayokong maglingkod pero may hinanakit ako sa mga kasama ko.
nagpayo si revsiopao sa akin (Rev. Jhoen) i-address itong issues na ito formally. pero pano? walang meeting na pinapatawag.
sa January 15 - 18, magaganap sa bataan ang Central Luzon Regional Youth Ministry Conference, isang buwan nalang mahigit. sinubukan kong tanungin ang coordinator, ano pong gagawin natin? walang sagot. tinanong ko ang direktor kahapon dahil nagkita kami ng di sinasadya, ngumiti lang. at kagabi, tumawag ang leader. nagtatanong, anong gagawin natin?
haay! palaging ganito. tuwing may activity, palaging tutukan. at dahil tutukan, tambak ang trabaho. at tulad ng dati, pag tambak na ang trabaho, kaunti nalang kaming naiiwan.
sa lahat ng ito, wala naman akong dapat sisihin. alam kong may kanya kanyang gampanin din ang bawat isa sa amin, mayroong teacher, may nagttrabaho, may nag-aaral, may nag-aalaga ng bata, ng may sakit, etc. alam kong abala din sila. at ako, ganun din naman. pero pano na?
at huling dahilan. ayokong magpaka plastik. aaminin ko. asar ako sa mga kasamahan ko na ang gusto lang na trabaho ay yung ma eexpose ang mukha nila sa harap. pero ayaw gumalaw pag wala ng nakakakita. at mga taong magagaling magsalita. magaling mag bigay ng suhestiyon, pero wala naman sa gawa.
ang talim ng salita ko? sorry.
enough. nailabas ko na.
final na ang desisyon ko. pero susubukan ko pa din makipag-usap sa isang kaibigang pari tungkol dito.
patawad po sa inyo mga kasama ko sa council. mahirap ito para sakin. mahirap. tila iikot ang buong pagkatao ko at maraming mababago.
may nagtanung sa akin? kaya mo bang iwan? mahirap sagutin. pero baka kayanin naman. kung ito lang ang paraan para may matira pa para sa sarili ko, kung ito lang ang paraan para ma recharge muli ako. kakayanin ko.
patawad. di ko kayo malilimutan.
minsang tinawag nyo akong david, dahil sa kabila ng pagiging maliit ko, may good heart daw ako. sorry. mabibigo ko kayo.
sabi nyo, kung sa pag lelead lang at sincerity sa trabaho ang titignan, wala na kayong masasabi sa akin. pero patawad. sa gagawin kong ito, hindi ako yun.
hindi ko malilimutan ang lahat ng itinuro at natutunan ko sa inyo.
hindi ko malilimutan ang happy moments. hindi pwedeng masira ang friendship dahil sa gagawin ko. pangako yun.
mahal ko kayo. talaga! mahigit limang taon na ko sa service, pero ngayun lang ako mag dedesisyon ng ganito.
patawad. at kung sakaling makaramdam kayo ng galit sa gagawin ko. sana sapat na ang salitang mahal ko kayo para patawarin ninyo ako.
:(
8 kumento
mukhang marami ang mga bloggers from bataan dito a....so, taga Balanga ka?
that church in Balanga is really beautiful. Pati sa gabi.....walang sinabi ang mga churches namin sa Pangasinan.
...alang araw na ang nakaraan... linggo pa nga... pero alam ko mabigat pa din... dahil wala namang nangyayari... wala ring kumikilos... sa halip na mapagaan ang nararamdaman mo... lalo lang bumibigat dahil sa mga sunod-sunod na pangyayaring naglubog lamang sayo...
...sa lahat ng mga sinabi mo... isa lang ang masasabi ko... naniniwala ako sayo... hindi ka gagawa ng desisyon... ng hindi mo pinagninilayan muna ito...
...nakakalungkot... nakakaiyak... ang sakit... alam ko... dahil hindi naman talaga madaling iwanan ang isang bagay na mahal na mahal mo...
...pero sabi nga natin di ba... minsan kailangang lumisan... para may matutunan... sila.. ikaw.. ako.. lahat tayo.
...wag mo lang kakalimutan ang PANGAKO... kaibigan...
***DYCC... MAG-ISIP! GUMISING KA!
... ilan pa kayang JAY ang nakakaramdam ng ganito...
...sayang...
...nun pa man pinag-uusapan na yan... kung talagang BUO ang samahan... at MAGKAKAIBIGAN...
...bakit parang naging MANHID na lang sa mga nangyayaring ganyan?!
yeine, tama. salamat sa mga payo.
tao nga lang ako, at hindi lang puso ang dapat ipahinga. pati katawan din. salamat. :)
@pusang gala:
tama! PROUD BATAENO ako!
bayan ng mga Bayani at Banal.
salamat at nabisita mo ang amng simbahan. sayang. di man lang ako nasalit sa picture mo sacathedral.
haha.
you can visit www.cathedralparishbalanga.com
for more pics.
mas maamaze ka sa ibang shots dun. :)
ate shayne,
thank you. ikaw ang nakakaalam ng lahat ng nangyari. ikaw ang nakakita.
at alam kong maintindihan mo talaga ako kung bat ako nakaisip ng ganito.
sorry. di ko din inisip na aabot sa ganito.
pero malay natin. full of surprises naman ang Diyos.
baka maayos pa.
ingats ate. sana wag ka munang susunod sakin. kawawa naman sila. hhehehe. :)
sabi ni kuya nin:
pahinga ka muna... until they will realize your absence.. and how your absence affects them
and when you come back, mamahalin ka nila ng sobra sobra....
aww..un nga rn..klngn kc ung sri9li mo rn minsan ang bgyan mo ng importanxa..heheheh..
Post a Comment
Facebook Badge
Profile
Nagpapakilala...
ayoko un. Masyadong pormal.
puede din namang Jose. 'wag pala!
pang matanda.
Ipinanganak sa Lungsod ng
Mandaluyong, lumaki at tumanda sa
Lungsod ng Balanga.
bente anyos. walang asawa.
pero may iniibig.
nag-aaral ako sa paaaralan ng
mga Bayani. at gusto ko din namang
maging bayani.
Bayani sa puso ng pamilya ko,
at bayani sa puso ninyo.
[kung paano?, di ko din alam]
Isa akong lider kabataan sa aming
parokya. pero hindi 'kilusan' ang aming
samahan. Isa kaming grupo ng kabataan
ng parokya na nakatutok sa paghubog
sa aming sarili upang maging kapaki-
pakinabang pa sa aming parokya at lipunan.
madami akong problema. natural sa akin
yun.pati kasi problema ng iba, pinoproblema ko na din. Problema ko din
ang patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo, problema ko din ang kahirapan ng Pilipinas, problema ko din ang muling pagbagsak ng ekonomiya
ng Pilipinas. Problema ko yun, dahil apektado ako nito!
mahilig akong kumain. [tumataba na daw ako!] syempre, merong aangal! mahilig sa kape. Adik sa tsokolate. sipuning bata. [kinalakihan ko na 'to eh.]
marami akong gustong maging.
gusto kong maging inhinyero,
ngunit may hangarin din sa pagpapari.
tanong nyo kung bakit di pa ko pumasok ng seminaryo?
Ang sagot: Gusto ko munang maniguro.
nakakahiya atang mapalabas ng seminaryo!
Gusto ko din baguhin ang takbo ng buhay ng pamilya ko. sympre, katulong ko dito ang mga kapatid ko.
teka. di lang pala pamilya ko, buong angkan namin...
at kung gagawing akong instrumento ng Diyos ng pagbabago, aba, gusto ko din baguhin ang mukha ng mundo.
kahit kapalit pa nito'y ang buhay ko...
pangarap, kailan ba kita maabot?
kausapin mo ko...

sa inyo natutunan ang tunay na ibig sabihin ng paglilingkod...
puntahan mo kaya sila....
- Ang mga lihim ni Hudas
- anghel na walang langit
- ayaw ko ng mag blog
- Beyond Borders
- Blissful Bobby-Soxer
- bojoy's portal
- bro.utoy
- canky is me
- Dedpish
- ginger bread
- hUrtfuL.pRey
- inday, ang sosyal na maid
- Insignia
- isang kilong bigas
- j0yo
- khzr4u is twisted
- kliti ng diyos
- kwento ni enday
- magpasawalanghanggan
- mapanuring panitik
- moving along
- mundong parisukat
- prinsesa
- promdiwood
- revsiopao
- romancinghelena
- thought-pollution
- utak munggo
- webmistress
- yeinechan
Facebook Badge
Followers
TAMA NA ANG PULITIKA. KAMI MUNA!

NO to BNPP!

NETWORK OPPOSED TO BNPP

Blog Prayer Brigade

CURRENTLY READING
Labels
- be loved (4)
- love... by Joseph (4)
- Mga kwento at damdamin ni Mang Jose (39)
- pala-palagay ni Jay (10)
mahal ko yan...
Blog Archive

pero mas mahal ko Siya...
Panginoong Hesus ako ay nakikiisa
sa 'Yong walang hanggan at walang katapusang
'sangkatauhang pag-aalay.
Iniaalay ko ang aking sarili sa bawat araw ng aking buhay
At sa bawat sandali ng bawat araw ayon
sa 'Yong pinaka banal at kagalang-galang na kalooban.
Ikaw ang naging alay para sa 'king kaligtasan.
Nais kong ako'y maging alay mg 'yong pag-ibig.
Tanggapin Mo ang aking ninanasa
Kunin Mo ang aking handog.
Malugod Mong pakinggan ang aking hinaing.
Itulot Mong sa 'Yong pag-ibig ako mamatay,
Itulot Mong sa 'Yong pag-ibig ako mabuhay.
Itulot Mong ang huling pintig ng aking puso ay
maging tanda ng isang wagas na
pag-ibig ng isang wagas na pag-ibig.