Posted by Jay in

Usapang Love.

ikalawang parte.


meron akong gustong i share. nabasa ko ito sa isang blog na first time ko pa lang napuntahan. o wag ka munang umangal! nangopya nga ako, pero pinagpaalam ko naman. bat ba!.

pwede na ding continuation ito ng usapang love...

ewan ba. bat trip ko ang mga ganitong entry ngayun. pero pramis mag eenjoy ka.

may kahabaan nga lang. umupo ka na. tumitig sa iyong monitor at damhin ang bawat eksena.

malay mo. makita mo ang sarili mo. wink.

o sya. eto na sya.



ANG MGA BABAE TALAGA OO
by redrope


*grabe. usapang lalake*

*sindi ng yosi*

*hithit*

*buga*

Musta na, pare? Ako, okay lang. Eto. Nagmumuni-muni. Nag-iisip. Minsan talaga may mga bagay na hindi ko maintindihan. Ewan ko ba.

*hinga ng malalim*

Bakit ba ganun pare, ilang beses ko na pinag-aralan pero lagi na lang lumalabas na parang kahit 'sang anggulo mo tingnan, hindi nagiging patas sa mga lalake ang ilang bagay pagdating sa pagmamahal.

*tingin sa stars*

Minsan naiisip ko,

alam kaya ng mga babae ang hirap ng lalake na gumawa ng first move para magtapat ng pagmamahal?

E yung hirap na dinadaanan sa panliligaw at pagsuyo sa mahal nya?

Ang feeling ng masaktan pag nabasted?

Malamang-lamang siguro, hindi ano. Wala naman yata silang alam sa mga paghihirap naten e. Ang alam lang kasi nila e mamili, manakit, at magsaya. Tingin mo?

*tingin sa malayo*

Lagi naman ganun. Una pa lang,

lalake na ang naghihirap.

Hassle saten ang panliligaw pero bago pa yun, kung ano pang diskarte ang gagawin naten para masabi naten sa kanila na mahal natin sila. Alam kaya nila yun?

Mahirap magsabi na mahal mo na yung babae, diba?

Tapos liligawan pa naten. Patutunayan na mahal nga sila. Susuyuin to-the-max.Maghahatid sa bahay, tutulungan, sasabayan, palalamunin, pagtyatyagaan, lahat na. Kulang na lang e pagsilbihan mo nang walang sahod.

At ano ang kapalit?

Well, depende sa trip nila.

Oo tol, sa trip lang nila. Wala silang pake kesehodang mahal natin talaga sila. Basta ang alam nila, pag di nila tayo trip, isang malaking HINDE ang makukuha naten,kahit umiyak pa tayo ng dugo o lumuhod sa mga asing buu-buo. Para lang silang namimili ng damit na di man lang sinusukat bago ayawan.

Kaya kahit mahal na mahal na mahal na mahal natin, sorry tayo.

Hindi nila alam kung mahal mo sila. Kailangan mong maabot ang kanilang mga standards o uuwi ka lang na bad trip, iiling-iling, at minsan, luhaan.

Wala tayong magagawa, marami silang alibi.

"Hindi pa 'ko ready eh..",


"Sorry pero I think we should just be friends..",


"Ha? Uhhmm..nagpapatawa ka ba? Hahahaha.."

"Better luck next time na lang muna, okay lang?",

"Give me a decade. Pag-iisipan ko muna..",

" Para lang kitang kapatid e..",

yaddah yaddah. Isang malaking pagsasaklob ng langit at lupa 'yon para saten.

*kuha ng bote ng beer*

*lagok*

*lunok*

At hindi lang 'yon tol. Sa pre-relationship stage pa lang yon. Pag sinagot na nila tayo, satin pa rin ang hassle.

Tayo daw ang ang lalake kaya tayo ang hahawak ng relasyon. Tayo ang aayos kung may gulo; tayo ang dapat magpapakabait; tayo ang magtatyaga; tayo ang magiging devoted at faithful; tayo, tayo tayo.

Sila? Ummm? Teka, isipin ko.

Ayun.

Sila ang magsasbi kung anong oras kayo dapat magmeet; sila ang magtetext ng mga mushy at kabalbalang texts; sila ang magdedemand sayo ng kung anu-ano; sila ang magbabawal; sila ang magsasabi kung kelan ka dapat mag-shave, kung kelan ka pwedeng tumawag sa bahay nila, kung kelan sila di dapat bad tripin dahil meron sila, at kung kelan ka korni.

Ewan. Ganun ata talaga.

*kuha ng bote ng beer*

*lagok*

*lunok*

Hindi pa yun tapos pare, dahil dapat tayo ang
bahala kung ano ang magiging takbo ng relasyon. Pag maganda, edi okay, Pag may problema, kasalanan naten. Haay buhay. Minsan talaga kung tutuusin sakit sila ng ulo. Kaya lang mahal naten kaya di na natin iniintindi yun.
*hinga ng malalim*

Pero alam mo tol,

feeling ko mas sincere pa tayo magmahal sa kanila. Alam mo yun, iba tayo magmahal e. Hindi lang parang laru-laro lang. Seryoso. At kung magmahal man tayo, lubus-lubusan. Mas mature. Hindi yung parang pambata lang gaya nila na kesyo magseselos-selos, iiyak-iyak, iina-inarte, dadradrama, at kung anu-ano pa. Hindi lang kababawan. Ka-mushyhan. Kababaihan. Iba tayo pag nagmahal.

*hinga ng malalim* *tingin sa malayo ulit* At ito pa ang pinakamasaklap. *singhot* Ang ending ng relasyon. Sa mga panahong 'to, either

sawa na sila,

hindi na tayo trip,

may nahanap na silang better saten,

o kaya they need f*cking space and time muna.

Bad trip no? Wala na naman tayong choice. Sila ang masusunod.

At ano pa ang kasamang hassle don?Syempre wasak na ang imahe naten. Tayo an= lalabas na may kasalanan.Na playboy.

Na nagpapaiyak.

*iiling*

Tayo siyempre ang mga

antagonist at sila yung mga bidang inaapi at parang mga pusang iiyak-iyak.

Ang ending: mag-ooffer sila ng "friendship" kuno matapos tayong pagsawaan, lahat ng gifts naten nasa kanila, sawi tayo sa pag-ibig, "player" na ang image naten, at higit sa lahat, mag-iisip kung papaano ipagpapatuloy ang buhay. Maiiwan tayong tulala, mag-iisip kung saan nagkamali, mamomroblema sa pag-aadjust sa pagiging single, at di na naman makakatulog.
Haay buhay. Ang hirap maging lalake. Lagi ka na lang naiiwan sa ere. Ano? Hindi ka na nagsalita? In-love ka no? Ako, kamusta? Eto.Yoyosi-yosi. Bubuntong-buntong hininga. Titingin-tingin sa bituin. Mumuni-muni. Lalagok-lagok ng alak.

Ang mga babae talaga, oo.

samantala.

eto naman si babae. may sarilng hinagpis din.

heto:

ANG MGA LALAKE TALAGA, OO
(tugon kay redrope)
by xristel

Ano ba itong si redrope? Kaming mga babae na naman ang nakita. Lalake, agrabyado. Lalake, kinakawawa. Lalake, hindi maintindihan. Hmmp, parang masyado yatang nagisa ang mga kabaro ko. Tungkol sa pagiging patas sa ngalan ng pag-ibig, kami naman ang laging talo a, hindi kayo. Kami ang laging lugi, kami ang lagging nawawalan at iniiwan. Kapag ngumiti ka na ng konti, nag-ayos ng konti pagkakamalan ka nang malandi. Hindi pangseryosohang relasyon. Marinig lang nila na malakas kang magsalita, palengkera ka na. T.O. kagad sa kanila iyon. Mahilig silang tumingin sa mga babaeng sexy manamit, kulang nalang makita na kaluluwa. Pero kapag babaeng seryosohin at gustong ligawan dapat disente, dapat mala-anghel ang mukha, dapat mukhang inosente. Tapos kami pa raw ang mahilig mamili?

Parang baliktad yata?

Ok, ayan nanliligaw na si lalake. Dapat pakipot ka para suyuin ka,para habulin ka pa lalo.

Kapag hindi ka naman nagpakipot "easy to get" naman ang tingin sa iyo.

Hindi ka na seseryosohin. Sino bang may sabing magpaalila kayo, di naman namin hawak ang buhay niyo. Natural lang na magtiis kayo, may gusto kayo sa amin eh. Kapag nakuha niyo na iyon wala na lahat ng mga paghihirap niyo, babaliktad na ang sitwasyon kami naman ang mamromroblema. Para lang kayong may gustong bilhin na bagay. Upang mabili ito kailangan munang magsakripisyo, magtipid, magtiis. Pag nabili na at mapagsawaan wala na, balewala na. Diyan ka na sa tabi-tabi!
..

"Tawagan nalang kita pag trip ko o kaya'y pag may gusto akong ipagawa sa iyo."

Ano pa ba? E di sinagot mo na diba. Utang na loob pa natin yun. Dahil naghirap daw sila sa panliligaw dapat masuklian natin iyon ng higit pa. Sa umpisa kailangan malambing ka, maayos at laging magsisilbi sa kanya. Ayaw daw nilang humawak ng relasyon, pero kapag ikaw naman ang nagmando, aba, masasakal naman. Sasabihin pa sa iyo

"demanding" ka.
Meron ka pang maririnig na "I think we need space"
at kung anu-ano pang ek-ek. Sino rin may sabing dapat kami magpakabait, maging devoted at faithful? Kapag kami ang sumaway niyang mga iyan, iba na ang tingin sa amin.

Malandi na kami, haliparot, pakawala, makikay at kung anu-ano pang mga bansag ang itatawag sa amin.

Kapag kayo gumawa noon, ok lang. Lalake kayo eh, macho kayo pag ginawa niyo yon. Kaya kami, walang magawa. Magpapakaburo at
magpapakamadre nalang. Kapag nagloko na kayo ano pa bang magagawa namin? Eh di iiyak nalang. Wala namang ibang magagawa eh.

Tungkol naman sa tinatawag niyong pagdedemand namin. Hindi kami nagdedemand! Karapatan lang namin iyon. Karapatan namin na lambingin niyo kami, icheck at ipakita! sa amin na mahal niyo kami.

Hindi rin ibig sabihin na mas sincere kayo sa amin. Seryoso rin naman kami ah. At ang maturity wala yan sa edad. Mas maaga nga kaming magmature sa inyo. Ang isang 19 year old na lalake eh, isip 15 pa yun. It follows iyan sa lahat ng age group. Mas mataas pa nga kung minsan ang pagbawas ng level of maturity. Kayo na ang mag-math. Pati yung pag-iyak namin pinupuntirya niyo. Kesyo drama daw. Diba kapag umiyak ka nagbuhos ka ng emosyon diyan. Ano tingin niyo sa amin mga artista?!

Yun bang kulang nalang ay lumuha ka na ng dugo, pero hindi ka pa rin papansinin. Sasabihan ka pang tigilan na ang pagdradrama.


e yung mga halos 10 beses nang pa-ulit ulit at napaka stupid na excuses niyo pag nabibisto kayo sa mga kagaguhan niyo? hindi ba kadramahan yun?

kesyo:

"hindi ko sinasadya.. nadala lang ako"

"si _____ pinag seselosan mo? wala lang yun!"

pero mas naalala mo pa siyang itext kesa sakin...

"hindi na ko uulet. PROMISE"

"mas mahal naman kita kesa sa kanya"

with matching sad face pa! yuck!

Alam niyo iyon?

Hindi niyo kami maiintindihan kapag nagseselos kami.Bakit naman kami magseselos kung wala kaming nakikita? Mas iba kaming magmahal. Mas masarap.

at Kapag natapos na ang lambingan, eh di siyempre iwanan blues na.Kami pa raw ang nagsawa, kami pa raw ang nagtritrip lang. Sino ba ang lumalayas kapag may nakita nang bago, sino ba ang mayabang, sino ba ang nagmamalaki? Kami ba? Kami ang walang choice. Kasi ang babae pag sinabing "break na tayo" lambingin lang iyan ng konti balikan blues na iyan.

Kapag ang lalake ang umayaw, pucha, bahala ka diyan.

Kahit mag-tambling ka pa sa harap niya. Wa-epek. Umiyak ka ng bato.Wa-epek. Tsk, tsk, tsk. Tapos sila pa raw ang kawawa.

Post-break up, mahal pa ng babae si lalaki. Sasamantalahin ni lalaki. Magpapagawa ng kung anu-ano.


Naaalala ka lang kapag may kailangan sa iyo.

Kapag pumangit ka after the break up, magpapasalamat sila na iniwan ka nila. Kapag gumanda ka naman, ipagkakalat nila sa buong sangkatauhan na naging girlfriend ka niya. Sala sa init sala sa lamig talaga.

Ano ba namang buhay to? Ang hirap ding maging babae ano. Kala nila laging sila nalang. Lagi rin kaming naiiwan sa ere. In-love din kami.

Ang mga lalake talaga, oo.






oha.oha.

naguluhan ka noh?

magulo talaga magmahal.

sinasabi ko nga ba e,

di ako mag-aasawa.


ILOVE YOU LORD!


*wink

This entry was posted on December 15, 2008 at Monday, December 15, 2008 and is filed under . You can follow any responses to this entry through the comments feed .

16 kumento

Anonymous  

napadaan lang din! babalik ako promise! ^^ hehe!

12:40 AM
Anonymous  

ang masasabe ko lng e DONT BE An IDIONT!

usapang love?

visit my blog PRE

http://jex009.blog.friendster.com/2008/11/koyah-jex-anoh-poh-ang-love/#comments

http://jex009.blog.friendster.com/2008/08/unang-pasiklab/#comments

1:27 AM
Anonymous  

Dumaan uli..

Usapang love? well, atleast sa blog mo hindi bias.. anjan ung side ni lalake at side ni babae?

Pano kaya mga bakla? hehehe la lang naisip ko lang... diba mas mahirap yata yun side nila... Ahihihi..

thanks for the visit sa blog ko! GBU po!

12:06 PM
Anonymous  

...men are from mars... women are from venus..


... ang dami kong gustong icomment... nag-uunahan sa utak ko ai... hahaha...

paghahandaan ko to... magbabalik ako... hahahah!

...ayaw pala mag-asawa ha... kaya pala may plurk plurk na.... I NEED... hahaha! BEEEEHLAT!

uhm... last comment muna... saka na yung mahaba...

uhm... being one of the boys...(hahaha) hala... madami ako pwede iwento... layk... ayaw sagutin... tapos hahanap hanapin... HAIZT anu ba yan!?! ^_^ BEEEEHLAT!

...uhm... sbagay... aqu rin ganun... hahaha... umamin daw ba?!


...teka... si teentoinks tinanong "paano ang mga bakla...?" ... tanung q kaya kay.... ^_^

aqu naman ang tanong ko... pano naman ang mga tibo...? ah... alam ko na nga pala. hahaha!

waaaaaah... JOSEPH QUICHO... KUMPLETO NA KAMI!... DEBATE NA! DEBATE! hahaha..

(yan muna for now... nangangati na kamay kong gumawa ng bagong blog..)

6:06 AM

Waa! Grabe. So true. :| :[

2:50 PM

@kuya bon

ok po.. reader ko din po kayo e.
surenes po. asahan ko po kayoo.. :)

3:11 PM

Jex Saah paahk:

ha?
di ko maintindihan sinabi mo.
ewan ko sayo.
hahaahah.

3:12 PM

hello teentoinks!

ay, ibang usapan na po ata pag bading..

yung bading naman kasi parang lahat gagawin nila makuha lang nila yung boy. pero pag nakuha na din ng boy ang gusto nila, wala na.



ay. tangangers. hahahha. boys nnaman ang masama!


grabeng buhay to! hindi na fair!
ahahahha.

makapag gawa nga ng usapang tomboy para siguradong kami na ang dehado.

wink.

sorry..
peace po tayu.. ehehhe.

3:14 PM

@jam:

hala? anung so true po?

na hindi ka na din mag aasawa?
hahaha.

joke.

:D

3:16 PM
Anonymous  

aba aba.. tinutoo mo nga ang pag-copy paste^^

pag lab talaga ang entry no, nakakaloka:)

6:58 PM

@stormy,
ahahha.
ou e. tinotoo ko..

e kasi naman.
sigurado akong may mga kasama
akong mag rereact.

specially si gf.
haha.

ingats.
salamat sa pagdaan. :D

9:27 PM
Anonymous  

astig naman ng post na toh. hehehe :)

10:20 PM
Anonymous  

tutal copy-pasted naman ang entry mo, kokopya din ako ng comment:

"napadaan lang din! babalik ako promise! ^^ hehe!" {kinopya kay bons... ha ha!)

salamat sa ctrl-c at ctrl-v.

pwamis... babalik ako! give me 48 years. toinks!

12:29 AM

hey jay...

this catched my attention few years back... find out how i answered the "USAPANG LALAKE" in my friendster blog... entitled... "USAPANG BABAE"..
yeah... madaming versions ng sagot sa usapan NYO...

just so u know...

6:34 PM

ate azel!

mag aasawa na pala si bestfriend mo noh. parang wala pang isang buwan nung napag usapan natin yung pag-aasawa ni ate,
magpapakasal na agad siya. hehe.

ang bilis.
mamimiss ko si ate ko.

mula kasi nung nag aral siya sa manila, di na kami nakumpleto sa bahay. :(

pero super happy naman ako for her. :)

8:37 PM
Anonymous  

wee ang galing naman po nito.. may sariling point of view ang bawat sides..hehehe

tska ang dameng na pag usapang issues talaga..nice one galing galing talaga..hahahaha

9:31 AM

Post a Comment