usapang love...
may mahigit anim na bilyong tao sa ating mundo,
ang ilan dito ay maaringnakita mo na sa araw-araw...
nakabangga mo na, nakausap, o maaaring di mo napansin..
kilala mo man o hindi, bawat isa sa mga taong yan ay may kanya-kanyang
kwento, may kanya-kanyang kasiyahan, at hinanakit.
ngunit iisa lamang ang tangi nilang hangad, ang magmahal, ang mapamahal,
at higit sa lahat, angmahalin...
ang matagpuan ang kaisa-isang nilalang na kayang magbigay ng kahulugan sa buhay mo..
ang inaasam na makapiling sa hirap o ligaya.. lahat ay gagawin, matagpuan lamang ang iisang tao na nilaang makasama. at kahit saan, ay hahanapin, makita lang ang nakatakdang mahalin.
ito ay isa lamang sa napakaraming kwento ng paghahanapan ng kaligayahan at pagmamahalan...
wala naman nag sabi na kapag ang dalawang tao ay piniling magkasama, na ang bawat sandali ay puno lamang ng ligaya...
kasi nga, walang dalawang tao ang magkaparehong magkapareho.
at dahil na rin sa pagkakaiba ng dalawang tao, kaya ang pagmamahalan ay
umuusbong..
... at ang lamat ng di pagkakaintindihan ay nagsisimula.
ganyan talaga ang relasyon, magkapareho, magkaiba, magkasama!
wala naman taong wang taglay na kapintasan, at ang pagkukulang na ito
ang nagbibigay lalim sa pagsasamahan..
o maari ring maging dahilan kung bakit napakaraming damdamin ay kaydaling magwakas...
..... 48 years ka ng nagtatanong kung bakit mahal-na mahal mo sya, pero ang layo naman ng ugali nyo sa isa't isa!
domenante, nagger, selosa (seloso),
ma late lang ng konti sa pagtext, away na..
may malimutan lang na okasyon, gera na!
yung bang alam na nilang wala ka sa mood dahil sa pagod,
nag eexpect pa din ng sobra.
.... paulit-ulit naman kung magkwento, at dapat nakikinig ka.
kung hindi, kukulitin ka, dededmahin ka ng isang linggo.
tapos magtatampo, dahil taken for granted sya,
NGUNIT PAG WALA NAMAN ANG LAHAT NG ITO,
parang di ka naman kuntento, parang kulang, di maingay, sobrang tahimik,
di ka mapakali, gusto mo ng manuntok, kasi....
miss na miss mo!
O ANUNG PROBLEMA? wala naman diba?
....mahal mo ba?
e pano kung mang-iwan sya tulad ng iba?
... baket? pareho ba sila ng pangalan?
kahit pareho pa sila ng pangalan, magkaiba pa din sila!
hindi ka naman kasi talaga makaasiguro, di mo masasabing di ka na masasaktan ulit,
hindi mo masasabi na hindi kayo magkakaroon ng problema, pero...
di rin natin alam na hindi kayo magiging maligaya! oha. oha.
e parte lahat yan ng pagmamahal e..
not knowing, is the sweetest mystery in loving another person, and how much you can love,
is the greatest discovery you can have of your self!
yan naman kasing ideal-ideal na yan, iba ang ibig sabihin pag bata ka at inlove...
yung tinginmo sa mahal mo, walang mali, perpekto, at mananatili syang ganun.
pero habang tumatagal, mas nakikita mo ang totoo sa kanya... na hindi sya perpekto katulad mo, katulad ng kahit sino..
kung talagang mahal mo sya, matutunan mo ring tanggapin ang hindi perpekto sa kanya,, at ganun din sya sayo... at ang pinakamaling bagay na dapat matanggap sa isa't isa, ay yung magkaiba kayo. at patuloy kayong magbabago. mahirap. pero ganun talaga.
nagmamahal tayo eh!
script from a tagalog movie...
pag nag-away kayo, try mo kaya ito?
makulit ka...
pakialamera ka...
walang preno yung dila mo...
mainitin ang ulo mo...
minsan nakaka bwisit na.
at dahil ganyan ka, may narealize ako...
mahal na mahal kita...
magtatnung sya: anu ulit ang sinabi mo?
sasagot ka: narinig mo na e, ipapaulit mo pa..
magwawalk-out sya.
sisigaw ka pa din, "mahal na mahal kita!"
walk-out pa din.
hahabulin mo.
at matitisod ka.
at titilapon sa kanya ang petals ng rose.
oha.oha.
carry mo kaya yun?
anyway. balik tayo.
yan lang naman ang tanging hangad ng bawat tao, ang makapiling ang kaisa-isang nilalang na itinalaga ng kapalaran na makapiling sa bawat saglit ng nalalabing buhay..
at malay mo, nandyan lang siya... malay mo, nasa tabi mo lang...
[tingin ka nga sa katabi mo... pls. one time lang.] wink. :D
14 kumento
shat ka! wala akong katabi! parang nananakot ka lang ah! hahahahaha!
ewan ko sayo! may script at plot pa ng NOW THAT I HAVE YOU dito! hahahahahaha..
Jay.. from a girl's point of view ah..
GUYS SHOULD REALLY TELL THE TRUTH! AGAD! as in AGAD AGAD! PAG MAY PROBLEMA! tendency nyo kase, itatago nyo eh. hanggang sa pati yung relationship nyo with the girls maapektuhan na..
tapos pag malaki na yung prob, dun palang kayo magsasabi wherein yung the only solution is break up ang lumayo sa isa't isa
naniniwala naman kase ko na lahat nadadaan sa MAAYOS na communication. :)
@bloom
ouch.
ang hapdi naman nun.
parang nasapak ako.
:))
@anonymous (izza)
ahahha
anu daaw? anonymous pero may name.
di kasi nagpapakilala e.
anyway.
si bloom talaga ang expert sa ganito e.
wag mo ng itanung kung bakeet.
baka mali ang masagot ko..
ahahahha.
pero may advice ako....
hmm
move on! :)
hmm. actually i dont believe in the whole she bang thing about love anymore especially the happily ever after stuff
but the thing is humans are quite impulsive when it comes to love. they never think nor see just use their instinct. its a downfall but we like the feeling of it the euphoria it gives, the jitters, the gooseflesh as if we can never live without it. well in fact we do need it. it's a part of us that's what make humans unique.
gusto kong magcomment...
inlove ang bunso ko... di pwedeng itanggi...
hirap naman.... pag nangungulet... naiinis ... pag hindi naman... namimiss... ahsyusmeyoneiys na may ketsup!
dagdagan ko sinabi ni bunso...
...compatible daw dapat... sabi nila... sa akin... nagiging compatible... kapag pinupunuan ng isa ang pagkukulang ng isa... anu daw? hahaha...
eeeeeeeeeh wait lang....
...we just want to feel na kaparte nyo kami sa buhay nyo... girlfriend nga eh... hindi pang display...
...ganda naman naming pangdisplay... hahaha! yan na naman po! ahehehe! peace bunso... labyou!
ang swit nmn neto..medio nangilid mga luha ko ah..tnamaan yta ko..
ahahha.
puro sermon ang natanggap
ko sa entry na ito ah!
thanks ate shayne.
pero walang tatalo sa virus nyo..
ahahha.
o baka naman nasa amin ang virus?
di nga kaya?
haha.
@jaja:
bat ka naman natamaan?
hahahha.
girls talaga o.
pakipot kasi ang girls e.
wahahaha
anu daaw?
joke lang yun.
masasapak nako dito e.
well ganyan talaga buhay parang life.. hehe..
may dadaan sa buahy pero di natin alam kung hanggang kelan xa magtatagal.. pero ito lang masasabi ko..
"habang anjan pa xa..pilitin mong maging masaya sa piling nya.. at ganun din xa sayo" kasi may mga bagy na di na mauulit.. :(
tnx sa pagdaan.. sa uulitin tol :)
arroooy ko po.
sermon ulit.
ahahha.
bakit ko nasabing sermon?
e tinamaan ako e.
hahahhaa.
salamat jen.
ps. galing naman.
nakapafeminine naman pala ng name mo e.
akala ko boy ka.
yung title kasi ng site mo.
painuminmoko.idlip.net
hehe. ngats.
salamt. sa uulitin. :D
Hahahaahah!! napanood ko yung movie na yun! :)
Nakuuu. usapang love. Uhm. medyo wala akong macocomment dyan. Pero agree naman ako sa mga sinulat mo. :)
Post a Comment
Facebook Badge
Profile
Nagpapakilala...
ayoko un. Masyadong pormal.
puede din namang Jose. 'wag pala!
pang matanda.
Ipinanganak sa Lungsod ng
Mandaluyong, lumaki at tumanda sa
Lungsod ng Balanga.
bente anyos. walang asawa.
pero may iniibig.
nag-aaral ako sa paaaralan ng
mga Bayani. at gusto ko din namang
maging bayani.
Bayani sa puso ng pamilya ko,
at bayani sa puso ninyo.
[kung paano?, di ko din alam]
Isa akong lider kabataan sa aming
parokya. pero hindi 'kilusan' ang aming
samahan. Isa kaming grupo ng kabataan
ng parokya na nakatutok sa paghubog
sa aming sarili upang maging kapaki-
pakinabang pa sa aming parokya at lipunan.
madami akong problema. natural sa akin
yun.pati kasi problema ng iba, pinoproblema ko na din. Problema ko din
ang patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo, problema ko din ang kahirapan ng Pilipinas, problema ko din ang muling pagbagsak ng ekonomiya
ng Pilipinas. Problema ko yun, dahil apektado ako nito!
mahilig akong kumain. [tumataba na daw ako!] syempre, merong aangal! mahilig sa kape. Adik sa tsokolate. sipuning bata. [kinalakihan ko na 'to eh.]
marami akong gustong maging.
gusto kong maging inhinyero,
ngunit may hangarin din sa pagpapari.
tanong nyo kung bakit di pa ko pumasok ng seminaryo?
Ang sagot: Gusto ko munang maniguro.
nakakahiya atang mapalabas ng seminaryo!
Gusto ko din baguhin ang takbo ng buhay ng pamilya ko. sympre, katulong ko dito ang mga kapatid ko.
teka. di lang pala pamilya ko, buong angkan namin...
at kung gagawing akong instrumento ng Diyos ng pagbabago, aba, gusto ko din baguhin ang mukha ng mundo.
kahit kapalit pa nito'y ang buhay ko...
pangarap, kailan ba kita maabot?
kausapin mo ko...

sa inyo natutunan ang tunay na ibig sabihin ng paglilingkod...
puntahan mo kaya sila....
- Ang mga lihim ni Hudas
- anghel na walang langit
- ayaw ko ng mag blog
- Beyond Borders
- Blissful Bobby-Soxer
- bojoy's portal
- bro.utoy
- canky is me
- Dedpish
- ginger bread
- hUrtfuL.pRey
- inday, ang sosyal na maid
- Insignia
- isang kilong bigas
- j0yo
- khzr4u is twisted
- kliti ng diyos
- kwento ni enday
- magpasawalanghanggan
- mapanuring panitik
- moving along
- mundong parisukat
- prinsesa
- promdiwood
- revsiopao
- romancinghelena
- thought-pollution
- utak munggo
- webmistress
- yeinechan
Facebook Badge
Followers
TAMA NA ANG PULITIKA. KAMI MUNA!

NO to BNPP!

NETWORK OPPOSED TO BNPP

Blog Prayer Brigade

CURRENTLY READING
Labels
- be loved (4)
- love... by Joseph (4)
- Mga kwento at damdamin ni Mang Jose (39)
- pala-palagay ni Jay (10)
mahal ko yan...
Blog Archive

pero mas mahal ko Siya...
Panginoong Hesus ako ay nakikiisa
sa 'Yong walang hanggan at walang katapusang
'sangkatauhang pag-aalay.
Iniaalay ko ang aking sarili sa bawat araw ng aking buhay
At sa bawat sandali ng bawat araw ayon
sa 'Yong pinaka banal at kagalang-galang na kalooban.
Ikaw ang naging alay para sa 'king kaligtasan.
Nais kong ako'y maging alay mg 'yong pag-ibig.
Tanggapin Mo ang aking ninanasa
Kunin Mo ang aking handog.
Malugod Mong pakinggan ang aking hinaing.
Itulot Mong sa 'Yong pag-ibig ako mamatay,
Itulot Mong sa 'Yong pag-ibig ako mabuhay.
Itulot Mong ang huling pintig ng aking puso ay
maging tanda ng isang wagas na
pag-ibig ng isang wagas na pag-ibig.