LENTEN REALIZATION. 
sa totoo lang, ang daming pumapasok sa utak ko araw-araw, kaso pag naiisip ko ng
isulat, inaantok na ko.
nawala na ata ang passion ko dito.
pero hindi maaari.
dito ko nga lang naisusulat ang mga bagay na di ko kayang sabihin ng harapan.pipilitin kong bumalik ang zeal, ang fire sa pag blog.
i need wine!
PERO, hindi lang ako sa blogging nangangailangan ng wine sa mga oras na ito.
dahil ang mismong buhay ko ngayon, pakiramdam ko, NAUUBUSAN NA NG ALAK.
anung connect ng wine?
yun ang fuel ng buhay natin. "wine"
remember when Mary said to Jesus, "They have no wine!"
ang alak daw sa scriptures ay tanda ng JOY.
tanda ng buhay..
pero hindi gin. hindi vodka. hindi fundador.
wine. yung tipong pa zip zip lang.
ang alak ay sign of joy, ang alak ay sign of excitement..
kaya kapag bored ka na sa buhay mo, kapag gusto mo ng sumuko, kapag burnout ka na sa buhay mo, ay ibig sabihin.
WALA KANG WINE. ibig sabihin, parang walang joy, parang walang direksyon ang buhay..
parang walang bubbles parang walang saya ang buhay!
fortunateley gusto ng Diyos, may wine ang buhay natin.. unfortunately kapag nauubos na ang wine natin, nasasanay tayo na tubig nalang ang iniinom.
ibig sabihin, God wants us to enjoy life, ang gusto Niya for us exciting life!
pero pag naubos na ang wine natin, madalas sa hindi, hindi naman tayo naghahanap ng bagong wine...
ang ginagawa natin, we just drink tasteless bland water!
pero hindi naman yata kalooban ng Diyos na tubig lang ang iniinom natin, tubig na walang lasa.
sapagkat ang gusto Niya para sa atin, matamis na alak ang palagi nating iniinom.
ano ang madalas na substitute sa mga nawawalang alak sa ating buhay?
-pinagkikwentuhan ang ibang tao.. substitute yan. sumasaya tayo e! kasi pinagkkwentuhan natin yung wala. na-eexcite tayo e. kasi anung epekto nun?
kaya natin pinagkkwentuhan ang wala, kasi dito natin nakukumbinse ang sarili natin na "mas magaling talaga ako sa kanya!" we have no wine.
we substitute it by talking about other people.
-bumago ka ng bumago ang desisyon, bumago ka ng bumago ng relationship, bumago ka ng bumago ng plano sa buhay. we have no wine. we are just drinking tastless water.
-pwedeng drugs, alcohol, yosi, unlimited text, unlimited internet.di na tayo makatulog. chat ng chat. plurk ng plurk.
lahat ito ay substitute. hindi naman kasi talaga natin binabalikan yung nawalang tamis sa buhay natin. puro nalang substitute kung kani-kanino, kung saan-saan.
and yet, at the end of it, kapag wala na tayong makuhang substitute, babalik din tayo sa sarili natin at marerecognize natin na WALA PARIN TAYONG LAMAN.
ito yung mga bagay na para lang PANSAMANTALANG MAKALIMOT LANG TAYO...
pero hindi ko sinabing lahat ito ay substitute ko. yung ilan lang. :D
PANGHULING PUNTO.
sa scriptures di ba si Mary ang nakapansin na wala ng wine sa wedding in Cana?
ito ay proven sa akin.
naalala ko, kabilin bilinan ng aming Obispo sa amin.
wag na wag lalabas ng bahay na walang dalang rosaryo sa bulsa.
dahil kapag kasama si Maria sa lahat ng gagawin sa araw-araw,
before we ran out of wine, Mary will be bringing back the wine in our life..
hindi napansin ng mga ikinasal na naubusan na sila ng alak, pero dahil imimbita nila si Maria sa kasalang yon, si Maria ang nagligtas sa kanila na huwag maubusan ng alak.
ibig sabihin, mayroong pagkakataon sa ating buhay that we will ran out of wine,
but before we even notice that we are ranning put of wine, Mary will tell Jesus, "wala na siyang alak, balik mo yung excitement, balik mo yung enthusiasm, balik mo yung zeal, balik mo yung fire."
at nakasisiguro ako dito. dahil napatunayan ko na ito.
ito ang panalangin ko ngayung lenten season.
yung aminin ko sa aking sarili na nauubusan na talaga ko ng alak.
yung tanggapin ko sa aking sarili na burned out ako sa maraming bagay.
pero tatanggapin ko sa aking sarili na nandyan si Mama Mary, nandyan ang
kapatid kong si Hesus, merong Diyos na magbabalik ng alak, ng tamis, ng init sa aking buhay.
at sana, kayo rin.
isa yata sa mga paraan ng Diyos para magbalik ang alak sa aking buhay, ay yung email ng isang Jesuit brother sa akin. na mag stay sa kanilang seminaryo sa mahal na araw. 1 week.
kailangan ko ulit ang inyong panalangin.
kailangan ko nga yata ito para magbalik ako sa dating ako.
nawawalan ako ng alak.
pero sabi nga ng isang kanta ng mga heswita.
One day we'll find our place. For all things fall in place. For all things have a place. In the greater scheme of things."
pahabol:
wala sigurong koneksyon ito sa nasulat ko sa taas. pero malaki ang koneksyon nito sa buhay ko.
naalala ko ulit yung sinabi sakin ang isang heswita na kaibigan ko, sabi niya
"do not ask for signs, ask for wisdom."
sumunod naman ako. pero may kasama akong kabataan sa parokya na papasok na ng seminaryo ngayung June.
una naguguluhan siya. may girlfriend din kasi siya.
pero sabi daw sa kanya ni Bishop, ask for signs. hindi isa, dalawa, o tatlong signs.
ask for multiple signs.
at sabi ng kapatid kong kabataan, he ask for 20 signs, at consistent ang sagot.
hihingi ako ng panalangin. kailangan ko din ng signs.
naalala ko dati nanghingi ako ng isang sign lang. at yung sign na yun
ang sasagot kung makikipag kita ba ko sa mga Heswita.
at sa ika siyam na araw ng pagdadasal ko.
lumitaw ang eksaktong sign na hinihingi ko.
maaaring nagkataon.
pero this time hihingi ako muli.