Posted by Jay in

Pag- aalay ng sarili.

ako dapat yang nakapako riyan..

iniligtas Niya ako..
sapagkat yung nakapako, walang kasalanan.
tayo ang may kasalanan, at namatay Siya alang-alang sa sa atin..
that is how much God loves us.
He died for us.

matagal na natin naririnig 'to.
pero tiyakin natin, tayo dapat yun.

We will never completely understand how much God loves us.
If you wuould understand how much God loves you,
you would die!
Because it would be to much to contain by your limited mind and your limited heart.


____________________________

ito ang pinaka touching holy week ng buhay ko...
naiiba sa mga nakaraan.
nung una, medyo nakaramdam ako ng lungkot.
wala ni isang bagay ang nai-assign sakin sa darating na summer youth camp.

pero ang surprises talaga Niya laging nasa huli.

isang Linggo bago ang Semana Santa,
nag text ang Obispo.
"Are you free tomorrow morning to see me in my office? I
need your help for the Holy Week recollection. 9am?"

syempre ako naman kinabahan. di ko alam ang ipapagawa sa akin.
nagkita kami kinabukasan. nagpagawa siya ng video clips na gagamitin nya sa kanyang
talk ng 3 consecutive days.
o diba.

at hindi natatapos dun.
kinabukasan, pagkatapos namin magkita.
nagtext muli siya, 
nagpapa organize naman ng youth ng Balanga para veneration of cross.

syempre ako naman, touched ako.
nagtitiwala kasi siya sakin.

natapos ng maayos ang three day recollection ng obispo sa katedral.

pagkatapos ng kanyang reccollection,
I had a great confession! ang sarap sa pakiramdam. gusto kong tumalon,
sumigaw. nawala ang dinadala kong mabigat.

isa rin ako sa assistant nung paring incharge sa altar of repose ng Maundy thursday.
aba. so proud ako. ang galing kasi ng pagkaka design nya. at katulng nya ko.
medyo naturuan din nya ko kung pano mag painting.
oha.

dumating ang Biyernes Santo, kung saan medyo challenging ang assignment na binigay sakin ng obispo. at nayari ulit siya ng maayos. Thank God! 
Si Lord ang may gawa. hindi ako.. :)

after ng veneration of the cross, nagkasalubong kami ng obispo,
sabi niya. "ang galing naman ni jay!"
thank you lang ang isinagot ko.
turo kasi niya sa amin dati,
when  people say thank you, say welcome.
when people say congratulations, say thankyou! thats all!

at nung gabi, nag text siya. 
"Biyaya ka talaga! thank God for youth like you and your work for the church!"

at lastly, kanina bumati siya ng happy easter.
"The risen Christ loves you!"

haaaaaaay!
ang sarap sa pakiramdam.
ang sarap sa pakiramdam ng na aapreciate ng mga tao yung nagawa ko..
salamat po.

hindi pala ako dapat malungkot dahil wala akong gagawin sa youth camp.
mayroon kasing ibang ipapagawa pala ang Diyos sa akin.

hindi ko pinost dito ang mga text messages ng obispo sakin para magyabang or anything.
gusto ko lang makwento ng buo ang storya.

ito ang pinakamakabuluhan at touching Holy Week for me.
iba talaga magmahal ang Diyos.
sa kabila ng pagkakasala, nagtitiwala.
sa kabila ng kahinaan, magmamahal pa din.

ito rin yung panahon para makabawi ako kahit pano 
sa aking youth members sa Cathedral.
napabayaan ko sila dahil sa dami ng work sa Diocese.
nakalimutan kong may trabaho din pala ko sa parokya.

kung mababasa man ng mga kasama kong kabataan ng Balanga ito,
ito ang mensahe ko for them.
"BALANGA YOUTH, THANK GOD FOR YOU! THE RISEN CHRIST LOVES YOU, KUYA JAY LOVES YOU TOO!

panghuli.
ang Lenten Season na ito ang nagpatingkad lalo
sa aking bokasyon.
magsilbi sa mga kabataan sa abot ng makakaya,
magsilbi sa Simbahan ng buong sigasig,
at ialay ang buhay para sa Diyos hanggang sa huling minuto ng buhay ko..
Lord God, I'm almost there.
kakapit po ako sa Inyo ng mahigpit. 
wag po Ninyo akong bibitawan.
darating ang araw, maiaalay ko din po ang buong buhay ko para sa sanlibutan
para kahit papano makabayad po ako sa sobrang pagmamahal na 
patuloy mo pong ipinagkakaloob sa akin.
I LOVE YOU LORD!

Itulot Mong sa 'Yong pag-ibig ako mamatay,
Itulot Mong sa 'Yong pag-ibig ako mabuhay.
Itulot Mong ang huling pintig ng aking puso ay
maging tanda ng isang wagas na
pag-ibig ng isang wagas na pag-ibig.


Pag-aalay ng Sarili
(Lionel Valdellon)

Panginoong Hesus ako ay nakikiisa
sa 'Yong walang hanggan at walang katapusang
'sangkatauhang pag-aalay.

Iniaalay ko ang aking sarili sa bawat araw ng aking buhay
At sa bawat sandali ng bawat araw ayon
sa 'Yong pinaka banal at kagalang-galang na kalooban.

Ikaw ang naging alay para sa 'king kaligtasan.
Nais kong ako'y maging alay mg 'yong pag-ibig.

Tanggapin Mo ang aking ninanasa
Kunin Mo ang aking handog.
Malugod Mong pakinggan ang aking hinaing.

Itulot Mong sa 'Yong pag-ibig ako mamatay,
Itulot Mong sa 'Yong pag-ibig ako mabuhay.
Itulot Mong ang huling pintig ng aking puso ay
maging tanda ng isang wagas na
pag-ibig ng isang wagas na pag-ibig.


This entry was posted on April 8, 2009 at Wednesday, April 08, 2009 and is filed under . You can follow any responses to this entry through the comments feed .

4 kumento

ate irene  

happy easter, jay!
sori late ang bati...
may sakit kz ko eh..
m so happy for u...
eto pla dahilan y ndi
kita nkaka chat lately..
hehehe! pero ok lang un..
ingatz.. and God bless..

1:54 PM

sobrang pinagaan nito ang pakiramdam ko. Thanks for sharing this one Jay.

and sobrang Thank You kay papa God dahil ginamit ka Niya, alam Niya na ibig kong sabihin.;)

6:56 PM

Wow anggaling galing naman ng Kuya ko. Totoo yan na tayo naman talaga dapat ang pinarusahan sa mga kasalanan naten, pero God saved us, kaya sino tayo para hinde magpatawad sa mga nagksala saten?

Aymishuuuu *mwahuggggs

7:34 AM

nice one jay!
Very inspiring...

God Bless!

5:22 PM

Post a Comment