Posted by Jay


LOVE WHAT IS IN PAIN...


isang buwan ang nakalipas, nang sabihan ako ng parish priest ko ng isang sekreto.
ang paring matagal na nawala, na itinuring na kapatid ng tatay ko, ay bumalik na.
kaya lang, may malubhang sakit sa puso.

sa loob ng isang buwan, ako ang nagbantay sa kanya sa ospital kapag walang klase. ako ang tinatawagan nya kapag may kailangan sya, o kaya naman ay walang makausap.

pare-pareho ang text messages nya sa akin, "anong oras ka pupunta dito?"

nung isang linggo, ay lumala ang sakit nya. hirap sa paghinga. pero hindi ko inisip na ito na ang huling Linggo na sasamahan ko sya sa kanyang paghihirap.

sabado ng umaga, kahapon, pinalabas nya ang kasama kong bantay.
kahit hirap sa paghinga, inalis nya ang oxygen, para makausap ako ng maayos.
"Hindi na ko magtatagal, malapit na kong mamatay. masaya naman ako dahil nakapaglingkod ako sa Diyos at sa tao. ito ang kapalaran ko, hindi na ko magtatagal. I am ready to face the Lord. handa na ako. wag kayong malungkot sa pag alis ko. nakahanda na akong humarap sa kanya. pinauwi ko na rin ang mga kapatid ko sa Quezon, ayokong makita nila akong nahihirapan."

parang sasabog ang puso ko sa sakit. hindi ko alam na masasaktan ako ng sobra sa pamamalaam nya saken. ang alam ko lang na kuneksyon naming dalawa, malapit sya sa tatay ko. bukod dun wala na. pero sa pagkakataong iyon, parang mas naging malapit pa ko sa knya kesa sa lahat ng tao. nabigyan ako ng pagkakataon na magpaalam nsya saken.

mabigat ang maghapon. pero pilit pinagaan. nakuha pa namin mag picture-picture. pero alam ko, anu mang oras, maaaring bigla nalang tumigil ang puso nya sa pagtibok. maaring bigla nalang nya kong iwan mag isa sa kwarto.

kinabukasan, maaga ko syang pinuntahan sa ospital. alas-sais ng umaga. para bang may kung anong tumulak sa akin para puntahan sya agad. parang namiss ko na din sya. nakita ko sa pinto, "NO VISITORS ALLLOWED."

pinalabas ulit nya ang kasama kong bantay, at muli. nag paalam sya. yun na ang huli nyang pamamaalam sakin. sinabi nya lang ulit na malapit na syang mamatay. inutusan nya kong tawagan ang mga pamangkin nya at sabihin na umuwi na din sila ng Quezon. sumunod ako. pero hindi naman sumunod ang mga pamangkin.
pagkatapos kong tawagan ang mga pamangkin nya, hinananap nya sakin si Papa.

"nasan ang papa mo? hindi ba pupunta? sabihin mo pumunta dito."

alam ko na na magpapaalam na din sya. pagpasok ni papa, nagsalita si father alfred.
"jay, sabihin mo na."
..."ano pong sasabihin ko?"
"sabihin mo, nanghihina na ko, malapit nakong mamatay."

tumulo ang luha ni papa pagkarinig nun. mawawala ang pari na itinuring nyang kapatid.
matagal na panahon na hindi nagsisimba ang tatay ko, puro bisyo.
pero si father alfred ang nagpabalik sa kanya sa simbahan.

nagpipigil ako ng luha ng mga oras na yun. kitang kita ko kay papa na nasaktan sya. kitang kita ko kay fr.alfred na hindi nya kayang magpaalam kay papa. ipinadaan pa nya sakin.
si papa ang huling request ni fr.alfred na tao na gusto nyang makausap.

alas-nuebe ng umaga, dinala sa icu si father. ang alam ko lang, hirap sya sa paghinga. pero nakakatayo sya. nakakalakad. nakakahiga mag isa sa kama sa ICU.

alas-dose ng tanghali, sinamantala ko ang pagkakataon na makatabi sya sa loob ng ICU. nag mano ako sa kanya.
sabay sabi " father, pagdasal nyo din po ako. gusto ko ding maging pari tulad nyo."
tumango siya. hindi ko na napigil.
lumabas ako at lumayo sa mga kamag anak nya. at nag iiyak na parang bata.
sinundan ako ng pamangkin nya at tinulungan lang akong umiyak!

ang sakit sakit. di ko namalayang napamahal din ako sa kanya.
alas dos ng hapon, may paring dumalaw na may malubhang sakit din. isang matandang pari na malapit din sa akin.
LOLO MONSI kung tawagin ko sa kanya.

lumabas ako ng ICU para bigyan ng privacy ang pag uusap nila.
pero ipinatawag ako ni father alfred. dun lang daw ako sa tabi nya at hawakan ko ng oxygen nya.
sabi ko kay father, "dito lang ako sa tabi nyo. di ko kayo iiwan. lakasan nyo ang loob father. "

di napigilan ang tulo ng luha ko ng pagmasdan ko ang pangyayari.
isang matandang at malubhang pari, binibigyan na ng lakas ng loob ang isang
pari na nag-aagaw buhay.

maya-maya, nagdatingan ang iba pang kamag-anak at kapatid ni father alfred.
pinalabas ako ni father alfred para sabihin na papasukin isa isa ang kamag anak,
sisilipin lang sya. at lalabas na.

pinapirma na din ang mga kapatid na hindi na kakabitan ng tube si father, anu man ang mangyari.
si father alfred mismo ay ayaw ng magkapakabit ng life support. kung hindi naman sya gagaling sa life support, wag nalang daw.

mga alas tres at kalahati ng hapon, ayw nya ng magpaoxygen. inaalis nya na ang kamay ko. iniiwas na din nya ang muka ko. ayaw na nyang mag oxygen. nagsumbong ako sa nurse na ayaw nyang mag oxygen, pero walang magawa ang mga nurses.
nagsalita si father alfred. "tama na please. nahihirapan nako. gusto ko ng magpahinga. lalo lang ako nahihirapan sa oxygen."

"JAY, LUMABAS KA NA. "

wala akong nagawa. kundi magsumbong sa mga kapatid at kamag anak. pero wala na. desisyon na iyon ni father alfred.
15 mins later, nakita kong nagkakagulo na sa loob.
pumasok ako.
na cardiac arrest na si father.

tinawagan ko si bishop at ang parish priest para sa instructions.
Isang CPR lang ang gagawin. pag hindi na revive, tama na.

wala na kong mailabas na luha. ang bilis ng pangyayari.
dumating si bishop at inutusan akong ihanda ang mga isusuot ni father alfred.
at dalin sa funenaria. doon na kami nagkita ulit ni father alfred. maputla at malamig na sya.

wala na talaga sya.

nahihirapan ang kalooban ko ngayun sa nangyari.
nasasaktan ako dahil namimis ko sya.
nasasaktan ako dahil nasanay akong kasama ko sya araw araw.

pero masaya na din ako. dahil alam kong payapa na sya. hindi na sya hirap sa kanyang karamdaman.
nakapag picture pa kami ni father alfred bago sya dalin sa ICU.

This entry was posted on July 27, 2009 at Monday, July 27, 2009 . You can follow any responses to this entry through the comments feed .

2 kumento

maswerte ka Jay dahil ang layo mo Quezon pero hayan ka't katabi ang isang paring taga-Tiaong.

ni hindi ko sya nakadaupang-palad. Ni hindi ko sya nakita ng personal. at ang picture na yan ang unang picture ni Fr. Alfred na nakita. Oo Jay, hindi ko sya kilala.. sa mukha at sa personalidad.

Maswerte ang mga taga-Balanga na nagkaron ng isang paring katulad nya. Sayang at hindi man lang ako nakarinig ng misa sa pangunguna nya. Ni hindi ko alam kung nadestino ba sya sa Tiaong.

Masaya ako para sa kanya. Alam nating lahat na ligtas sya at payapa.

Turuan mo ang puso mong tanggapin ang katotohanang sa Bibliya mismo ay nakasulat.... we will all turn to ashes in our time!

Give my regards to father alfred... balita ko sa Balanga sya ibuburol...

i hope ok lng si papa at si mama...

ingat kapatid!

4:54 PM

Minsan di mo maintindihan ang buhay... may mga taong kung kelan napalapit sayo biglang babawiin... pero sabi nga nila everything happens for a reason... Ur lucky to know him and be with him even in a short span of time...

4:13 PM

Post a Comment