Ako si Jay,pwede din Joseph, ayoko un. Masyadong pormal. puede din namang Jose. 'wag pala! pang matanda.
Ipinanganak sa Lungsod ng Mandaluyong, lumaki at tumanda sa Lungsod ng Balanga.
bente anyos. walang asawa. pero may iniibig.
nag-aaral ako sa paaaralan ng mga Bayani. at gusto ko din namang maging bayani.
Bayani sa puso ng pamilya ko, at bayani sa puso ninyo. [kung paano?, di ko din alam]
Isa akong lider kabataan sa aming parokya. pero hindi 'kilusan' ang aming samahan. Isa kaming grupo ng kabataan ng parokya na nakatutok sa paghubog sa aming sarili upang maging kapaki- pakinabang pa sa aming parokya at lipunan.
madami akong problema. natural sa akin yun.pati kasi problema ng iba, pinoproblema ko na din. Problema ko din ang patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo, problema ko din ang kahirapan ng Pilipinas, problema ko din ang muling pagbagsak ng ekonomiya ng Pilipinas. Problema ko yun, dahil apektado ako nito!
mahilig akong kumain. [tumataba na daw ako!] syempre, merong aangal! mahilig sa kape. Adik sa tsokolate. sipuning bata. [kinalakihan ko na 'to eh.]
marami akong gustong maging. gusto kong maging inhinyero, ngunit may hangarin din sa pagpapari. tanong nyo kung bakit di pa ko pumasok ng seminaryo? Ang sagot: Gusto ko munang maniguro. nakakahiya atang mapalabas ng seminaryo!
Gusto ko din baguhin ang takbo ng buhay ng pamilya ko. sympre, katulong ko dito ang mga kapatid ko. teka. di lang pala pamilya ko, buong angkan namin... at kung gagawing akong instrumento ng Diyos ng pagbabago, aba, gusto ko din baguhin ang mukha ng mundo. kahit kapalit pa nito'y ang buhay ko...
Panginoong Hesus ako ay nakikiisa sa 'Yong walang hanggan at walang katapusang 'sangkatauhang pag-aalay.
Iniaalay ko ang aking sarili sa bawat araw ng aking buhay At sa bawat sandali ng bawat araw ayon sa 'Yong pinaka banal at kagalang-galang na kalooban.
Ikaw ang naging alay para sa 'king kaligtasan. Nais kong ako'y maging alay mg 'yong pag-ibig.
Tanggapin Mo ang aking ninanasa Kunin Mo ang aking handog. Malugod Mong pakinggan ang aking hinaing.
Itulot Mong sa 'Yong pag-ibig ako mamatay, Itulot Mong sa 'Yong pag-ibig ako mabuhay. Itulot Mong ang huling pintig ng aking puso ay maging tanda ng isang wagas na pag-ibig ng isang wagas na pag-ibig.