Posted by Jay in

Lolo Monsi.

Siya pala si Lolo Monsi.
Reb. Monsignor Romeo Banaban.
Larawan ng matandang pastol ng sambayanan.

Kanina dumalaw ako sa kanya. Hinang-hina siya.
pero sa kabila ng hirap na nararamdaman niya,
nakukuha parin niyang magbiro.

Pagpasok ko ng pintuan ng kwarto niya, nadatnan ko siyang nakaratay. Naka face mask. Tila ingat na ingat na mapasukan ng virus ang kanyang pagal na katawan. At nang masilayan na niya ako, isang bonggang bonggang irap ang sumalubong sa akin. Normal un. Sanay na ko. Ganun kasi kung lolokohin niya ko.
Umupo kami sa tabi niya, akosa kanan niya, at si ate analyn sa kaliwa.

Hiinawakan niya ang kamay ko, sabay sabi: "Mahina na ko nak." "Im tired and I want to die now; 68 years is enough" Nkatitig ako sa kanya. Di ko alam ang sasabihin.
Dun kasi ako mahina eh. Hirap sa pag gawa ng reaksyon. Sumagot si ate analyn, "Tatay Monsi nman eh!, Hindi pa po, gagaling po kayo!"
Buntong hininga lang ang kanyang isinagot.

Hawak parin niya ang kamay ko. Hinahaplos.
Muli syang nagsalita, " Jay pray for me." Sabi ko habang nakatitig, "Opo mons."
"What do you tell to a sick man?", sabi niya.
Sumagot ako, " Mons, magpagaling po kayo."
Sabi niya, "Kay haba-haba man ng biyahe, may katapusan din ito at bababa din tayo
sa terminal"
Muling sumagot si ate analyn, "tatay monsi, isipin nyo po kaming mga nagmamahal sa inyo. Gusto nyo po ba kaming masaktan?"
"Hindi na mahalaga ang dami ng nagmamahal, ang mahalaga, ang kalooban ng Diyos." I want to say mass, pero I cant. Di ako makatayo."

Tumingin siya sakin sabay sabi, " Si Jay mahal na mahal ko yan. Kahit na gaganyan ganyan yan, ganyan nalang talaga yan." Muli niyang inulit, "I want to say mass. Paki sabi nalang sa kapatid ko, ipagmisa niya ko"
Nag-isip ako. Pero isa lang ang pumasok sa isipan ko. Si Fr. Robert.

Muli siyang dumaing, "I want to die. Sawa na ko sa medications" Sumagot si ate analyn, " ikakasal nyo pa po si Jay!"
Sabi ko naman, "Di po ako mag-aasawa."
Nagulat ako sa isinagot ni lolo monsi.. " Papasok pa ng seminaryo si Jay eh, aantayin ko pa un."
Nagulat ako. at natuwa na din. tuwing sinasabi ko kasi sa kanya na gusto kong maging pari, di siya naniniwala. tatlo-tatlo daw kasi ang girlpren ko.

Kahit inuubo, nahihirpan sa paghinga, sige lang siya sa pagkwento.
muli niyang sinabi, "Si jay, mahal na mahal ko yan." Dinugtungan ko sa isip ko ung linya na yun. at kasabay naman ng pagdugtong ko, sinabi niya, "Sabi kasi ng mama ko, be kind to animals."
alam ko na na yun ang sasabihin nya. mula kasi ng naging close ako sa kanya, un na ang joke nya.
Pagkatapos nun, sinabi niya, "Yan ang maaalala mo sakin jay pag namatay na ako. joke about life"

sa totoo lang, sa trenta minutos na pagdalaw ko sa kanya, na guilty ako. dati panay kasi siyang nagpapasama sa akin na samahan ko siya sa pagtulog, pero nung mga nakaraan, di nako nagppuunta sa kanya. naging busy din kasi. na guilty ako. bat inantay ko pa na lumala ang kalagayan nya bago ko ulit sya nadalaw. pero sa huli, nasip ko, mswerte pa din ako. sa dami ng naging kaibigan niya, sa dami ng nag-alaga sa kanya, di pa rin niya ko nakakalimutan sa kabila ng bigat ng kanyang karamdaman. ma swerte pa din ako dahil may isang pari na di ko naman kaano-ano, pero hinayaan akong tawagin ko siyang "lolo monsi"

Hindi ako magpapaka plastik, gusto ko syang gumaling. gusto ko syang makitang nagmimisa ulit. pero ayoko na din siyang makitang nahihirapan. I promise to pray for him. pangako un sa kanya. at sa panalangin na ito, ibubulong ko na lamang sa puso ni Jesus na mangyari nawa ang nais Niya para kay lolo monsi.



This entry was posted on July 19, 2008 at Saturday, July 19, 2008 and is filed under . You can follow any responses to this entry through the comments feed .

0 kumento

Post a Comment