PaLit LaMaN
[normal na nga bang bahagi ng buhay ng Pilipino o kailangang labanan ng lipunan?]
naalala ko tuloy ang isang text message:[normal na nga bang bahagi ng buhay ng Pilipino o kailangang labanan ng lipunan?]
Pari: Iha, masama yang ginagawa mo! Nagbebenta ka ng laman...
Prosti: Eh sino naman po ang bibilli kung magbebenta ako ng
taba?!
Hmm. tama nga naman.
Pero mali parin! Mapa laman o taba ang ibebenta, kasalanan parin
ito sa mata ng Diyos at ng lipunan. Tatanggapin na lang ba natin na ganitong kababang moral nating mga Pilipino?
Isipin natin an dami ng pamilyang nasisira dahil dito? Isipin din natin ang buhay ng mga kabataang babae o mapa lalaki na nalugmok sa ganitong hanapbuhay. Isipin natin ang sakit na maaring kumalat at maaring makaapekto sa mga isisilang na sanggol. At sa huli, atin din isaalang-alang ang mga mata ng mga musmos na bata, na sa paningin nila'y normal lang ang mga kaganapang ito! Itong mga bagay ba na ito ang ating ipapamulat sa kanila?
Ano ang dapat gawin?
Sa totoo lang, maging ang maga lider ng Simbahan at ng Gobyerno ay wala pang kongkretong paraan upang matigil ito. dagdagan pa ng alinlangan na baka hindi rin ito bigyang pansin ng gobyerno dahil ilan din sa kanila ang mga 'loyal costumers' ng mga prosting ito.
Sana.. Sana, magtulungan ang mga lider ng Gobyerno at Simbahan para masugpo ang pangit na imaheng ito. Iisa lamang ang kanilang pinaglilingkuran- ang taong bayan. at makasisiguro tayo, na kapag sila'y nagsanib pwersa, "BAGONG SIMULA NG ATING BAYAN" ang ating mararating.

This entry was posted
on July 15, 2008
at Tuesday, July 15, 2008
and is filed under
pala-palagay ni Jay
. You can follow any responses to this entry through the
comments feed
.