Posted by Jay in

21

Tama. dalawampu't isang taon na nga ako sa mundong ito. at aaminin ko, bagaman kaarawan ko nga ngayon, hindi pa din maganda sa pakiramdam. gayunpaman, pipilitin ko na lamang na gawin itong magandang araw para sa akin.

Pasasalamat sa nagdaang unang dalawampung taon ko sa mundong ito.

una
~salamat sa aking mga magulang. sa kanilang pag aaruga at pagpapalaki sa upang maging maayos na bata. salamat sa mga sakripisyo ninyo para sa akin. hindi na ko bata, matanda na ko. alam kong nalalapit na din ang responsibilidad ko bilang anak na siya namang mag-aaruga sa kanyang mga magulang pagdating ng kanyang katandaan.

pangalawa
~ salamat sa aking mga kapatid. mga kapatid na todo bigay sa akin. nakakalungkot lamang, kung kelan tayo nagsitanda, saka pa tayo naging malapit sa isa't isa. kung kelan na imposible na magkasama sama pa tayo ng matagal, kung kelan panag inip na magkasabay sabay tayo sa hapag kainan. sayang. pero alam kong di pa naman huli ang lahat para makabawi sa isa't isa.

ikatlo
~salamat sayo Jara.

ikaapat
~ salamat sa mga kabataan na naging kalakbay ko sa halos limang taon na din. inspirasyon ko kayo . kayo ang nagpapalakas sa mga kahinaan ko. salamat sa pagtitiwala ninyo sa akin. matagal ko na kayong kapiling, at matagal pa tayong magkakasama. matagal pa tayong maglalakbay.

ikalima
~salamat sa mga kaibigang pari. Di nyo man po ito mabasa, sana'y maramdaman ninyo ang labis kong pagpapasalamat sa inyo. kayo po ang patuloy na nagpapakilala sa akin kung ano ang bokasyon. patuloy ninyo nawa akng akayin sa dapat kong kahinatnan sa mundong ito.

ika anim
~salamat sa Diyos! salamat sa Kanya na nagbigay ng pagkakataon na may maisilang na "JAY" sa mundong ito. salamat po sa lahat ng biyaya na patuloy Ninyong ipinagkakaloob sa akin. Salamat po at kahit hindi po ako karapatdapat sa mga ibinibigay Ninyo, e patuloy Nyo pa din ipinagkakaloob. Hindi po ako karapatdapat sa lahat. wala po ako kundi dahil sa awa Nyo sa akin. maraming salamat po.

pang huli
~no more words. hayaan ninyo lamang na mahalin ko pa kayong lahat sa abot ng aking makakaya upang makabayad man lamang ako kahit konti sa lahat ng inyong kabutihan. :)


matanda na nga ako. bente uno na. para bang sinasabi ng aking edad na kailangan ko ng magseryoso sa buhay. alam ko pong mararating ko ang hangarin ko basta't kapiling ko kayo.
maraming salamat!!


O God, I thank you for giving me
another year of life.
I thank you for all the people
who have remembered me today.
Thank you for everything
that I have been enabled by you to do
and to be in the past years.

I thank you for the experiences
of the past year:
for the times of success,
which will be always be happy memories;
for the times of failure, which will remind me
of my own weaknesses and my need of you;
for the times of joy
when the sun was shining;
and for the times of sorrow
which drove me to you.

Forgive me,
for the hours I have wasted,
for the chances I failed to take,
for the opportunitiess
I missed in the pass year.
Forgive me that I have not made of life
all that I might have made it.
Help me in the days ahead
to make this the best year yet,
and in it to bring credit to myself,
happiness to my love ones,
and joy to you.
This I ask for Jesus sake.
AMEN.
ps. siyempre, nagpapasalamat din ako sa mundo ng mga bloggers. dito ko nailalabas ang mga bagay na hindi ko kayang mailabas na tunay na mundo. salamat sa pagbabasa. salamat sa inyo. salamat.

This entry was posted on August 20, 2008 at Wednesday, August 20, 2008 and is filed under . You can follow any responses to this entry through the comments feed .

8 kumento

chelle  

havah burdei.

1:52 PM

birthday mo ngayon...
birthday mo ngayon...
happy birthday!!!
happy birthday!!!
birthday mo.

(sa tono ng boom tarat)

pakain at painom u !!!

5:49 PM

hahaha.
salamat roland. :)

5:51 PM

aha. masmatanda ka ng ilang days saakin! :D

Happy bday! :)

10:57 PM

happy birthday!

better late than never :p

5:02 AM

happy birthday! :)

6:57 AM

maligayang bati :)

3:17 PM

ei kuya! di ko naman alam na iyong kaarawan pala neto! hahaha belated happy birth day naman po sa iyo! we all love you! mwaks!

11:49 AM

Post a Comment