unang hakbang sa pagtugon  

Posted by Jay

labing tatlong araw na din pala nang muli kong madalaw ang sarili ko mismong blog. patawad mga kaibigan. walang update. maagiw na nga ang blog na ito, mausok, at madumi. baka nga replika na din ito ng pagkatao ko sa ngayon. wag naman sana.

abala rin sa mga gawain sa eskwelahan, patapos na din kasi ang semester. abala rin sa mga gawain sa simbahan. normal talaga na sa maga ganitong panahon, padami ng padami ang mga aktibidad sa simbahan.

may mga bagay bagay din sa aking sarili na gusto ko munang ayusin ngayong buwan na ito. may kailangan akong hanapin. marahil magiging malaking parte ng buhay ko ang nais kong hanapin. kung ano yon? malalaman niyo nalang sa mga darating na panahon. kapag nahanap ko na. kailangan kong gawin ito sa lalong madaling panahon, mabilis ang araw. baka hindi ko mahabol. siguro ay naliito na kayo?sasabihin ko din ito sa tamang panahon, hindi ngayon, pero malapit na.

sa ngayon mga kaibigan sa blogosperyo, at iba pang malalapit na kaibigan, magiging madalang ang pag pasok ko sa sarili kong blog. hindi madali para sa akin ang ilantad ang mga bagay bagay. marahil may mga bagay na dapat itago muna sa sarili at ihayag na lamang sa tamang panahon. kailangan ko munang itago para ako mismo ang tumulong sa sarili ko para hanapin kung ano man yon. ipanalangin niyo po ako.

hindi magsasara ang blog na ito, pangako yon. ngunit kailangan ko lang munang humiwalay pansamantala. katulad ng magkasintahang pansamantalang naghihiwalay upang hanapin ang mga sarili, upang kilalalanin ang mga sarili at upang malaman kung para talaga sila sa isa't isa. kailangan ko din kilalanin ang sarili ko, hanapin ang sarili ko, at alamin kung para saan ba talaga ako sa mundong ito.

asahan niyo na malalaman niyo din kung ano ito. kung pahihintulutan ng pagkakataon, dadalaw parin ako dito, kung pahihitulutan ng aking sarili, magkkwento pa din ako. pero kung tungkol sa kailangan kong hanapin, wag muna. sa tamang panahon na lamang.

maraming salamat kaibigan.

I think I'll follow the voice that calls within.
Dance to the silent song it sings.
hope to find my place.
So my life can fall in place
I know in time I'll find my place
In the greater scheme of things

This entry was posted on September 3, 2008 at Wednesday, September 03, 2008 . You can follow any responses to this entry through the comments feed .

2 kumento

hahaha! alam ko yan.. :) alam ko yang sasabihin mo! lalabas ka na sa closet! wuhooooo.. out na kase jay.. tanggap ka naman namin :)

12:07 PM

cra talaga ito si bloom hehe. jay, alam ko na rin ata ito hehe pero bumalik ka sa blogosperyo aba marami makakamis sau, sa pagsusulat mo hindi na ako magging maingat sa pagsasalita cge ka hehe ingat kaibigan :)

7:56 AM

Post a Comment