Posted by Jay in



Para sa mga Pinaka-mamahal kong Kabataan ng Balanga...


5 taon na pala akong kasama nyo sa paglalakbay.
ang dami ng nangyari.
ang dami kong natutunan.
ang dami ko ng nakasama.
at ang dami na ring umalis.
pero iba ang pagkakataon na to.
sa loob ng limang taon, ngayon lang ako nakaramdam ng
sobrang lungkot!

madalas, nagsusulat ako dito kapag gusto kong sumigaw ng malakas para lang mailabas yung nararamdaman ko. Baka makagaan naman kasi ng pakiramdam kung sisigaw ako.

pakiramdam ko ngayon hindi magiging sapat yung literal na sigaw lang para mailabas yung lungkot, yung bigat ng puso.

daig ko pa yung iniwan ng girlfriend.

dahil apat sa inyo ang aalis.
at ewan ko ba. nananadya ata ang tadhana.
akalain ko ba naman na mga importanteng tao pa sa ministry ang aalis.

para kay Karen:
mag-aral kang mabuti ha.
wag sanang maging hadlang yung dami ng problema
sa pag-aaral..
mag-iingat ka.
alam kong ang dami mong dinadala ngayon.
nasabay pa na kailangan mong umalis ng bataan.
kung kelan kailangan mo sana ang mga kaibigan mo dito..
kapag may kailangan ka, wag kang mahiyang magsabi samin.

Para kay Mart:
sayang. sandali palang tayong nagkasama.
pero sobrang bilib ako sayo.
ang tagal mo ding pinag isipan ang pagpasok
sa seminaryo, at ngayon matutupad na ang pangarap mo..
tatagan mo ang loob mo..

para kay khen:
brad. lakasan mo ang loob mo.. alam kong hindi madali ang
pinagdaanan mo bago ka tuluyan makapagdesisyon na pumasok ng
seminaryo..
sobrang pinagmamalaki kita.
at sobrang masaya ako para sayo.
salamat sa pagtitiwala. salamat at ako ang napili mong takbuhan
nung mga panahong gulong gulo ka sa pag dedisisyon.
salamat.
at kung dumating ang panahon na kelangan mong
magpalit ng desisyon, lagi mong tatandaan ang sinabi ko..
wag mong isipin ang sasabihin ng ibang tao..
ang mahalaga, ang laman ng puso mo ang masunod.
ang tapang mo!
dahil yung ilang taon ng gumugulo sa utak ko, isang taon mo lang sinagot.
ako kaya?
ipagdasal mo ako palagi ha.

at para kay divine:
ikaw yung pinaka malalayo samin.
salamat sa sobrang pagtitiwala divine.
may mga bagay na tayong tatlo lang ng Obispo
ang nakakaalam.
lagi kong ipagdadasal yun divine!
at sobrang proud ako sayo..
salamat sa lahat ng naitulong mo saken.
salamat.


ako pa rin si kuya jay. wag nyo kong kakalimutan lalo na pag nanghihina na kayo..
nakahanda akong palakasin ang loob nyo kahit wala ng matira sakin.

at para sa mga maiiwang kabataan na kasama ko...
ganun talaga.
"Kapag may kailangang idagdag ang Diyos, may kailangang ibawas."
lagi nalang natin silang ipagdasal.
salamat! salamat sa masayang may 29 at 30.
di ko yun makakalimutan sa buong buhay ko...
hindi ko malilimutan yung mga salita na sinabi nyo nung gabing yun.
salamat.
salamat sa pagtitiwala, sa respeto, sa lahat ng suporta at pagpapalakas ng
loob. salamat dahil hinayaan ninyong maglakbay kayo na kasama ako.
pero ano mang magagandang bagay ang sabihin nyo sakin,
isa lang ang dahilan nun kaya ko nagawa lahat ng yun.
yun ay dahil mahal na mahal ko kayong lahat!

puno ng lungkot ang dibdib ko,
hindi ko kasi maimagine na papasok ako
ng opisina na hindi ko na kayo makikitang lahat.
may kulang na.
di ko maisip na yung lagi kong nakakasama sa hapon pagkatapos ng
klase, hindi ko na makakasama.
di ko maisip na yung nakakasama kong magserve sa youth mass, di ko na makakasabay sa pagseserve...

isipin nalang natin na may mga magagandang plano pa ang Diyos para satin.
hindi pa huli ang lahat para magsaya sa kabila ng may aalis.
dahil malay natin, sa mga aalis nating kasama,
may magmamadre pala, at may mga pari na!

mga kabataan ng balanga,
sobrang mahal na mahal ko kayo!

may kakaiba sa inyo, na di ko maipaliwanag kung ano..
kaya labis labis nalang kung ipagmalaki ko kayo
sa mga kasama kong lider-kabataan..

ang daming bagay na ang pinagpalit ko para sa inyo..
at hinding hindi ko pagsisihan yun.
ano man ang kahinatnan ng buhay ko,
matuloy man ang hangarin ng puso ko sa pagpapari,
isa kayo sa bumuo ng desisyon ko.

lagi natin ipagdasal ang isa't isa...
ano mang oras na kailangan nyo ng makakausap,
i will always be here for you...
always remember:
My heart belongs to you!


I Promise to Love You More,
Serve You More, and to Make You
Happy
Everyday for the
Rest of Your life!


This entry was posted on June 1, 2009 at Monday, June 01, 2009 and is filed under . You can follow any responses to this entry through the comments feed .

11 kumento

divine rivera  

knug titingnan, ang haba ng taon na magkakasama tau
pero bakit ganun ung pakiramdam?
parang ang ikli lang at nagnanais pa kong makasama pa kau ng mas matagal.

paminsan naiisip ko, ayos lang na wala akong lovelife..
dahil ang dami nio naman.. parang andami ko na ring kong bf at gf
pero andami nio ring makikipagbreak sakin at sabay-sabay pa.. :(

alam ko darating ako sa point na kapag magsisimba ako dun..
bigla nalang akong iiyak.. dahil maalala ko kayo..
hindi ko maisip kung gaano katagal akong magiging ganun..
pero sa kabila nun, sobra naman ang kasabikan kong makita ulit kayo..
alam ko, sobra akong mananabik sa muli nating pagkikita..

natutuwa ako dahil hindi lang kayo basta org-mates o groupmates..
natutuwa ako dahil mas higit pa dun ang naging samahan natin..
yung tipong.. hindi ka magaalinlangan na magopen ng iyong sarili dahil alam mo, tatanggapin ka nila..
magopen na iyong problema, dahil alam mong dadamayan ka nila..

maraming maraming salamat sa may 29-30
kahit hindi ko kayo nakasama nung 30
masaya na rin ako at sinagot ni Lord ang panalangin kong makasama kau sa araw na un..
sa araw ding iyong ramdam na ramdam ko kung gaano ako kamahal ng Diyos
binigyan Niya ako ng mga kaibigang tulad nio at
dinagdagan Niya ang mga kapatid ko sa pamamagitan nio..

kuya jay, hinding-hindi talaga kita malilimutan..
maraming maraming salamat
andami kong natutunan sayo,
sa mga sinasabi at ginagawa mo
salamat kasi hindi ka mahirap lapitan..
salamat sa mga payo sa kahit anong aspeto ng buhay..
salamat dahil willing kang ibahagi ang nalalaman mo at pananaw sa mo sa buhay..
salamat kasi hindi mo kami pinapabayaan.. hindi mo kami hinahayaang magisa..
palagi mong inaabot ang kamay mo samin.. hindi lamang sa mga panahong ng pangangailangan namin..
salamat kasi lagi ka pa ring humahanap ng oras para makasama kami amidst your busy schedule..
maraming maraming salamat sa pagmamahal sa'min..
hindi na nakakapagtaka kung maraming nagmamahal sa'yo
Mahal na mahal ka namin kuya jay!

gusto kong iparating sainu
ang sobrang kasiyahan ko na makasama ko kayo
at ang sobrang kalungkutan ko ngaung malalayo na ako sainu
hindi ako sasaya ng ganito kung hindi dahil sainu
at kung hindi kayo ganyan..
hindi ako malulungkot ng ganito..

aasahan ko ang muli nating pagkikita! mahal ko kayong lahat..

1:34 PM

aww.
sobrang touched ako..
kahit yung iba sanyo hindi marunong mag publish ng comment..
ayos na din..
di bale. gagawan ko ng paraan to. haha.
thankyou mga kapatid ko.. :)

4:57 PM

FROM ELA (copied from shoutbox)

haha nagcomment ako,hindi ko yta napublish! d2 nlang!
MAHAL NA MAHAL KA RIN NAMIN KUYA JAY..
-hindi dahil maganda ung message sa blog mo para samin.
-hindi dahil kapangalan mo si kuya ko..hehe
-hindi dahil gusto mo rin mag-pari..hmm
-hindi dahil mahilig ka rin mag-kape tulad ko..
-hindi dahil kuya ka ng maraming tao.
-hindi dahil magaling ka ring mag-joke.
mahal kita... mahal ka nmin.. dahil si "kuya jay" ka.. tinanggap,inalagaan at minahal mo kmi sa paraang alam mo at sa pamamagitan ng potensyal na ibin
sabi mo sa amin mo natutunan ang tunay na paglilingkod. pwes! marami sa aming natutong maglingkod dahil sayo. paglilingkod na msaya.
PROUD AKO SAYO!
salamat kuya.
And the best kuya award 2009 goes to...tentenenentenen!-------------------------KUYA JAY!

5:02 PM

FROM AWEL (copied from shoutbox)

dahil sa post mong yan naala ko kagabi nalungkot ako kgbi naalala ko si divine ung taw ko asa kanya pah..joke lang si khen 2 days nalang sa bataan.
wel salamat din kc kahit pano naramdaman mo ung palagi kong nararamdaman tulad ng cabi ko kay kua allen PYM is my second home my 2nd family salamat po.
sa apat naman na aalis eto lang masasabi ko sa inyo inagt palagi at wag kakalimutan smile naman dyan and every thing..
sige magtitinda muna ko ingat.

5:04 PM

FROM CARLO (copied from shoutbox)

dahil sa latest post mung yan kuya,parang gusto kong araw araw yung pym lalo na yung mga aalis..

5:04 PM
Anonymous  

kuya jay.....
Hmmmm salamat po sa lahat.... salamat sa pagtangap... ni minsan di mo kame pinabayaan lage kang anjan sa tabi namen maraming salamat dun... mahal ka namen kuya jay...
kahit late at maaga kame umalis ANGELS nung 29-30 e masaya padin sa mga aalc maraming salamat din sa inyo maga kapatid and2 lang kame pag me problema at kahit na magkakalau tau madame pading paraan para magkausap usap at para sa mga papasok sa seminaryo kahit alang cp at internet we can talk naman though prayers db??? hmmm maraming salamat talaga sa inyo mga kapatid ingat kau lage.... i love you all...

9:01 PM
Anonymous  

kuya..

marami pang taon ang magdadaan.. marami pang paglalakbay..
marami pang haway kamay..

sobrang hindi natin mappredict ang mga pwedeng mangyari sa mga susunod pang taon at panahon..

pero alam nating.. bawat nangyayari.. may dahilan.. na.. maaamaze nalang tayo sa kalalabasan..

gusto ko din isigaw...

MASAYANG MASAYANG MASAYA KO.. nakasama ko sa pamilya ng PYM..
i feel SUPER BLESSED & LOVED dahil sa inyo..

whew... weeee.... tama ka kuya..
iba ang feeling.. :)

mwah!mwah!mwah!
huuuuuggggzzz....

-louise

9:01 PM

jay... musta na... mukhnag bc bcng ka ha...

9:17 PM
Anonymous  

kuya jay!!!dahil natouch ako. .etoh na ang comment!!heheh. .di ko alam sasabihin ko. .

iba talaga ang hiwaga ng pym. .kahit iba2 tau ng organization na nsalihan(yfc,projector min,rosaryans. .etc)nandun pa rin an pagkakasundo2 ng bawat isa. .kumbaga nagiging isang pamilya tayo. .(iisa ng bestfriend!!jokeness. .hahah. .)ang saya!^^,

masaya na may halong lungkot ang naffeel ko ngaun. .masaya kc nagkasamasama ulit tau kahit dalawang araw at isang gabi,,bihira n kc mangyari ung ganung moment sa pym. .hahahah. .(ung iba kc busy na). .malungkot dahil pagkatapos ng ksayahan na yon,,meron din apat aalis. .LALONG LALO KA NA!!OO IKAW!!HAHAHA kung cno k man. .

e2 na nga lng sasabihin ko. .PYM!masaya akong nakakasama ko kau. .hehe. .sa mga aalis, ,prayers for you. .this is not the end,,this is your new beginning. .yeah. .(di ko alam kung san ko narinig yn. .pero bigla na lng xa tumatak sa icp ko eh). .eheheh

=geneboi

10:40 AM

Awww this is why I hate goodbyes.. haaay :(

10:14 AM

REPLY REPLY.
@jay: oy antagal mong nawala!

haha. wala akong masabe. sabog nguso ko sa statements mo. apir!

kung hihintayin mo akong pumasok ulit, aba matanda ka na nun! mauna ka na, susunod naq lang ako.

honga pala, maraming salamat sa virtual pagkakaibigan dito sa sangkablogspherohan. mabuhay ka!

7:22 AM

Post a Comment