Posted by Jay in

THE HELL IT HURTS! :(

Sa totoo lang, dapat last week pa ang post na ito. Pero hindi ko kayang mag sulat.
Ang sakit kaya.
Tanong niyo bakit emo-emohan na naman ako?
e kasi.. ganto yun.

Sept. 5 2009 (Saturday)
Nagulantang ang Diocesan Youth Ministry.
Nagkaroon kami ng malaking problema.
Pero hindi ko na yun ikkwento dito.
Ang tanging emotion na nangibabaw nung oras na yun,
ay biglang bumagsak ang desire ko for priesthood.

nag text ako sa kay Bishop Soc,

ako: Bishop, pwede po ba kayong ma meet ng ilang members ng council
tonight? we badly need you. sobrang broken po kaming lahat.
please po.

After 3hrs. sumagot finally ang obispo.

Bishop Soc: I am sorry to hear. But I wont be free tonight. I will set another time.
Hold on.

tumagal ang 3 araw, pero wala pa din siyang text kung kailan niya kami kakausapin.

Sept. 8 (Tuesday) 6:00 pm

nagulat ako bakit biglang nanginig ang boses ni fr.perry after niya mag
pa communion. nagsimula siyang mag announce.

"Effective 6pm tonight, Bp. Soc is the new Archbishop of the Diocese of Lingayen-Dagupan.
Masakit man po sa loob, e kailangan nating tanggapin. Ipagpatuloy natin ang programang nasimulan niya."

gumuho ang mundo ko sa napakaraming dahilan. wasak na wasak ako. hindi pala.
durog na! di ko na alam ang gagawin ko nung gabi na iyon.

una. dahil sa pagpapari ko. naidepende ko sa kanya ang pagpapari ko. wala pang dalawang linggo ng naibigay ko sa kanya ang matamis kong oo para sa pagpasok sa seminaryo.
wala pang dalawang linggo ng nasukol nya ko at wala nakong nagawa kundi ang sumagot ng oo.

siya lang ang inaasahan kong makikipag usap sa mga magulang ko kapag papasok nako.
pano na?

pangalawa. siya lang ang tanging pag-asa namin sa problema namin sa DYM. pano ngayun, ala na kaming obispo?

hindi kami natulog magdamag ng mga kasama ko sa DYM.
nasa mga bahay namin kami, pero magkaka chat kami, magkaka text.
pareparehong naghihinagpis sa biglaang announcement na nagpaguho ng
mundo namin.
nag desisyon kami na hindi kami papasok.
yung iba sa amin ay teacher. yung iba ay nag oopisina.
yung iba naman ay estudyante.
wala rin kasing matinong mangyayari kung papasok kami.
puyat kami.
at sirang sira din ang mundo namin.

pero ang lahat ng ito ay nagkaroon ng sagot kinabukasan.

Sept. 9 (Wednesday) 9:00am
umakyat ako kay father perry para may mahingahan ng bigat ng loob.
pero may interview sya sa ikakasal.
bababa nako pabalik ng office ng bigla kong nakita si
Bishop na paakyat ng kumbento.
di ko alam ang gagawin.

aastras ba ko?
magtatago?
papasok sa chancery? o sa chapel?

di ko siya kayang kausapin dahil siguradong iiyak ako.
pero bigla syang tumingala.
nakita nya ko.

sabi nya" halika nga jay, mag usap tayo."

pagpasok ko sa office nya.
nagsimula ang pag-uusap.
pinagusapan muna namin ang problema.
pagkatapos, ang pag alis na nya ang pinag usapan.

ako: (nanginginig ang boses) kelan po kayo aalis? pwede po bang tapusin nyo muna po ang Mt. Samat Pilgrimage?

Siya: hindi pwede eh. kailangan ma install ako dun in two months. pero pag wala pa kayong obispo, dadating ako sa Mt. Samat.

*katahimikan* sabay tulo ng luha ko.
sinampal nya ko sabay tayo.

niyakapap niya ko ng matagal sabay sabi:
"magpari ka pa din ha. magpapari ka pa din kahit anong mangyari." "mag iingat kayo, at wag nyong papabayaan ang Mt.Samat Pilgrimage."

anong sinagot ko?
siyempre, wala.
dahil parang bata na akong umiiyak.
tas tumalikod na ko at nagpaalam.

pinagpatuloy ko nalang sa office ang pag iyak ko.

aaminin ko, hanggang ngayun di ako maka move on.
ang hirap tuwing maiisip ko.

pano na ang HERO?
pano na ang Bataan, Bayani at Banal?
Pano na ang taunang Mt. Samat Pilgrimage?
ganoon pa din kaya ang response ng mga kabataang sasama?

hindi ko maimagine ang Mt.Samat Pilgrimage na walang Bishop Soc.
at hindi ko maimagine ang Bataan ng walang Bishop Soc.
dati hindi kilala ang Bataan.
pero naipakilala ito ni Bishop Soc sa buong bansa.

pag sinabi mong bataan, ang sagot nila, "wow, nandun si bishop soc!"
at ako naman na makakarinig nun, siyempre magyayabang.

haaay.
naalala ko nung isang umaga.
tinext ko siya:

ako: Good morning Archbishop!
- aba agad nag reply.
Siya: Father Soc! Gusto mo ng away?

ayaw kasi niya magpatawag ng Bishop. father lang.
e lalo ngayun. Archbishop na siya.

haay.
mag tetext pa din kaya siya ng jokes tungkol kay erap, manny pacquiao at aling dionisya?
May babati pa kaya ng Good morning, Good night?
May babati pa kaya sa amin tuwing may maganda kaming nagagawa sa Youth Ministry?

nung isang gabi, nakareceive ulit kami ng text.
nagpapaalam na siya. at nagiimbita sa installatation nya.
sa dulo ng text nakalagay, "God knows I love you all!"

aw. ang sakit.

siguro nga ang Edsa Shrine ang FIRST LOVE niya.
pero naniniwala akong ang BATAAN ang kanyang
ONE TRUE LOVE.

antayin nyo ko Archbishop. kayo pa din ang mag oordain sakin.
kahapon ay nag text si Rev siopao sa kin.

"I look forward to that day that I will concelebrate mass with you and Father Soc."
sana isa ng Obispo si Rev. that time. at isa ng Cardinal si Father Soc.
wag muna pope.
baka maging malabo na kasi na maka misa ko sila.

kung sino man ang makakabasa nito,
please do pray for our diocese.
sana pagkalooban kami ng obispo na hindi aalisin ang programs na
talaga namang nag click sa bataan lalong lalo na sa mga kabataan.

haaay!
isa pa, haaay!
sabi nga ni Kris Aquino, "It would take a lifetime for us to be okay. "

This entry was posted on September 17, 2009 at Thursday, September 17, 2009 and is filed under . You can follow any responses to this entry through the comments feed .

7 kumento

ate sam  

bumagsak na naman ang luha ko..

..pilit ko na nga kayong nililibang libang... pero..


haizt.


paano na nga ba...?


basta.



lam ko kahit wala na si Father Soc dito sa bataan..


lagi pa rin nya tayong ipagdarasal...





at dahil mahal na mahal natin si Father Soc...



...lagi nating alalahanin mga nanging bilin nya...



sobz*

5:34 PM

o sige, ako na lang kakausap sa mga magulang mo pag papasok ka na sa seminary. haha lol

5:52 PM

hello po...napadaan lang po, well actually follower nyo po ako, since last month pa po ata, nung accidentally na makarating ako rito sa blog nyo,nung time na down na down din po ako.. hindi ko na po i-e-elaborate pero kahit papano, nakatulong po ang blog nyo sa akin para harapin ang circumstances na pinagdaanan ko. nalulungkot po ako para sa inyo. pero, wala na po tayong magagawa kasi nandyan na yan... mawala man po ang obispo nyo jan, nariyan pa rin si Lord at hindi kayo iiwan at hindi kayo papabayaan...

2:16 AM

life goes on and faith should never fade. love conquers all. keep the faith.

2:02 PM

ambilis no.

5:32 PM

oist! iyaking bata! umandar na naman ang pagka-emo mo! emo-emohan ka na naman dyan!

madami ng inumpisahan si Bishop Soc. kaya nyo ng ituloy ang lahat ng yon. hindi habambuhay ay itatali sya sa parokya nyo.. alam nyo yan.. wala silang permanent address... they are to serve Lord and lead the people. may dahilan bakit sya ililipat... may dahilan bakit kayo iiwanan.

ayusin nyo pa rin ang Bataan sa kabila ng kanyang kawalan... and be thankful for what he did to your city...

buti pa sya sinampal ka... ako nga pasampal ng isa! hehehehehe!

let's celebrate! preggy na naman ang best ko! hahahahaha!

(regards to mama and papa)

1:51 PM

arsobispo na..

arsobispo na..

3:30 PM

Post a Comment