Farewell speech delivered for Abp.Soc during the Thanksgiving Mass at the Balanga Cathedral. Oct.30, 2009  

Posted by Jay in

5 years ago, Bataan was struck by news that Bishop Soc is coming. Si Bishop Soc daw ang bagong Obispo ng Bataan. Kasabay ng balita na iyon ang bulungan na, “sikat daw yun, celebrity!”

When I heard those things, naisip kong baka mahirap ngang lapitan si Bishop Soc. Dahil sabi nila, celebrity daw. Pero July 2, 2004 ng gabi – habang busy ang lahat na nag-aayos para sa installation nya kinabukasan, nagbago ang pananaw na iyon. Nagkasalubong kami sa rectory.

Tinanong nya ko, “Anong pangalan mo?”
“Jay po”, sagot ko.
Seminarista ka ba? Tanong nya ulit
“Hindi po!”
“Sakristan?”
“hindi din po. Sa PYC po ako”
Bigla nalang nya akong nilagyan ng KRUS sa noo sabay sabi, “ahh, Si Jay magpapari ha!”

5 years ago, tuwang tuwa ang Bataan. isang araw, magigising nalang tayo, 5 years later, umiiyak na ang bataan. Sigurado akong babaha ngayung araw sa Bataan, hindi dahil sa Bagyong Santi, malamang luha ang babaha.

Kung mababasa nyo lang po Father ang mga post ng mga kabataan sa Facebook mula nung gabing inanaounce na malilipat po kayo ng Lingayen-Dagupan, hanggang kagabi habang hindi po namin malaman kung ma eexcite po ba kami, o malulungkot dahil ngayon nga po ang inyong despidida mass. Malamang sobra po kayong ma totouch. Makikita nyo po doon kung pano po ipagsigawan ng mga kabataan sa internet, na mahal na mahal po namin kayo!

Mula pos a Kabataan ng Bataan, Maraming Maraming Salamat Father Soc! Maraming salamat po sa 2nd Saturday formation, maraming salamat po sa Pope John Paull II youth camp. Hindi na po namin ma-imagine ang susunod na summer youth camp next yea na wala kaming kasamang Bishop Soc. Maraming salamat sa importansya, empowerment at pagmamahal na ibinigay po ninyo sa amin. Ano man pong bagay na sinimulan nyo para sa amin, Pangako, itutuloy po namin! Ano man pong bagay ang naituro po ninyo sa amin, pangako, ibabahagi namin!

If by chance we meet again
May it be full of blessings in the rain
Yet for now all that I can say
Is to God for you I'll pray.
THE YOUTH OF BATAAN LOVES YOU SO MUCH FATHER SOC!

- Jay Quicho
Oct. 30, 2009
Cathedral of Saint Joseph, Balanga City

This entry was posted on October 30, 2009 at Friday, October 30, 2009 and is filed under . You can follow any responses to this entry through the comments feed .

0 kumento

Post a Comment